Kuya Escort Ion Perez asks for approval from Vice Ganda’s mom, sisters

IMAGE Screen grab from It's Showtime

"Puwede ba ako sa puso niya?” Vice Ganda gives Kuya Escort Ion Perez a kiss on the cheek just as the latter was trying to ask for approval of the comedian's family.


Iniharap na ni Vice Ganda si Kuya Escort Ian Perez sa kanyang ina at dalawang kapatid sa live telecast ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, nitong Biyernes ng tanghali, March 29.

Kaugnay ito ng usap-usapan sa social media na umamin na diumano sina Vice at Ion na sila ay magkarelasyon, sa taping ng Gandang Gabi Vice (GGV) noong March 12.

Dalawang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin umeere sa GGV ang sinasabing pag-amin ng rumored couple.

Pero ngayong Biyernes, panay ang tukso ng It’s Showtime co-hosts kina Vice at Ion dahil naroon sa ABS-CBN studio ang pamilya ng comedian-TV host.

“Ay! Meet the parents ba ngayon?” panunukso ni Mariel Padilla sa gitna ng "KapareWHO" segment ng show.

Hirit naman ni Karylle, “Uy! Umayos ka Ion!”

Maya-maya pa, si Vice na mismo ang nagsabi kay Ion: “Ay, nandiyan yung kapatid ko, dalawa, tsaka yung nanay ko. May gusto ka ba sabihin sa kanila?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-pan ang camera sa audience area kung saan makikitang napapangiti ang dalawang kapatid na babae ni Vice, habang matamang nakikinig ang ina ng box-office comedian.

Bungad ni Ion, “Ate, nanay…”

Biglang natigilan si Ion at sinabing nakaramdam siya ng “hiya.”

Natawa naman si Vice at hindi sinasadyang nahampas sa mukha si Ion.

“Ay, sorry! Sorry! Sorry! Sorry!” sabi ni Vice, sabay masuyong dinampian ng halik sa kaliwang pisngi si Ion.

Saka nagpatuloy si Ion sa pagpapaalam sa pamilya ni Vice: “Humihingi po ako ng permiso. Puwede ba ako sa puso niya?”

Tawa nang tawa ang ina at dalawang kapatid ni Vice.

Pabirong sabi naman ni Vice kay Ion, “Sa laki mong 'yan, hindi pumutok yung puso ko?”

Hindi mawari kung biruan o totohanan ang kulitan nina Vice at Ion. Lalo pa’t umeeksena rin ang It’s Showtime dancer na si Jackque, na kunwa’y nais ding makuha ang atensiyon ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Ion, “seryoso” siyang nasa puso niya si Vice.

VICE STOPS MOM FROM COMMENTING ON ION

Humirit si Vhong Navarro na mas mabuting tanungin ang ina ni Vice kung ano ang sagot nito sa tanong ni Ion.

Pero bigla raw pinandilatan ni Vice si Vhong upang huwag nitong pagsalitain ang ina.

“Nakita ko, e. Akala ko malalaglag yung mata, e.”

Kaya imbes na tungkol kay Ion, tinanong na lang ang ina ni Vice kung kailan ang alis nito patungong Canada.

Ito ay dahil sasama raw ang ina ni Vice sa show ng comedian doon sa “May.”

Sabi lang ni Vice, “Nalaman ng nanay ko na kasama si Ion sa Canada, tsaka si Jackque, sumama! Sisiguraduhin daw niya na si Jackie ang kasama ko sa eroplano!”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN