Tonyboy Cojuangco defies his mother's request to leave Gretchen Barretto


Tonyboy Cojuangco's mother, Imelda "Meldy" Cojuangco, reportedly asked her son to leave Gretchen Barretto. But Tonyboy decided to stay with the actress and their daughter.



Isang kamag-anak ng pamilya Cojuangco ang nagkumpirma sa artikulong lumabas sa August 2007 issue ng YES! magazine na nagalit ang ina ni Tonyboy Cojuangco na si Meldy Cojuangco sa partner ng anak na si Gretchen Barretto dahil sa paglabas ng "kisscandal" photos ng aktres at ni John Estrada.

Sinabi ng naturang kamag-anak sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na matagal na talagang hindi tanggap ni Meldy si Gretchen para kay Tonyboy. Si Imelda "Meldy" Ongsiako Cojuangco ay biyuda ni Don Ramon Cojuangco, na siyang nagpalaki at nagpalakas sa Philippine Long Distance Telephone (PLDT), ang higanteng telecommunication firm.

Kinumpirma ng kamag-anak ng pamilya Cojuangco ang kuwento na noong magpunta si Tonyboy sa bahay ng ina noong kainitan ng "kisscandal" ay sinabihan daw ni Meldy ang anak ng ganito: "Leave Gretchen, pack your bags and come live with me."

Ang tinutukoy ni Meldy ay ang bahay niya sa South Forbes. Si Tonyboy naman ay naninirahan sa katabing Dasmariñas Village kasama ni Gretchen at ng anak nilang si Dominique. Ang tirahan ng mag-ina ay two-minute drive lamang ang layo.

Ang sagot ni Tony sa ina, ayon sa kamag-anak, ay ito: "I'm not leaving Gretchen. No one's leaving anyone. I'm not going to destroy my family."

Matapos ang halos limang minuto lamang na pag-uusap ng mag-ina ay umalis na raw si Tonyboy at umuwi na sa Dasmariñas Village.

Sa mga sumunod na araw ay naoperahan si Tonyboy sa Maynila dahil sa kanyang throat ailment. Pagkatapos nito ay umalis patungong Boston, Massachusetts si Tonyboy—kasama sina Gretchen at Dominique—upang sumailalim sa huling surgery kaugnay pa rin ng kanyang sakit sa lalamunan.

Mula noon, mga tatlong linggo na ang nakararaan, ay hindi pa ulit tumutuntong si Tonyboy sa bahay ng ina.

Sa panig naman ng isang malapit na kaibigan ni Gretchen, sinabi nitong "She has put her foot down and has vowed never to speak to Tony's mother again."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng kaibigan ni Gretchen, sa tingin daw ng aktres ay hindi talaga siya matatanggap ng pamilya Cojuangco kahit ano pa ang gawin niya para kay Tony at sa pamilya nito. Ang importante raw kay Gretchen, ayon sa kaibigan, "As long as Tony and she are together, that's good enough for her."

Mabibili na ang August 2007 issue ng YES! magazine sa leading bookstores and magazine stands.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN