Loisa Andalio stays strong amid alleged video scandal

IMAGE Noel Orsal / @iamandalioloisa on Instagram

Loisa Andalio takes to Instagram and posts a happy photo of her (right photo). In the caption, she says, "No one can beat a woman who refuses to give up on herself."


Imahe ng katatagan ang ipinapakita ni Loisa Andalio, 19, sa gitna ng pinakahuling kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Noong nakaraang linggo ay kumalat sa social media ang isang bagong video scandal at, diumano, si Loisa ang tampok dito.

Sabado, March 23, nag-trending sa Twitter ang Pinoy Big Brother: All In (2014) housemate.

Biyernes ng umaga, March 29, nag-tweet si Loisa na nagpapahayag ng positibong pananaw.

Maikling mensahe niya: “Hindi mawawala ang masayahin, makulit at positibong Loisa.”


Stories We Are Tracking

Loisa Andalio breaks silence amid rumored video scandal
Loisa Andalio breaks silence amid rumored video scandal

LOISA POSTS ON INSTAGRAM

Pagsapit ng gabi ng March 29, isang mas mahabang mensahe ang ibinahagi ng Kapamilya actress sa kanyang Instagram account.

Kalakip nito ang larawan ni Loisa na nagpapakita ng kanyang pagiging masayahin.

Sa kanyang caption, idiniin ng dalaga na pananatilihin niya ang katangiang minahal sa kanya ng publiko.

Hindi rin daw siya papayag na may dumehado sa kanya.

Nagpaalala pa ang aktres na manatiling mabuting tao.

Narito ang buong pahayag ni Loisa:

“Hindi mawawala ang masiyahin, makulit at postibong Loisa na minahal niyo, at mahal kayo. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang kahit sino mang pwede umagrabyado sa kahit isa sa atin.

“Lahat tayo pantay pantay.

“Hindi natin alam ang pinagdadaanan sa buhay ng isa’t isa, Libre lang naman ang maging mabuti sa kapwa.

“Walang kahit sinong mang may karapatang humusga sa atin, tanging Diyos lang. 

“I love you, O LORD, my strength. -Psalm 18:1

“No one can beat a woman who refuses to give up on herself.”

CELEBRITIES SHOW SUPPORT FOR LOISA

Bumuhos naman ang pagsuporta kay Loisa ng mga kapwa niya artista, kabilang na si Angel Locsin na co-star niya sa ongoing Kapamilya prime-time series na The General’s Daughter.

Nagkomento rin sina Sofia Andres, Yeng Constantino, Awra, Donnalyn Bartolome, Jason Abalos, Bianca Lapus, Igiboy Flores, Isabel Oli, at former PBB co-housemates ni Loisa na sina Joj Agpangan, Fourth at Fifth Solomon.

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN