Roaring '20s motif jazzes up Dolphy's "80th" birthday bash


King of Comedy Dolphy celebrated his 80th birthday (but his actual age is 79) with a 1920s-inspired party last July 28. The party, conceptualized by Dolphy's longtime partner Zsa Zsa Padilla and their daughters, was graced by the comedian's family and friends from the showbiz industry.



Kakaiba ang engrandeng 80th birthday celebration para sa King of Comedy na si Dolphy noong Sabado, July 28, sa Villa Immaculada, Intramuros, Manila. Ang motif nito ay 1920s kaya halos lahat ng mga kalalakihang dumalo ay nakasuot ng gangster suit at mga damit na makikintab, with matching feathers, ang sa mga kababaihan naman.



Saksi ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa espesyal na araw na iyon para sa ace comedian. Nasorpresa si Pidol (taguri kay Dolphy) sa naturang selebrasyon na inihanda ng kanyang partner na si Zsa Zsa Padilla. Hindi niya kasi akalain na ganoon kabongga at kalaki ang kanyang selebrasyon.

Pumasok si Dolphy sa venue buhat sa isang vintage car with matching bodyguard na de-baril ng mahabang de plato na animo'y local version siya ni Al Capone. Pati mga music at set ng banda ay tila galing sa gangster era ng Amerika.

"Kaya 1920 ang setting, itinaon sa araw ng kapanganakan ko at para maiba naman daw. Isa pa, dahil karamihan sa barkada ko ay ganito ring era ipinaganak, ‘yung mga young ones once upon a time," nakatawang saad ni Dolphy.

Ang birthday wish ni Mang Pidol: "Good health at happiness para sa buong pamilya ko. Wala na akong mahihiling pa, sobra-sobrang blessings na ang naibigay sa akin ng ating Panginoong Diyos."

ZSA ZSA'S WISH. Ayon naman kay Zsa Zsa, sila ng mga anak nilang sina Zia at Nicole ang nag-isip ng naturang pakulo, sa tulong nina Direk Al Quinn at Bert de Leon, pati na ni Kitchie Benedicto.

"Naisip namin ito ng aking daughters and we conceptualized it. The event will make it 1920 with the help of Kitchie and the big band. Nagulat nga si Dolphy, kasi nga ang nag-conceptualize naman ng entrance niya ay sina Bert at Al.

"Ang wish ko for him, long life, good health and lots of happiness. He's so loved by his family and other people. Noong isang araw nga, nasa embassy kami and mayroon pang lumuhod sa kanya and tuwang-tuwa na nakita siya. Maraming ganun na kapag nakikita siya'y sobrang natutuwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He's just so nice, there's no other men like him, I will never find a man like him. He's so wonderful, very gentle and loving and I'm glad we've been together for so many years," pahayag ni Zsa Zsa.

Any other gift?

"No, this party only," sagot ni Zsa Zsa. "Dapat talaga bibigyan ko siya ng mamahaling relo, ‘yung kaya kong bilhin. Pero I thought of this party and my daughters kaya ito na lang ang ginawa namin. Lahat kasi ng material na bagay, mayroon na siya, kaya mas naisip namin ito ang talagang makakapagpasaya sa kanya."

WELL-WISHERS. Ang totoong edad ni Dolphy ay 79 subalit dahil malas daw sa feng shui ang "9" at counted na raw ng isang taon habang ipinagbubuntis siya, kaya't ginawa na lamang itong 80.

"Kaya dalawang beses siguro akong magse-celebrate ng 80th birthday ko!" nakatawang saad pa ni Dolphy.

Ayon pa kay Dolphy, sobra ang kanyang kaligayahan nang gabing iyon dahil halos lahat ng mahal niya ay naroon. Sa 18 anak niya, present sina Manuel I (ama ni Boy2 na umuwi lamang ng Pilipinas mula U.S. para sa naturang selebrasyon), Sally, Dolphy Jr., Edgar, Rolly, Marikita (na nanggaling pa ng New York), Dino, Ronnie, Jeffrey, Rommel, Vandolph, at Zia Maria.

Hindi nakadalo ang ibang anak ni Mang Pidol na sina Sonny Boy, Edwin, Eric (dahil ito'y kasalukuyang nasa Amerika), Madonna, at ang anak nila ni Zsa Zsa na si Nicole na nasa Australia at nag-aaral doon.

Ang mga top brass ng ABS-CBN ay present din, sa pangunguna ng top honcho nitong si Gabby Lopez. Kasama rin ang Kapamilya executives na sina Charo Santos-Concio, Malou Santos, Linggit Tan, at Deo Endrinal. Ang cast ng John En Shirley ay present din sa pangunguna nina Susan Roces, Maricel Soriano, Noel Trinidad, at ang producer nitong si Kitchie Benedicto.

Naroon din sina Gary Valenciano with wif Angeli, Eddie Gutierrez, Carmi Martin, directors Al Quinn, Ben Feleo, at Bert de Leon. Ang mga taga-TAPE Inc. na sina Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar ay nakibahagi rin sa pagdiriwang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Mother Lily Monteverde, Dolor Guevarra, Ethel Ramos, Armida Siguion Reyna, Carlitos Siguion Reyna, Bibeth Orteza, Louie Ocampo, Ariel Ureta, Gio Alvarez, Smokey Manaloto, Bayani Agbayani, Isko Salvador, Angge, Vicky Belo, at iba pa ay present din ng gabing iyon.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga kapatid ni Dolphy na sina Auring, Laura, at Josie.

Bago nagtapos ang masayang okasyon na inabot ng madaling-araw, sumayaw sina Dolphy at Zsa Zsa. Matapos ito ay nagkaroon ng impromptu song number ang hari ng komedya at kinantahan si Zsa Zsa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN