Liza Soberano snaps back at netizen who criticized her for taking a vacation

by Bernie V. Franco
Apr 1, 2019
Kapamilya actress Liza Soberano slams netizen who accused the actress of losing focus in her showbiz career. Liza explains, "I’ve been working hard for my family since I was 12. I think I deserve the time I get off.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Inalmahan ni Liza Soberano, 21, ang komento ng isang netizen na nawawala na raw ang focus niya at wala na raw siyang gana sa kanyang career.

Nagsimula ito nang ma-post si Liza sa Instagram nitong weekend ng larawan niya at boyfriend na si Enrique Gil na kuha sa Bali, Indonesia, kung saan sila nagbabakasyon.

Continue reading below ↓

Sa pinakahuling post ni Liza nitong Lunes, April 1, nagkomento ang netizen na may handle name na @fightfortruth27.

Sinabi ng netizen na kailangang bumalik na si Liza sa pagti-train para sa pelikulang Darna.

Buong komento ng netizen: “@lizasoberano Vacation is over na. Hope you focus now on Darna.

"You badly need to go back to the gym and re-train for stunts, martial arts etc.

"Sana makita ko ulit ang drive mo sa career mo. Nawawala ka sa focus."

Continue reading below ↓

Pagkalipas ng ilang oras, sumagot ang Kapamilya actress.

Buwelta ni Liza sa netizen, wala itong karapatang sabihan siya kung kailan magbabakasyon.

Maayos daw siyang nagpaalam at deserve niya ito dahil bata pa lang ay kumakayod na siya.

Sabi ni Liza: “@fightfortruth who are you to tell me when vacation is over? My managers allowed me and so did my bosses.

"I’ve been working hard for my family since I was 12. I think I deserve the time I get off."

Continue reading below ↓

Hirit pa ni Liza, humanap na lang ng ibang idolo ang netizen kung hindi pasado ang kanyang hitsura sa panlasa nito.

Noong 2017, opisyal nang inanunsiyo na si Liza na ang gaganap na Pinoy superheroine sa pelikula.

Ito ay matapos ipahayag ni Angel Locsin na hindi na niya magagampanan ang role dahil nagkaroon ito ng disc bulge.

Continue reading below ↓

Noong 2018, naging aktibo si Liza sa pagti-train para sa role, na makikita rin sa social media.

Subalit nagkaroon ng pagkaantala sa shooting ng pelikula.

Noong 2018 din ay nagkaroon ng pagpapalit ng direktor.

Nagbitiw si Erik Matti at inanunsiyo na si Jerrold Tarog na ang magdidirek.

Gumawa rin ng isang pelikula si Liza kasama si Enrique, ang Alone/Together, na ipinalabas noong February 2019.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Liza Soberano slams netizen who accused the actress of losing focus in her showbiz career. Liza explains, "I’ve been working hard for my family since I was 12. I think I deserve the time I get off.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results