Sex guru Asia Agcaoili: "I believe in safe sex."


"I believe in safe sex. Ang daming mga bata ngayon ang nag-e-experiment about this, not thinking of doing it safely. Ngayon, makakarinig ka ng abortion, mga iniwan ng boyfriend, mga batang ina," says Asia Agcaoili.



Everywhere ngayon ang sex guru ng Viva Video and FHM na si Asia Agacaoili.

Busy promoting si Asia ng movie niyang Casa, directed by Deo Fajardo, and co-starring Michael Rivero and Paolo Paraiso. The film will open tomorrow, August 1.

Last week din, siya ang nag-host ng Ms. Ugly (No More) ng Beverly Hills 6750 sa Teatrino.

Ngayon, nagpu-promote naman siya ng kanyang third solo direct-to-video feature from Viva Records na Bedtime Stories. Puro mga personal experiences ang anim na kuwento na nilalaman ng video directed by Neil Daza.

"Kapag napanood ito ng mga naka-partner ko noon, they will know it's them. I don't have to name names naman, malalaman din nila na sila ‘yon," patawa ni Asia during the presscon of the video sa Viva office sa Tektite.

Si Asia mismo ang nagsulat ng feature although she asked a co-writer to help.

"I don't have to be everything kaya lang I need to put some insights so some of the voice-overs in between stories, ako ang personal na nagsulat," sabi niya.

From all her experiences, she insists on safe sex.

"Oo naman, I believe in safe sex. Ang daming mga bata ngayon ang nag-e-experiment about this, not thinking of doing it safely. Ngayon, makakarinig ka ng abortion, mga iniwan ng boyfriend, mga batang ina."

Is she saying this dahil siya rin ang endorser ng bagong condom brand na Premiere Condoms?

"No, I always insist on safe sex," sagot niya. "Suwerte na lang na pinag-endorse ako ng Premiere, so this time, alam ko na ang ibibigay ko sa mga partners ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN