Internet star Jelai Andres breaks up with Ex Battalion member Jon Gutierrez

IMAGE Instagram

Jelai Andres on breakup with husband Jon Gutierrez: "Nag-give-up na po ako. Hindi ko na po kailangang malaman kung asawa ko man ang may kasalanan or what, out na po ako."


Kontrobersiyal at trending topic ngayon ang sexy comedienne at Internet celebrity na si Jelai Andres.

Sikat sa social media si Jelai.

Mayroon siyang 1,939,013 followers sa Facebook (Jelai Andres), 521K followers sa Instagram (jeilaiandresofficial), at 52K followers sa Twitter (@JelaiAndres)

Mas nakilala si Jelai nang maging love team sila ni Jon Gutierrez, rapper at songwriter ng grupong Ex-Battalion.

"JoLai" ang tawag sa tambalan nila.

Nasubaybayan ng netizens ang simula at ngayo’y pagwawakas ng love story nila.

Ayon kay Jelai, 2015 nang maging sila ni Jon.

Taong 2016 nang malaman niyang may iba itong babae.

Napatawad daw niya noon si Jon.

Hanggang sa magpakasal sila noong October 2018 sa pag-aakalang totoong nagbago na ito.

Ngunit pagkalipas lamang ng ilang buwan ay nagdesisyon si Jelai na hiwalayan na si Jon.

Inanunsiyo niya ito sa pamamagitan ng Facebook Live, na in-upload din niya sa YouTube, noong March 24.

Base sa mga pahayag ni Jelai sa video, natuklasan niyang may relasyon pa rin ang Ex Battalion member sa ibang babae kahit kasal na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, ang FB Live ni Jelai ay mayroon nang mahigit 2.4 million views at No. 22 trending sa YouTube.

JELAI GIVES UP ON JON

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jelai sa Coffee Project, sa may Tomas Morato, Quezon City, noong Linggo, March 31.

Dito ay inihayag niya ang saloobin tungkol sa sinapit ng relasyon nila ni Jon.

Ayon kay Jelai, sa pagkakataong ito ay hiwalay na talaga sila ni Jon at hindi na siya muling makikipagbalikan kahit kasal na sila.

“Nag-give-up na po ako,” mariin niyang pahayag.

“Hindi ko na po kailangang malaman kung asawa ko man ang may kasalanan or what, out na po ako.

“At sinabi ko rin sa Live ko yun. Sumagot lang po ako sa Live dahil nasisira na rin ang pangalan ko.

“Kung kilala niyo po ako at nasusundan, alam niyo po na hindi ako nagpu-post ng mga ganyan.”

Sa kanyang Facebook live, na umabot ng mahigit 40 minuto, sinagot niya ang mga paninira sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Jelai, “Kaya po ako napasagot sa Live dahil may isyu na po na tungkol sa akin.

“Nambubugbog daw ako, nananakit daw ako, hindi ko raw sinusuportahan ang asawa ko, nakakasakal daw ako.

“Pero hindi po totoo. Sobrang saya po ng pagsasama namin hanggang sa dumating siya,” pagtukoy niya sa babae diumano ng kanyang mister.

Giit ni Jelai, “Actually, ako po ang biktima rito.

“Ako ang biniktima nilang dalawa.”

Sa buong interview ng PEP.ph kay Jelai, at maging sa Facebook Live, hindi niya pinangalanan ang sinasabing babae diumano ni Jon.

Pero sa social media, lumalabas ang pangalang “Toni Fowler” na diumano’y dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.

Naglabas din ng kani-kanilang live videos sina Toni at Jon.

Sa video ni Jon, humingi siya ng paumanhin sa lahat ng fans at followers nila ni Jelai.

Inamin nito ang katotohanan sa mga naglabasang isyu at pinanghihinayang daw niya na nasira ang pagsasama nilang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE REAL TRUTH

Sa kanyang Facebook Live, may ibinahaging maselang video si Jelai na ipinadala raw sa kanya ng babae diumano ni Jon.

Nong 2016 pa raw niya ito natuklasan, pero ngayon lang inilabas ni Jelai.

Nagawa lang daw itong ipakita ni Jelai sa publiko para malaman ng lahat ang tunay na katotohanan sa mga nangyari.

“Ako po ang biktima rito,” ulit ni Jelai.

“Sinabi nung babae na katotohanan daw yung mga sinabi niya.

“Kaya po ako sumagot na ito ang tunay na katotohanan.

“Hindi katotohanan na nanggugulpi ako, alam ng mga tao na supportive ako kay Jon.

“Sa lahat ng music video nila, ako ang nandoon na babae, ako ang nagpu-push sa kanila.

“Ako ang tumulong sa kanya na makapasok sa showbiz, lahat po yun.

“Wala po siya ng kahit ano nang dumating dito about showbiz, ako lang po yung tumulong sa kanya.

“Lahat po yun kinorek ko dahil naapektuhan na ako.”

Sabi pa niya, “Siguro po, kung gusto nilang mag-away dalawa, magbatuhan sila, magsaluhan sila ng kamay, okay na po kung hindi ako nadamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero damay po ako. Yung mga tao nagko-comment na, ‘Masama ka palang babae kaya ka niloko.’

“At siya po ang dahilan ng paghihiwalay namin, wala na pong iba,” pagtukoy niya sa babae diumano ni Jon.

FINAL DECISION

Final na raw ang desisyon ni Jelai na makipaghiwalay kay Jon, at wala na rin ang JoLai na sinusubaybayan ng netizens.

Pahayag niya, “Move on na lang po ako sa life ko, sa career ko.

“Siguro ano na lang din po ni God ito sa akin, naging mas mabait pa si God sa akin dahil ipinakita niya sa akin nang mas maaga.”

Pero pag-amin ni Jelai, “Mahal ko pa rin po ang asawa ko.

“Imagine niyo yung from heaven feeling na ikinasal ka, nag-propose sa ‘yo, honeymoon, ilang buwan, then biglang bangungot.

“Ibang pakiramdam po, iniisip ko na ang malas ko, hindi ako makapaniwala na bakit ganito.

“Mahal ko po siya, pero mamahalin ko siya sa ibang paraan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paraan na kailangan niyang matuto at maayos na ang buhay niya.

“Para sa susunod may makakasama siya, maayos na niya ang buhay niya—at hindi na po ako yun.”

Dumating daw sa puntong nag-suffer na ang kalusugan ni Jelai dahil sa depression at anxiety.

Nahirapan daw siyang tanggapin na ilang buwan lang pagkatapos nilang ikasal, matutuklasan niya ang mga nangyari. 

Ayon kay Jelai, ngayon ay gusto naman niyang pahalagahan ang sarili at mag-focus na lang sa trabaho.

“Sa ngayon, I’m okay on my own,” pakli niya.

“Magpo-focus po ako sa happiness ko. Ayoko na po silang isipin.

“Basta ako, wala akong tinapakang pagkatao.

“Makakalabas po ako ng bahay na hindi ako nahihiya. Na wala akong sinaktan at kinaladkad na tao.

“I think, I should focus on making myself happy, gusto ko na lang pong sumaya.

“Sobrang blessed po ako that I’m surrounded with my family.

“Ayoko na po silang isipin, and na-realize ko na hindi pala ko malas, hindi dito nag-e-end ang buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Move forward po ako, magtrabaho nang magtrabaho at laging positive na lang.”

Patuloy ni Jelai, “Sabi ko nga po noong ikinasal kami, our road starts here. Pero ngayon, ito na po ang end.

“Puwede po akong kumanan, puwede po akong dumiretso, pero hindi na po ako babalik sa road na yun.”

Plano rin daw ni Jelai na gawing legal ang paghihiwalay nila ni Jon at ipa-annul ang ilang buwan pa lang nilang kasal.

JELAI POSERS

May pakiusap naman ang Internet celebrity sa netizens na maging maingat sa pag-verify ng official accounts.

Maraming posers daw kasing gumagawa ng account at nagpapanggap bilang siya.

Yung ibang fake accounts, humahamig pa raw ng mas maraming followers sa official accounts niya dahil sa kung anu-anong posts na hindi naman daw siya ang may gawa.

Sabi ni Jelai, “Nakakatanggap po ako ng pangba-bash, kasi ang dami pong posers, kung anu-ano po ang sinasabi.

"Yung iba, naka-block pa po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami pong lumalabas na tweets, status from poser accounts.

"Please, hindi po ako yun.

"Huwag po kayong maniniwala sa mga pinu-post o tinu-tweet, wala po akong kinalaman dun at huwag niyo pong ipakalat or i-share."

Si Jelai ay nasa ilalim ng management ng AGP House of Characters ni Rams David.

Leading lady siya ni Michael Angelo sa Michael Angelo The Sitcom, na napapanood tuwing Linggo sa GMA News TV.

Madalas din siyang mapanood sa Sunday PinaSaya at iba pang programa ng Kapuso network.

Katatapos lang niyang gumawa ng pelikula, ang Ang Taran Tanods, na entry sa CineLokal.

Kasalukuyan din daw niyang ginagawa ang pelikulang Fillennials kasama sina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani.

Samantala, bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Jon Gutierrez at Toni Fowler kaugnay ng mga naging pahayag ni Jelai Andres.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN