Dancer Toni Fowler reveals version of past relationship with Ex Battalion's Jon Gutierrez

IMAGE Toni Fowler's Facebook

Dancer Toni Fowler denies rekindled relationship with Ex-Batallion rapper Jon Gutierrez: "Oo, naging bobo ako nung 2016. Pero [p********]! Sorry ha, hindi ako para makipag-agawan sa taong may asawa na... May asawa na yung tao. Nanahimik sila, nananahimik ako."


Nagsalita na si Toni Fowler sa umano’y pagkakadawit ng kanyang pangalan sa napabalitang hiwalayan ng Ex Battalion member na si Jon Gutierrez at asawa nitong si Jelai Andres.

Sina Jon at Jelai ay kilala sa tambalan nilang JoLai sa YouTube, kung saan nasubaybayan ng kanilang followers ang love story nila mula July 2016.

Mayroong 1.95M followers si Jelai sa kanyang sariling Facebook account at 1.6M naman ang kay Jon.

Si Toni ay isang dancer na may 1.52M followers sa Facebook. Siya rin ang current girlfriend ng GMA-7 actor na si Rob Moya. 

Nitong March 23, 2019, naglabas ng one-hour long Facebook Live video si Toni. 

Dito isiniwalat ni Toni na totoong nagkarelasyon sila ni Jon noong 2016.

Pero paglilinaw niya, walang katotohanan ang akusasyong nanumbalik ang ugnayan nila ni Jon nitong February 2019.

Hamon ni Toni kay Jon:

“Baka naman, Jon. Kasi ang tagal mo nang walang [ba*ag], e. Baka naman puwede ka nang magsabi ng katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pasensiya ka na kung sinabi ko dati na, ‘Sige, promise, hindi kita ilalaglag.’ Pero [p********], tama na!

“Magta-tatlong taon na, lahat ng katarantaduhan mo, lahat ng panggagago mo sa asawa mo, o sa dati mong girlfriend nung hindi pa kayo kasal, ako lang itinuturo.

“E, ako, nananahimik ako. Sana naman magkaroon ka ng [b****]. Magsabi ka ng katotohanan.”

HOW TONI FOWLER AND JON GUTIERREZ MET

Inilahad din ni Toni ang kanyang bersiyon kung paano naging sila ni Jon noong 2016.

Nangyari raw iyon bago nagpakasal sina Jon at Jelai noong October 2018. 

Una raw silang nagkakilala ni Jon bandang June 2016, nang mabuo ang isang Facebook Group Chat, kung saan ang mga miyembro raw nito ay may Facebook followers na hindi bababa sa 100,000.

Parehong miyembro ng Facebook Group Chat na iyon sina sina Toni at Jon. 

In-add daw siya ni Jon sa Facebook, at nakapalitan niya ito ng private messages.

Si Jon daw ang nagturo sa kanyang gumamit ng Snapchat, isang social media platform kunsaan puwedeng magpalitan ng pictures at videos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Toni na naglandian sila ni Jon sa pamamagitan ng palitan nila ng Snapchat pictures ng maseselang bahagi ng kanilang katawan.

Giit ni Tonoi, hindi niya alam na may girlfriend si Jon noon. 

“Ang tanga ko lang talaga. Yung kausap ko, ay sige famous-famous tayo, tropa-tropa tayo.

“Hindi ko man lang inisip na, ‘Toni, naglalandi kang gaga ka! Nagsi-send ka ng ganyan, pero photoshoot naman.

"'Tapos [p********], nagse-send ka ng ganyan, may syota pala yung tao!’”

Pag-amin ni Toni, “Uulitin ko, naging careless ako. Hindi ko inaalam kung sino kinakausap ko.” 

Tandang-tanda pa raw ni Toni na noong nag-birthday siya noong July 2016, pinadalhan siya ni Jon ng private video kung saan makikita ang maselang bahagi ng katawan ng rapper.

“Sabi ko, ‘Wow, ang galing naman.’ Sabi niya, ‘birthday gift’ niya ulit.”

Limitado lang umano sa palitan ng messages at Snapchat photos or videos ang ugnayan nina Toni at Jon noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEETING JON IN PERSON

Hanggang sa isang gabi, nagpunta raw si Toni sa isang bar sa Quezon City, kunsaan nagkita-kita ang mga miyembro ng Facebook Group Chat, kabilang sina Toni at Jon.

Doon daw unang nakita ni Toni sa personal si Jon, at nagturuan pa raw sila nang mamukhaan nila ang isa’t isa.

Ayon pa rin sa paglalahad ni Toni, napilitan siyang makisali sa inuman ng grupo sa ngalan ng "pakikisama."

Sa kanilang kumpulan ay may nagbanggit kay Toni na may “dyowa” na si Jon, pero hindi raw niya kilala kung sino ang sinasabing girlfriend ng Ex Battalion rapper at songwriter. 

Lalo na't ni minsan ay hindi raw niya naringgan si Jon na may girlfriend na ito.

Sabi pa ni Toni patungkol sa first meeting nila ni Jon, “Kinukulit niya ako, lapit siya nang lapit.”

Pagkatapos ng gabing iyon, naputol daw ang komunikasyon sa pagitan nila ni Jon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TONI MEETS JELAI IN PERSON

Hindi raw inakala ni Toni na magkukrus ulit ang landas nila ni Jon sa parehong bar sa Quezon City.

Kasama raw ni Toni ang pamilya niyang nagkakasiyahan sa bar, nang dumating ang grupo ni Jon at girlfriend nitong si Jelai.

Kilala ni Toni ang ilan pang mga kasama ni Jon. Isa raw sa mga ito ang tumawag kay Toni at nagpakilala sa kanya kay Jelai.

Patuloy na kuwento ni Toni: “Maya-maya, pag-check ko ng phone ko, nag-message po si Jon.

"This time hindi na po sa Snapchat. Sa Viber, kasi kinuha rin niya yung number ko sa Snapchat dati.

“Sabi niya sa akin, ‘Sorry, ha? Dinala ko siya dito.’

"Sabi ko, ‘Ha, ano ka ba! Siyempre syota mo 'yan, dadalhin mo.’”

Ang totoo, ayon sa bersiyon ng kuwento ni Toni, nagulat daw siya nang makilala niya sa personal si Jelai.  

Tulad nang una niyang nabanggit, hindi raw sinabi ni Jon sa kanyang may girlfriend na ito, kahit noong nag-uumpisa pa lang silang magpalitan ng Snapchat pictures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero umakto raw si Toni na game “makipag-friends sa lahat even kay Jelai.”

Kahit sa loob-loob daw niya, “Ay, [t******]! Ito pala yung syota. May syota pala!”

Kuwento pa ni Toni, friendly din daw sa kanya si Jelai noong gabing nagkakilala sila. 

Natatandaan pa raw ni Toni na manghang-manghang hinipo pa ni Jelai ang boobs niya na cosmetologically enhanced.

Kaswal daw ang sandaling pag-uusap nila ni Jelai tungkol sa retokadang boobs ni Toni. 

Pagkatapos ay lihim daw sumagot ulit si Toni sa Viber Chat nila ni Jon.

Text daw ni Toni kay Jon: “Alam mo, ang bait-bait ng syota mo. Huwag kang ganyan. Tigilan mo na yung kakakulit mo sa akin.”

JON ALLEGEDLY OPENS UP ABOUT PROBLEM WITH JELAI

Lumipas ang mga araw, makailang-beses pa raw naulit ang pagkikita ng mga miyembro ng Facebook Group Chat, na kinabibilangan nina Jon at Toni, sa parehong bar sa Quezon City. 

Nang magkakilanlang mabuti, “nag-open up” si Jon sa kanilang grupo na problemado raw ito sa relasyon nila ni Jelai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad pa ni Toni hinggil sa umano'y rebelasyon ni Jon:

“Dito na nagsimula. Sabi niya, ayaw na raw niya kay Jelai, napipilitan na lang daw siya.

“Lahat ng videos niyo, bayad. Lahat ng posts niyo, bayad. Lahat ng mga ginagawa niyong propaganda sa Facebook, bayad.

“Sa bibig mo nanggaling 'yan Jon, ha? Hindi sa akin.”

Si Jon daw mismo ang nagsabi sa kanilang grupo na “scripted” lang ang tambalang JoLai sa YouTube.

Sentimiyento pa raw ni Jon tungkol sa relasyon nila ni Jelai:

“Lagi raw siya nasasakal, hindi siya pinapayagang lumabas.

"Pag pumupunta siya sa mga kaibigan niya, nasa kotse lang daw yung girlfriend niya.

“Never siyang sinuportahan sa pangarap niya sa Ex B s*** ganyan, never nandiyan para sa kanya...”

Sinabi rin daw ni Jon na madalas itong pisikal na sinasaktan ni Jelai.

Dagdag ni Toni: “So lahat kami, siyempre down yung tao, nandiyan kami para sa kanya.

"Lagi kaming magkakasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang panahon akala ko lahat ng kasama ko, kaibigan ko.” 

ON FALLING IN LOVE WITH JON

Habang tumatagal ay tuluyan daw nahulog ang loob ni Toni kay Jon.

“Hanggang sa aaminin ko, guys, nung time na yun, siguro mali ako dun, e. Hindi ko nga alam kung ano, e.

“Nag-comfort ako ng taong nanggaling sa breakup. Nag-break po sila.”

Ayon kay Toni, pinaniwala siya ni Jon na peke ang relasyon nito at ni Jelai. 

Napipilitan na lang daw si Jon na magpanggap na sila pa rin ni Jelai dahil sa tambalang JoLai sa YouTube. 

“Ngayon sabi ko, ‘Kung nag-break kayo, Jon, bakit kayo pa rin sa Facebook?’

"Ngayon sabi niya, ‘Kasi nga bayad kami as kami. Bayad kami na as a couple kami.”

Ipinaliwanag din umano sa kanya ni Jon na hindi ito puwedeng basta na lang mag-solo ng career, dahil parte ng “trabaho” ang pagpapatuloy ng tambalang JoLai sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa raw ni Jon kay Toni: “Pag pinost namin na hindi kami, mawawalan ako ng trabaho.”

Tahasang sinabi ni Toni na hindi niya napigilan ang sariling maging malapit kay Jon.

Lalo pa't magkasundo raw sila ni Jon sa maraming bagay at “good vibes” lang sila pag sila ang magkasama.

ON LIVING TOGETHER FOR ALMOST A MONTH

Si Toni rin daw ang naging takbuhan ni Jon nang mag-alsa balutan ito at umalis sa tinitirahang bahay nito at ni Jelai.

Pinatira pa raw ni Toni si Jon sa bahay niya noon sa Quezon City.

“Ako naman si gaga, naniniwala ako na single ka na. Siyempre, alam ko single ka.

“E, alam ko wala akong tinatapakang tao.

“So ang ginagawa ko, na-entertain ko siya. Nagkaroon po ako ng feelings sa tao. Na-attach ako sa tao."

Awang-awa raw si Toni kay Jon dahil sa mga kuwento nitong nasakal ito sa pakikipagrelasyon kay Jelai. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naawa ako sa tao. Ambait-bait naman pala, ta’s lagi ka pinapalayas, lagi ka binubugbog, 'agi ka sinasakal.

“Dun po ako naniwala kasi yun pinaniwala niya sa akin.

“Hanggang sa lumalim na. Tumira siya sa akin ng halos isang buwan.

“Ako po lahat... kotse ko—lahat…”

Buong akala raw talaga ni Toni ay hiwalay na noong panahong iyon sina Jon at Jelai.

Pumayag daw si Toni na umaktong “unofficial” sila ni Jon kapag nasa pampubliko silang lugar, sa paniniwalang pinangangalagaan lamang ng rapper ang imahe nito sa ngalan ng trabaho.

Buong-puso raw siyang naniwala sa mga paniniguro ni Jon na siya ang tunay na nagmamay-ari ng puso nito. 

“Sinabi niya mahal niya ako, na ako ang babaeng gusto niya, at ako lang ang babaeng nakakaintindi sa kanya,” giit ni Toni. 

Sa harap niya ay sumulat pa raw si Jon ng lyrics ng isang kantang dedicated para sa kanya, kaya paniwalang-paniwala siya sa mga sinasabi ng Ex Battalion member.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE THIRD-PARTY ISSUE

Pero lumabas daw ang mapait na katotohanan nang nagsimulang magpahaging si Jelai tungkol sa isang hindi-pinangalanang “ahas” sa Facebook wall nito.

Unti-unti raw napagtanto noon ni Toni na nagsisinungaling sa kanya si Jon na hiwalay na sila ni Jelai.

“Nalaman ko na, ‘Ay, p********, sila pa ata. Hindi naman magwawala yung babae kung break na sila.”

Nagdesisyon daw si Toni na kausapin nang masinsinsan si Jon. Siya pa raw ang naghimok ditong balikan si Jelai.

“Ako nagpilit. Dahil pinilit kita, ang ginawa mo, tinawagan mo yung girlfriend mo, na ang akala ko ex mo.”

Nang tawagan ni Jon si Jelai, narinig daw ni Toni ang pag-uusap ng magkasintahan.

Hindi nabanggit ni Jelai kung telepono o messaging app ang ginamit ni Jon pantawag kay Jelai. 

Pero malinaw na inilarawan ni Toni na umiiyak si Jelai, at sinabing hindi ito makatulog at makakain dahil sa problema nila ni Jon. 

Balik-tanaw ni Toni: “Umiiyak si Jelai... Habang umiiyak si Jelai, umiiyak ako…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa isip-isip ko, p******** ang sinungaling mo! Nakakasakit ka pala ng iba.

"Ako din, parang nakasakit din ako ng iba, wala akong alam. Nagsa-suffer pala yung babae ta's ganyan...”

Pagkatapos kausapin ni Jon si Jelai ay itinuloy raw nina Jon at Toni ang kanilang masinsinang pag-uusap. 

Nasa loob daw sila ng kuwarto at lumuhod pa raw si Jon sa harap ni Toni. 

Sabi raw ni Jon kay Toni: “Sorry, Toni, kung nadamay ka sa nangyari. Sorry kung nadamay ka, nasisira yung pangalan mo dahil sa akin.”

Pero giit ni Toni, hanggang sa huli ay nanindigan si Jon na wala itong relasyon kay Jelai.

“Ang sinabi mo lang ganito: ‘Toni, hindi kasi kayang tanggapin ng mga tao na wala lang kami. Ngayon, hindi ko naman puwedeng ilabas na may tayo. Ang pangit naman nun, papaano yun?'" 

Inintindi raw ni Toni ang sitwasyon ni Jon.

Nabanggit pa raw ni Toni kay Jon na hindi rin naman siya pinapayagang magkaroon ng boyfriend bilang isang talent ng isang all-female dance group.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong ni Toni patungkol pa rin kay Jon, “Ngayon sabi mo sa akin, ‘Aayusin ko lang. Makikipaghiwalay ako nang maayos. Babalik ako sa ‘yo. Ikaw talaga yung mahal ko.'”

Pumayag daw si Toni at sinabing: "Sige, Jon, OK lang, umuwi ka na sa kanya. Baka maayos niyo pa 'yan...'

"Hindi ko sinabi na, 'T****** mo, sinungaling ka!' Wala, nanghina na yung loob ko."

WAITING GAME, PARTING WAYS

Pero tuluyang nagkabalikan sina Jon at Jelai.

Nasaksihan daw ni Toni sa online posts ni Jon na muli nitong niligawan si Jelai.

Nalaman din ni Toni na nagpalagay pa si Jon ng tattoo ng mukha ni Jelai sa bisig ng rapper. 

Ang hindi raw maintindihan ni Toni ay kung bakit patuloy pa rin si Jon sa pangungulit at pagse-send ng naughty pictures sa kanya.

Ani Toni, “Chat ka pa rin nang chat... Naka-move on na ako, bigla ka na lang magsi-send ng t*t* mo, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makailang-beses pa raw silang nagkita sa personal ni Jon at panay raw ang sabi nito na siya pa rin ang gusto nito. 

Patunay raw nito ang screenshots ng palitan nila ng Viber messages ni Jon, kunsaan humingi pa ng palugit na "one month" ang rapper para mahiwalayan nito si Jelai. 

Inamin ni Toni na umasa siyang babalikan pa siya ni Jon.

Pero dahil hindi pa rin nito tuluyang hinihiwalayan si Jelai, dumating sa puntong nagdesisyon si Toni na tuluyang layuan ang lalaki. 

Nagpalit daw si Toni ng cellphone number at kinalaunan ay nagkaroon din ng bagong nobyo. 

JOLAI'S LIFE STORY ON MAGPAKAILANMAN

Ikinagulat daw ni Toni na nadawit siya sa pagsasadula ng love story nina Jon at Jelai (JoLai), sa September 2017 episode ng Magpakailanman (MPK), ang drama anthology ng GMA-7. 

Itinago raw sa pangalang "Kris" ang katauhan ni Toni sa naturang JoLai episode. 

Pero nakatanggap pa rin daw si Toni ng Facebook comments kung saan inuugnay siya sa umereng Magpakailanman episode. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung kuwento niyo sa MPK, yung girlfriend mo nakatulog, 'tapos ako yung gusto magpakilala, 'tapos sinayawan kita.

"F***, kailan nangyari yun? Walang ganung nangyari..."

Nanahimik daw si Toni kahit naididiin siyang third party sa relasyon noon nina Jelai at Jon. 

"Nilandi ko raw yung lalaki na akala mo sobrang guwapo.

"Okey, nalaman ko na may syota ka pala. Naniwala pa ako sa 'yo nang konti...

"A, eto na, g*** ka, umiwas ako sa 'yo. Ta's ipapalabas sa TV, sinayawan kita? Bakit kita sasayawan?! Wala pong nangyaring ganun." 

THE 2019 ENCOUNTER

Nanindigan si Toni na 2016 pa nang huli silang nagkausap ni Jon. 

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita raw silang muli nitong February 2019. 

Sa pagpapatuloy ng Facebook Live ni Toni, ipinaliwanag niyang kinontak niya si Mark Maglasang, na kagrupo ni Jon sa Ex Battalion. 

Nangungutang daw si Toni ng PHP50,000 kay Mark, pero nagsabi ang huli na PH20,000 lang ang kaya nitong ipahiram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasundo raw sila ni Mark na idadaan nito ang pera sa nilipatang bahay ni Toni sa Las Piñas City. 

Bandang madaling-araw raw nang dumating ang isang kotse lulan si Mark. 

Pinasakay raw ni Mark si Toni sa kotse.

Kuwento pa rin ni Toni, laking-gulat niya nang makita niya na si Jon ang nakaupo sa driver seat at si Mark ang nasa passenger seat. 

Hangga't maaari ay umiwas daw si Toni sa pakikipag-usap kay Jon. 

"Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Tahimik lang ako sa likod." 

Aminado si Toni na sumama siyang mag-drive thru sa isang fast food chain, at pagkatapos ay tumambay sila sa isang lugar kalapit ng bahay niya. 

Pero taliwas sa ipinapakalat na impormasyon ng isang kakilala nilang netizen, wala raw silang ginawang kabalbalan ni Jon sa loob ng kotse. 

Pinabulaanan din niya ang kumakalat na espekulasyong pumunta sila ng hotel ni Jon. 

Pahayag ni Toni: "Oo, naging bobo ako nung 2016. Pero [p********]! Sorry ha, hindi ako para makipag-agawan sa taong may asawa na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman ako ganun kagago. May asawa na yung tao. Nanahimik sila, nananahimik ako. Hindi ako ganun."

Narito ang kabuuan ng Facebook Live ni Toni, na mayroong 3.5M views at press time: 

Pagkatapos ng one-hour long Facebook Live ni Toni, inilabas din niya ang ilang screenshots ng pag-uusap nila sa Viber ni Jon. 

May screenshot din, na may petsang December 26, 2016, kunsaan makikitang kinukumusta pa siya ni Jon.

Nitong March 24, 2019, ibinahagi rin ni Toni ang screenshot ng private message niya sa Facebook kay Jelai. 

Nakasaad ditong nais ni Toni na personal na humingi ng tawad kay Jelai sa nagawa nitong pagkakamali noong 2016. 

JELAI FACEBOOK LIVE

Samantala, noong March 24, 2019 ay naglabas naman si Jelai Andres ng Facebook Live sa sarili nitong account. 

Dito ay iginiit ni Jelai na siya ang biktima ng panlolokong ginawa sa kanya nina Jon at Toni noong 2016. 

Taliwas sa pahayag ni Toni, nanindigan si Jelai na sinadya umano ni Toni na agawin sa kanya si Jon noon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinumpirma ni Jelai na totoong personal silang nagkakilala nila ni Toni. 

Pero kinabukasan daw noon, kahit alam na ni Toni na may girlfriend si Jon, ay nagpadala pa rin si Toni kay Jon ng video.

Malinaw raw sa video na iyon na inaakit talaga ni Toni si Jon. 

Nabuhay raw ulit ang "trauma" ni Jelai sa panloloko sa kanya nina Jon at Jelai noong 2016, nang mabalitaan niyang nagkita muli ang dalawa nitong February 2019.

Hindi na available sa Facebook ni Jelai ang kanyang Facebook video, pero ni-repost niya ito sa kanyang YouTube account. 

Mayroon na itong mahigit 2M views at press time:  

JON GUTIERREZ FACEBOOK LIVE

Nagkaroon din ng sariling Facebook Live si Jon Gutierrez, kunsaan inalmahan nito ang pandidiin sa kanya ni Toni Fowler. 

Noong naging magkarelasyon daw sila ni Toni noong 2016 ay alam nitong "Number 2" lang ito sa buhay ng lalaki. 

Nilinaw rin ni Jon na walang anumang nangyari sa kanila ni Toni nang muli silang nagkita nitong 2019. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkita lang daw sila noon dahil ang kagrupo niyang Ex-Battalion na si Mark ay nagpahiram ng pera kay Toni. 

Narito ang kopya ng Facebook Live video ni Jon, na may petsang March 26, 2019: 


Stories We Are Tracking

Internet star Jelai Andres breaks up with Ex Battalion member Jon Gutierrez
Internet star Jelai Andres breaks up with Ex Battalion member Jon Gutierrez


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN