Kylie Verzosa posts photo with Jake Cuenca for the first time

IMAGE @juancarloscuenca / @kylieverzosa Instagram

Miss International 2016 Kylie Verzosa thrills netizens as she posted an Instagram photo with her rumored beau Jake Cuenca.


Sa kauna-unahang pagkakataon, si Kylie Verzosa ang nagbahagi ng litrato nila ni Jake Cuenca sa Instagram account ng beauty queen-actress. 

Kinunan ni Kylie ang Instax picture nila ni Jake noong minsang nagpunta sila sa isang beach. 

Katabi ng kanilang couple photo ang solo Instax pictures ni Kylie na nakasuot ng swimsuit at ni Jake na topless at naka-board shorts. 

Tanging sun at monkey emojis ang caption ni Kylie sa Instagram post niyang iyon kagabi, April 2. 

Pero sa comments' section, tatlong heart emojis ang iniwang mensahe ni Jake. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpahaging naman ang fashion stylist na si @adrianneconcept na deserve daw ni Kylie maging "beyond happy" matapos itong maloko ng hindi pinangalanang karelasyon ng beauty queen noon. 

"BABE! [heart] See! So much for being CHEATED ON, right? Look at you! [lovestruck emoji] Beyond happy you dodged a bullet. ILY @kylieverzosa." 

Sagot ni Kylie sa kaibigang fashion stylist, "@adrianneconcept thank you [heart] ILY"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUMORED ROMANCE

Ilan buwan nang iniintrigang may namumuong pagtitinginan sa pagitan nina Kylie at Jake, na magka-love team sa panghapong ABS-CBN teleserye na Precious Hearts Romances: Los Bastardos.

Ito ay matapos mapansin ang pagpu-post ni Jake ng mga litrato na silang dalawa lang ni Kylie ang magkasama simula pa noong December 2018 hanggang sa kasalukuyan.

Noong March 10 ay namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magka-date sina Kylie at Jake sa Wanderland concert sa Alabang concert grounds. 

Pero maliban sa madalas na paglabas-labas ng dalawa ay walang direktang kumpirmasyon mula sa mga itong sila na. 

THRILLED KYLIE-JAKE SUPPORTERS

Sa kabilang banda, marami sa mga tagasuporta nila ang kinilig dahil sa wakas ay nag-post na raw si Kylie ng litrato nila ni Jake sa Instagram. 

Narito ang kanilang comments: 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kim reacts to Jake-Kylie sweet photo
Kim reacts to Jake-Kylie sweet photo


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN