John Lloyd Cruz spotted at a pares house amid rumored showbiz comeback

IMAGE Courtesy: Kapamilya Online World on Facebook

Netizens pose with John Lloyd Cruz while the actor is waiting for his order at a pares house.


Kasabay ng napapabalitang showbiz comeback niya, muling namataan ng netizens ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Kagabi, April 2, ibinahagi sa Facebook ang dalawang larawan ni John Lloyd na kuha sa loob ng isang pares house.

Habang hinihintay ang kanyang order, may ilang netizens na nagpakuha ng larawan sa on-leave na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon din, lumabas ang balitang magbabalik muli sa showbiz ang aktor sa pamamagitan ng isang endorsement.

Winelcome na rin ni Piolo Pascual si John Lloyd bilang kapamilya sa shawarma brand na kanyang iniendorso.

Kung titingnang mabuti, halos magkapareho ang hitsura ni John Lloyd sa larawang ibinahagi ni Piolo sa nag-viral na litrato ng aktor sa pares house. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang naka-indefinite leave si John Lloyd sa showbiz upang pagtuunan ang simpleng pamumuhay kasama ang kanyang partner na si Ellen Adarna at kanilang anak na si Elias Modesto.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN