Former TV5 anchor Seph Ubalde dies at 33

IMAGE Courtesy: Joseph Holandes Ubalde on Facebook

Gone too soon: Friends and relatives of former TV5 anchor Seph Ubalde still in shock over his untimely passing.


Pumanaw na ang dating TV5 news/weather anchor ng TV5 at Manila Times columnist na si Joseph “Seph” Holandes Ubalde nitong April 1, 2019.

Si Seph ay 33 taong gulang lamang.  

Natagpuan ang bangkay ni Seph sa kanyang hotel room sa Bonifacio Global City.

Ayon sa police report, nakita ang wala nang buhay na katawan ni Seph sa banyo ng hotel room nito matapos rumesponde ang hotel security sa tawag ng isang caller na nagsabing hindi sinasagot ng anchor/columnist ang kanyang telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ng in-house doctor ng hotel—base sa ulat ng The Manila Times ngayong araw, April 3—pumanaw si Seph on the spot.

Hindi pa nila masabi ang sanhi ng pagkamatay ni Seph.

Kinumpirma rin ng kapatid ni Seph na si Shyrl Ann Ubalde ang pagpanaw ng dating TV5 news anchor.

PREMONITION?

Ikinagulat ng mga dating kasamahan sa trabaho, kaibigan, at mga kamag-anak ang biglaang pagpanaw ni Seph. 

Kilala kasi nila ito bilang masayahin, health conscious, at matalino pa.

Pumukaw rin ng atensiyon ang Instagram post ni Seph noong April 1 bago matagpuan ang kanyang bangkay bandang 12:22 ng tanghali.

Makahulugang mensahe nito sa caption: “Freedom.”

Ang huling post naman ni Seph sa Facebook noong March 31, Linggo, ay ang video ng kanyang hobby na pagsasayaw.

MEDIA CAREER

Si Seph ay nagtapos ng kursong Journalism sa University of the Philippines noong 2007.

Nakakuha siya ng Certificate on Online and Multimedia Journalism sa International Institute for Journalism (InWent) sa Berlin, Germany, noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsimula ang karera niya sa telebisyon bilang Senior News Producer ng GMA News.

Lumipat siya sa TV5 noong 2011 kung saan nagtrabaho siya bilang Multimedia Reporter ng InterAksyon.com.

Naging news at weather anchor din siya ng Aksyon TV at TV5.

Noong 2018, nagsimula siyang magsulat ng kolum sa The Manila Times.

TOP 1O CUTEST NEWSMEN

Noong 2012, napabilang si Seph sa Top 10 Cutest TV Newsmen: 2012 Edition ng www.spot.ph.

Nakalagay pa sa description nila kay Seph (Top 7): “This tisoy TV5 newsman writes for InterAksyon.com and takes on the weather report for the network’s Balitang 60. 

"His charming toothpaste-ad smile and lean frame make him worthy of being a matinee idol.

"If this is the face of your weather forecast, then, yes, it will always be sunny in Metro Manila.”

Nakasama rin sa listahan noon sina Tonipet Gaba, Jerome Lantin, Kirby Cristobal, Dano Tingcungco, Renz Ongkiko, Pochoy Labog, Jason Webb, Carlos Santamaria, at Edric Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakalagak ang mga labi ni Seph Ubalde sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth Avenue, Quezon City. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN