John Lloyd Cruz confirms his "pagbabalik"

IMAGE Courtesy: Kapamilya Online World / John Lloyd Cruz on Facebook

John Lloyd Cruz will finally make a showbiz comeback via a brand endorsement. Will the actor also return to television and movies?


Kumpirmado na ang "pagbabalik" sa showbiz ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Inanunsiyo ito sa verified account ni John Lloyd Cruz sa Facebook na mayroong 215,000 followers.

Ngayong Miyerkules ng hapon, April 3, ibinahagi sa nasabing FB account ang poster ng bagong endorsement ng aktor.

Ang caption ng post: “Ang pagbabalik.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nai-post din ang nasabing post sa official Instagram account ni John Lloyd.

Kasunod nito, ibinahagi rin ang ilang segundong teaser ng brand endorsement ng aktor.

Kahapon, April 2, umingay ang balita tungkol sa "showbiz comeback" ni John Lloyd nang mag-post si Piolo Pascual sa Instagram ng poster ng bagong endorser ng produktong iniendorso niya.

Sabi ni Piolo sa caption: “If thats you i’m happy coz ur my brother [smiling emoji] welcome to the family!”

Ikinatuwa naman ng maraming tagahanga ni John Lloyd ang balitang ito at umaasa silang pati sa telebisyon at pelikula ay magbabalik na rin ang award-winning actor.

October 2017, nag-indefinite leave ang aktor sa showbiz pagkatapos maugnay sa kanyang Home Sweetie Home co-star na si Ellen Adarna.

Makalipas ang isang buwan, November 2017, ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama ng dinadala nito.

June 2018, nanganak ang sexy actress ng isang malusog na batang lalaki na pinangalanan nilang Elias Modesto, bilang pagpupugay sa namayapang ama ni Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN