Ronnie Alonte explains why he has no new photos with girlfriend Loisa Andalio

IMAGE @iamandalioloisa Instagram

Ronnie Alonte and Loisa Andalio prove that their relationship is going strong after she surpassed a recent controversy.


Siniguro ni Ronnie Alonte, 22, na going strong ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Loisa Andalio, 19.

Ito ay matapos kuwestiyunin ng isang netizen kung bakit walang bagong couple picture na ipinapakita si Ronnie sa kanyang Instagram.

Sabi ng isang Twitter user, "Buti pa yung mga kaibigan mo naddisplay mo sa igs mo, pero yung girlfriend mo hindi. Ano na r2? Hahaha @iamr2alonte"

Makalipas lamang ang isang minuto ay sumagot si Ronnie. 

Secure daw ang Hashtags member sa relasyon nila ni Loisa. 

Tweet ni Ronnie kahapon, April 2: "Nasakin na siya! Pag mamalaki ko pa ba? Ahaha" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

QUIETLY SUPPORTING LOISA? 

Kamakailan lang ay dumaan sa pagsubok si Loisa nang masangkot siya sa isang video scandal. 

Bagamat walang tuwirang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa dalaga, matapang itong nag-post ng isang mensahe na nananatili siyang "masayahin, makulit, at positibo" sa gitna ng kontrobersiya. 

Marami sa mga kaibigan ni Loisa mula sa showbiz ang nagpahayag ng suporta sa pamamagitan ng pag-iwan ng komento sa Twitter at Instagram posts ng dalaga. 

Walang direktang post si Ronnie tungkol sa pinagdaanan ng nobya.

Pero kapansin-pansing tila sumang-ayon si Ronnie sa iniwang mensahe ng kaibigan nilang si Jon Lucas para kay Loisa.  

Paglalaro lang daw ng Mobile Legends (ML) ang katapat ng pinagdaanang problema ni Loisa.

Noong March 28, tweet ni Jon kay Loisa: "Ofcourse my friend! Ikaw pa ba!! kala nila nawala ka. Di nila alam busy ka lang sa ML nung mga nakaraan" 

Napa-reply naman dito si Ronnie ng "Ahahahahahaha"  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOINIE HOLDING HANDS PHOTO

Kung anu't ano man, malinaw na nananatiling matatag ang magkasintahan. 

Lalo pa't sa Instagram Story ni Loisa kahapon, April 2, nagbahagi ang dalaga ng litrato nila ni Ronnie na magka-holding hands. 

Sa kasalukuyan ay two years and four months nang magkarelasyon sina Loisa at Ronnie. 


Stories We Are Tracking

Loisa Andalio breaks silence amid rumored video scandal
Loisa Andalio breaks silence amid rumored video scandal
Loisa defends Ronnie's kanto boy way of dealing with bashers
Loisa defends Ronnie's kanto boy way of dealing with bashers
Loisa posts photos with BF Ronnie
Loisa posts photos with BF Ronnie "nung nagtatago pa tayo"
Loisa Andalio holds hands with Dingdong instead of Ronnie
Loisa Andalio holds hands with Dingdong instead of Ronnie


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN