Chienna Filomeno confronts GirlTrends co-members for backstabbing; admits nose job

IMAGE @chiefilomeno and @erinocampox on Instagram

Chienna Filomeno (left) opens up about confronting fellow GirlTrends members Erin Ocampo and Dawn Chang (right photo) for allegedly backstabbing her.


Naging prangka si Chienna Filomeno, 22, sa pagsagot sa mga ibinabatong isyu sa kanya.

Kabilang dito ang pagpaparetoke, pagiging “bayarang babae,” at ang alitan nila ng kapwa niya GirlTrends members.

Ang GirlTrends ay ang all-female group sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Sumalang si Chienna sa “Legit or Lie” segment nang mag-guest ito sa Kapamilya late-night show na Tonight With Boy Abunda, nitong Miyerkules, April 4.

Tinanong ng host na si Boy Abunda si Chienna kung may kagalit siyang GirlTrends members.

“Legit” and “Lie” ang sagot ni Chienna.

May nakaaway siya, pero tapos na raw iyon.

Pag-amin niya, “Confrontation talaga. Kasi kailangan mo talagang i-confront yung taong nangba-backstab sa 'yo.”

Binanggit ni Boy ang pangalan ng isa sa mga miyembro ng GirlTrends na si Dawn Chang, ex-housemate sa Pinoy Big Brother: 737 (2015).

Kinumpirma ni Chienna na nagkaroon sila ng hidwaan ni Dawn at ng isa pang dating miyembro ng GirlTrends na si Erin Ocampo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Idinetalye ni Chienna kung ano ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

“May times na lagi akong wala sa Showtime 'coz of vacation and work, so ‘workation’ siya,” simula ni Chienna.

“And then, naawa yung ibang GirlTrends and sinabi sa akin yung mga hearsays nila, lahat ng pinagsasabi nila behind my back—Ate Dawn and yung isa, [si] Erin.

"So, kinonfront ko sila."

Pero wala raw isinagot sina Dawn at Erin nang kumprontahin niya ang mga ito.

Naayos na ang alitan nila?

“Siguro naging understanding na lang ako,” sagot ni Chienna.

Ayos na ba sila ni Dawn?

“Yes, we’re okay,” tugon niya.

Pero hindi na raw naayos ang hindi nila pagkakaunawaan ni Erin, at pinalampas na lang nila ito.  

ON RETOKADA AND “BAYARANG BABAE” ISSUE

Hindi naman nangiming aminin ng Kapamilya celebrity na nagparetoke siya ng ilong.

Sabi ni Chienna, “There’s nothing wrong in enhancing something that you have.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s your own choice… as long as wala kang natatapakang tao, go with it.” 

Pero wala raw katotohanan ang akusasyong pinagkakakitaan niya ang kanyang katawan.

“Countless times kong naririnig ‘yan, Tito Boy.

“People will believe what they want to believe. Kahit sabihin ko na hindi.

“Hindi pa rin sila maniniwala kung gusto pa rin nilang paniwalaan na isa akong bayarang babae.

“Pero it’s a lie,” tanggi niya.


Stories We Are Tracking

GirlTrends' Chie Filomeno slams bashers for nasty claims
GirlTrends' Chie Filomeno slams bashers for nasty claims


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN