Dagul refuses to name celebrities supporting his bid for councilor

IMAGE Jerry Olea

Goin' Bulilit mainstay Dagul is running for councilor in Rodriguez, Rizal. He says, "Ang sabi nila, maliit daw ako. Pero sa paningin nila, maliit ako. Ang puso ko, ang serbisyo ko sa tao, ahh... mas malaki rin kaysa akin."


Mga tao na mismo ang lumalapit kay Romy “Dagul” Pastrana sa sasakyan niya para makipagkamay, mangumusta, magpalitrato, at manghingi ng giveaway na arm band.

“Dapat, jacket ‘yan. Manggas na lang muna,” pagbibiro ni Dagul sa mga binibigyan niya ng arm band nitong Abril 3, Miyerkules ng hapon, sa talipapa ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Kandidato ang 58-anyos na si Dagul sa pagka-councilor ng Rodriguez (dating Montalban), na sinasabing bayan na pinagmulan ni Bernardo Carpio.

“Noong una, kagawad ako ng Brgy. San Jose. Eight years akong naging kagawad,” salaysay ni Dagul sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Ngayon, tumakbo na akong konsehal ng bayan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit naisipan niyang mag-level up?

“Gusto ko kasing mapalawak pa yung pagtulong ko sa mga tao, hindi lang sa barangay namin, na gusto kong tumulong,” matatas na lahad ni Dagul.

“Gusto ko, sa iba’t ibang barangay pa.

"Ang Montalban kasi, 11 barangays ito. Kaya mas gusto ko pa na tumulong sa iba pang barangay."

Ano ang partido niya?

“Ako, na-adopt ako ng Akbayan. So, under ako ng Akbayan.

"Pero sa pagtakbo ko ngayon, wala akong sinamahan na partido na may mayor saka may vice mayor.”

Aba! Mahirap maging independent candidate! Mahirap mangampanya pag walang partido!

“Talagang mahirap yun. Kasi nga, unang-una, ahh... yung buong suporta ng isang partido, yun ay napakalakas.

“So, ako, independiente ako... ahhh, syempre mas gusto ko yung solo ka kahit wala kang malaking budget.

“Ang ibig kong sabihin, hindi ka madiktahan. Isang punto ko ‘yan.”

INDEPENDENT CANDIDATE

Ang hirap sa budget kung independent candidate ka. Paano yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti si Dagul, “Iyon ang pinakamahirap, yung budget at saka makinarya na talagang maraming sumusuporta.

“Itong ano ko naman, marami namang tumutulong sa akin na nagbibigay ng tulong para sa campaign materials ko.”

Ani Dagul, ayaw magpabanggit ng pangalan ang mga artistang tumulong sa kanya.

Dagul with his 15-year-old daughter Jkhriez Pastrana, who also serves as his secretary

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sabi ng kanyang pamilya sa pagsabak niya sa mas malaking labanan sa pulitika?

“Ang pamilya ko naman, kung anong gusto ko na mabuti naman sa mga tao, sila ay todo suporta para sa akin,” seryosong tugon ni Dagul.

“At sinusuportahan din nila yung kandidatura ko.”

Sapat na ba ang eight years na karanasan niya bilang kagawad ng barangay para kumandidato siyang konsehal ng bayan?

“Mas OK rin na nakakatulong din yung posisyon ko dati na isang kagawad sa walong taon.

“Pero ang tao naman, kung gusto ka ng tao, at napusuan ka, iboboto ka nila.

"Kahit ilang taon ka, o ilang years ka diyan, ilang termino ka, kung ayaw ng tao, hindi ka nila iboboto."

SIZE DOES NOT MATTER

Ano ba ang pangarap niya noong bata pa siya?

“Actually noong bata ako hanggang ngayon, hindi naman ako lumaki,” poker-faced na sambit ni Dagul.

“Ang pangarap ko talaga... kung may pamilya ako, may asawa, kaya ko silang buhayin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala sa isip ko na maging isang pulitiko, at isang celebrity o artista. Pero dumating lang ito sa buhay ko.

“Siguro, yung tao... dati kasi, hindi pa ako tumatakbo bilang isang pulitiko, ayaw ko talaga magiging isang pulitiko...

“Kaya lang, sa daming pumupunta sa bahay, humihingi ng tulong, humihingi ng kung anu-ano...

“Kaya may pumunta sa akin, ‘Bakit hindi mo subukang tumakbo bilang isang kagawad para yung pagtulong mo, talagang tulong sa tao?!’”

3’2” lamang si Dagul. Siyempre, minamaliit siya ng ibang kaagaw niya sa puwesto.

“Iyon nga ang sabi ko,” pagngiti muli ni Dagul.

“Ang sabi nila, maliit daw ako. Pero sa paningin nila, maliit ako.

"Ang puso ko, ang serbisyo ko sa tao, ahh... mas malaki rin kaysa akin.

“Kaya nga ang ano ko, e, ‘A small man with a big heart.’

"Maliit ako na tao pero malaki naman ang puso ko.

“Kaya iyon ang inaano ko sa tao, ‘Ano ba ang maitulong ni Dagul? Napakaliit iyan!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sa sinusukat ‘yan. Sa katauhan ng tao, kung gusto mong magserbisyo, at tapat ka sa tao.”

Anong advocacy o proyekto ang gusto niyang pagtuunan ng pansin?

“Kung ako, papalarin sa halalang ito na magiging isang konsehal, ang gusto ko sana kung ibigay ng mayor namin, ang gusto kong committee... Education, Health, Livelihood at ang talagang ididiin ko, at bigyan ng pansin, itong mga senior citizen, at PWD.

“Iyon talaga ang tutukan ko!” maigting na bulalas ni Dagul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE CAMPAIGN

Magpi-59 na si Dagul sa Setyembre. Nahihirapan ba siya sa pangangampanya?

“Tungkol sa pangangampanya sa edad ko na ganun, e, kaya ko pa naman,” matatag na saad ni Dagul.

“Tsaka wala naman ako talagang sakit na nararamdaman, na malala. 

"E, kung hindi ko kaya, hindi ko na itutuloy ‘to.”

Ang init-init ngayon! Anim na araw na siyang nangangampanya. Maliksi ba siyang kumilos

Naramdaman ba niya ang pagod?

“Minsan, napapagod din,” pag-amin ni Dagul.

“Iyon nga, talagang ganoon talaga.

"Lahat tayo... hindi naman tayo Iron Man. Hindi naman tayo Superman.

“Minsan, nararamdaman ko rin, napapagod ako. Mainit. 

"E, sa ngayon kasi, sobrang init, kaya natural lang ‘yan na ganoon.”

Itutuloy niya ang pag-aartista matapos ang eleksyon?

“Oo naman, syempre,” sagot agad-agad ni Dagul.

“Iyang pag-aartista ko, iyan ang ibinubuhay ko sa pamilya ko.

“Iyan ang ginagastos namin sa pamamahay namin. Talagang ituloy ko yung pag-aartista ko.

“At saka yung taping ko naman sa Goin’ Bulilit, every Saturday ‘yan. Monday to Friday, nasa barangay ako dati.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang konsehal lang ba ng bayan ang pangarap niya? O nangangarap din siyang maging vice mayor, o mayor? O governor?

Napapangiting sagot ni Dagul, “Sa ngayon, hindi ko talaga masasabi ‘yan dahil ito pa nga, ang konsehal, hindi ko pa sigurado kung talagang mananalo ako.

“Pero kung papalarin at gusto ng mga tao, ba’t hindi ko susubukan ‘yan?”

Natatakot ba siya ngayong konsehal ng bayan ang target niyang puwesto? Baka mamaya, itumba na lang siya...

“Unang-una, magdasal tayo sa Panginoon. Diyan ko lahat kinukuha yung lakas ko, sa Panginoon,” seryosong pahayag ni Dagul.

“At humihingi ako ng gabay sa Kanya. Na sana, hindi mangyari sa akin ‘yan.

"At ako naman, wala naman akong mga kaaway o kalaban sa pulitika na hindi ko kaibigan.

'“So, ‘yan ay ibinibigay ko sa Panginoon.”

Walong konsehal ang ihahalal. Ano ang lamang niya sa mga kaagaw niya sa puwesto?

“Napakalaki,” matamis na pagngiti ni Dagul.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung guwapo sila, ako... ako... ubod ng guwapo!

“Pangalawa, yun nga ang sabi nila, artista raw ako. Pero hindi ko inaano ‘yan na... ay, bakit?! Kahit artista ako, kung ayaw ng tao...

“Pero pinagmalaki ko ‘yan, na kahit maliit ako, nagustuhan ako ng tao.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN