John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted with their son at Cebu cemetery

IMAGE Courtesy: PEP.ph Source

John Lloyd Cruz and Ellen Adarna remain elusive after they decided to take an indefinite leave from showbiz. The couple were recently spotted with their son at a Cebu cemetery.


Dalawang sources ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 3, ng parehong larawan nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz kasama ang kanilang anak na si Elias Modesto.

Makikita sa larawan na karga-karga ni Ellen ang anak habang si John Lloyd naman ay nagtutulak ng stroller.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa PEP sources, kuha raw ang mga larawang ito sa Queen City Memorial Gardens, Cebu City, Cebu, noong Martes, April 2.

Sa nasabing sementeryo nakalagak ang mga labi ng ama ni Ellen na si Alan Modesto Adarna, na pumanaw noong May 31, 2018.

Binigyang pugay nina Ellen at John Lloyd ang alaala ng ama ng sexy star sa pamamagitan ng pagpapangalan nila sa anak na Elias Modesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nakabakasyon sa trabaho si Ellen upang pagtuunan ang pamilya nila ni John Lloyd.

Si John Lloyd naman ay nakatakdang mag-showbiz comeback via endorsement.

Hanggang ngayon, nananatili pa rin mailap ang dalawa sa media pagdating sa pribado nilang buhay bilang pamilya.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close