Vilma Santos unaffected by Sara Duterte support for her opponent

IMAGE Jerry Olea

Rep. Vilma Santos on running against a candidate endorsed by Mayor Sara Duterte: "Lahat na yata ng kampanya’t may kalaban, pinagtulungan, lahat dinaanan ko na. That’s part of being in politics."


Kumusta si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto?

Paano na ang pangangampanya niya ngayong nakaburol ang cremains ng kanyang ina na si Milagros Santos?

“Of course, family first,” walang gatol na sambit ni Ate Vi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Abril 3, Miyerkules ng gabi, sa Loyola Memorial Park, Sucat Rd., Parañaque City.

“Naiintindihan naman ng mga Lipeño, even if I’m campaigning... naiintindihan naman ng mga Lipeño yun.

“In fact, ang dami nila rito kanina na nakiramay! So, family first. Si Mama ‘yan.

“Ulila na nga kami. Nagkita nga yung dalawa kong kapatid, bumalik dito. Si Winnie.

"So, kumpleto kaming limang magkakapatid.”

VILMA'S OPPONENT

Sabi-sabi noon, walang kalaban si Ate Vi sa kanyang kandidatura.

Kamukat-mukat mo, meron pala, at inendorso pa ni Mayor Sara Duterte—si Lipa City Mayor Meynard Sabili.

“Sanay na ako. Twenty-one years na ako sa politics,” bulalas ni Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon pa ba ako magpapaapekto?

"Lahat na yata ng kampanya’t may kalaban, pinagtulungan, lahat dinaanan ko na.

“That’s part of being in politics.

"Pero kung nakatagal naman ako ng 21 years, palagay ko, I must have done something good para pagkatiwalaan ka ng mga tao.

“Lalo na ang mga Lipeño. Dahil ang mga Lipeño ang unang-unang nagtiwala sa akin na maging mayor!

“Kaya kung doon lang, I should be grateful na.

“Pero para paniwalaan ko pa yung maliliit na sabi-sabi, parte na lang iyan ng pulitika.”

Wala na siyang takot sa pagtakbo niya this time?

“Takot is not the... walang takot, hindi puwede,” maigting na sambit ni Ate Vi.

“Kasi, every campaign is still challenging. You cannot be lax! You cannot be lax...

"Basta, you offer, kilala ka na nila—at least, I can continue to offer.

“Nasa tao naman palagi lahat ‘yan, you know.

"So, in the first place, sabi ko, sino naman ang mag-aakala na makakapasok ako dito sa pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sino rin ang makakaisip na 21 years na ako inabot, di ba?

"So, kung doon lang, you should be grateful," nakangiti niyang sabi.

VILMA AT THE MOVIES

Kailan siya uli gagawa ng pelikula?

“Looking forward ako na makagawa this year,” mabilis na tugon ni Ate Vi.

“Kahit isa... tapusin ko muna. One at a time.

"Kampanyahan ngayon, and then kay Mama. One at a time.

“Hindi na ako ganoon kabata para isipin ko pa lahat! You get my point?

“Hindi na ako bata para isipin ko pa, ‘What’s next in my career?’ Hindi na.

“One at a time. Kung ito na muna na kay Mama; next, kampanya, whatever.

"Kung ano man ang mangyayari after that.

“Baka makagawa ka ng isang movie. So, one at a time.”

Naiisip na ba niyang mag-retire? Na tumigil na sa pag-aartista at pagsisilbi sa bayan? Na i-enjoy na lang niya?

“Kahit junior citizen na ako?! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” masayang halakhak ni Ate Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa, e. Hindi pa.

"Baka sanay kasi ang katawan ko na... although siyempre, dadating ka rin sa edad na hindi na rin puwede lahat, kakayanin mo.

“That’s why I said, I’m taking my time.

"Tutal, ibig kong sabihin, andito pa rin ako sa showbiz. Andiyan pa rin kayo! My friends, andito pa rin...

“Andiyan din kanina ang mga taga-Lipa. Andito ang co-actors ko.

"Iyon lang, OK na sa akin yun, di ba?

“So, one at a time. Kung gusto ko... pero tuloy tayo. Hindi pa... siguro.

"Andoon pa rin ang adrenaline ng katawan ko to work!

“But I manage my time. Yun ang kaibahan siguro ngayon.

"Kung alam kong hindi ko kaya, hindi ko na gagawin, di ba?

“Iyong ganun ba. Hindi kamukha noong araw, wala kang choice. Kahit ayaw mo, kailangan mong gawin.”

POLITICAL PLANS

Naiisip ba niyang maging senador? O mas mataas pang posisyon sa pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Never akong nag-ambisyon,” seryosong pahayag ni Ate Vi.

“Never. Alam niyo yun. Kung nag-ambisyon lang ako, di... modesty aside, e, sana, tinanggap ko na lahat yung nag-offer na Vice President, di ba?

“Pero never! Never akong nag-plan.

"Basta kung alam ko yung gawin, ito yung gusto kong gawin, ito na lang muna.

“Pero yung mag-aambisyon ka na, ‘Kailangan, next ko, ito...’? Wala. Wala. Wala! Hindi ko ano...”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN