Derek Ramsay on live-in setup with Joanne Villablanca: "It’s not boring. It’s what I want."

IMAGE @villablancs Instagram

Derek Ramsay on living with longtime partner Joanne Villablanca: "Ang gusto ko, sila makasama ko pagkatapos ng trabaho. Pagkatapos kong mag-golf sila ang hinahanap ko. Ganun na ang routine ng buhay ko ngayon, and I enjoy it. It’s not boring. It’s what I want."


Inamin ni Derek Ramsay na nakatulong na tumatag ang relasyon nila ng live-in partner niyang si Joanne Villablanca mula nang tumira sila sa iisang bubong.

Bukod sa mas nakilala nila ang isa’t isa, super enjoy raw ni Derek dahil kapamilya na ang turing nila sa kani-kanilang mga anak.

May mga panahong nasa kanila raw si Sophie, ang dalagitang anak ni Joanne sa dating karelasyon nito.

Gayon din si Austin, ang anak na lalaki ni Derek sa estranged wife nitong si Mary Christine Jolly, na regular na nagbabakasyon sa Pilipinas upang makapiling ang aktor.  

Kuwento ni Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “It has its pros and its cons just like anything in life.

"But definitely, it’s really worked out for us in a sense that I’m a very family-oriented guy, you know.

“And we treat our relationship like we’re family.

"Sophie’s a big sweetheart. She’s with us every other week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And in the house, it works as a family unit.

"We have dogs, we have my son, we have Sophie. We have each other. We have our fish.”

Kung tutuusin ay mas gusto pa raw niyang tumatambay sa bahay kaysa gumimik sa bars.

“I don’t go our in night clubs. Hindi ko na nga alam yung mga clubs diyan ngayon.

"I haven’t been out to a bar in years!" natatawang pag-amin ni Derek.

Tapos na siya sa ganoong phase?

“Hindi lang sa tapos. Ang gusto ko, sila makasama ko pagkatapos ng trabaho.

"Pagkatapos kong mag-golf, sila ang hinahanap ko.

“Ganun na ang routine ng buhay ko ngayon, and I enjoy it.

"It’s not boring. It’s what I want."

GOOD TOGETHER

Sobrang kuntento at masaya raw si Derek sa anim na taong relasyon nila ni Joanne.

Swak daw kasi sila sa maraming bagay.

“We work out together. Mas nagwo-work out nga siya sa akin to the point na nabubuwisit na nga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sumobra ata yung turo ko sa kanya na, ‘Puwede ba pahinga ka naman? Pati ako napapagod panoorin ka, e.’”

Pero natutuwa raw si Derek dahil nasaksihan niya kung paano sila parehong nag-grow bilang indibidwal mula noong naging sila.

“But she enjoys that. It’s nice that she’s taking care of her body and she’s giving importance to health and fitness.

"And yun talaga ang hinahanap niya, e. 

“Pagkatapos ng kahit anong gawin ko. I go home to them.”

Nakapanayam ng PEP.ph at ilang reporters si Derek pagkatapos ng kanyang presscon bilang nagbabalik na Kapuso star, na ginanap noong Martes, April 3, sa 17th Floor GMA Network Center sa Quezon City.

Tatlong taon ang pinirmahang kontrata ni Derek sa GMA-7, at suportado raw ni Joanne ang desisyon niyang i-prioritize muna ang kanyang showbiz career.  

WEDDING TALKS

Napag-uusapan na ba nila ni Joanne ang paglagay sa tahimik?

Sagot ni Derek, “Yeah, most definitely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I had a talk with Jo. ‘You know naman na if we’re going to do this, it might set it back some more.’

“Because of course, when I want that day to happen, I want to focus on family.

“Hindi ko yata kayang pupunta ako sa set, 'tapos may baby ako sa bahay, hindi ko siya kasama. Hindi ko yata kaya.”

Tikom man ang bibig ni Derek sa estado ng annulment nila ng dating asawa, bukas naman ang aktor sa pagsasabing sigurado siyang gusto niyang pakasalan si Joanne pagdating ng tamang panahon.

“Yeah, there’s nothing other than that I can think of,” pagtatapos ni Derek.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN