ER Ejercito sentenced to 6 to 8 years of imprisonment over anomalous insurance deal

IMAGE Arniel Serato

Anti-graft court finds ex-Laguna Governor ER Ejercito guilty of graft over erroneous insurance deal during his term as Pagsanjan mayor.


Guilty sa kasong graft ang aktor at dating gobernador ng Laguna na si ER Ejercito.

Sa desisyon ng Fourth Division ng Sandigandayan ngayong Biyernes, April 5, sinentensiyahan ang actor-politician ng anim hanggang walong taong pagkakakulong dahil sa maanomalyang insurance plans project niya noong alkalde pa siya ng Pagsanjan, Laguna (2001-2010).

Pinatawan din siya ng perpetual disqualification para magsilbi o manungkulan sa anumang sangay ng gobyerno.

Nag-ugat ang kaso laban kay ER noong nag-avail ang bayan ng Pagsanjan ng health insurance plans para sa mga turista at mga boatmen na naglalayag sa kanilang pamosong waterfall.

Diumano, forged ang memorandum of agreement (MOA) nila sa First Rapids Care Ventures (FRCV) para sa accident at financial assistance para sa mga turista at mga namamangka.

Naglagak ng cash bonds ang dating gobernador para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Maaari pa niyang iapela ang nasabing hatol ng Sandiganbayan.

Kasalukuyang tumatakbo si ER bilang gobernador ng Laguna.

Siya ay anak ng yumaong aktor na si George Estregan at pamangkin ni dating Pangulo at incumbent Manila mayor Joseph Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN