Aiko Melendez cries foul over “kabit” post

IMAGE Arniel C. Serato

Aiko Melendez (right) challenges boyfriend Subic Mayor Jay Khonghun's opponent to stick to platforms, not dirty tactics.


Hindi pinalampas ng aktres na si Aiko Melendez ang “foul” na post diumano ng kalaban ng kanyang boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun sa pagka-bise gobernador ng lalawigan.

Hindi pinangalanan ni Aiko ang nasabing opponent ng nobyo, ngunit ang malinaw na kalaban nito sa posisyon ay ang kasalukuyang bise gobernador ng Zambales na si Angel Magsaysay-Cheng.

Pangunahing pinalagan ni Aiko ang post diumano niyang siya raw ang “Jade” sa buhay ni Jay.

Si "Jade" ay ang karakter na ginagampanan ni Yam Concepcion sa teleserye ng ABS-CBN na Halik. Si Jade ang tila kerida ng karakter ni Sam Milby.

Sa Instagram at Facebook Live ng aktres kagabi, April 5, inilahad ni Aiko ang kanyang saloobin dahil sa mga mapanirang posts daw laban sa kanya.

Sabi ni Aiko, “Una sa lahat, Madam Vice Governor, I don’t wanna name you 'coz I don’t wanna use your name for your game baka sumikat ka lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know this is what you're waiting for, for me to answer.

"Kasi pag sumagot ako, magkakaroon ka ng bearing, papansinin ka ng tao.

“O sige, I’ll give you your five minutes of fame.

“But after this, hindi na kita sasagutin dahil wala ka naman talagang bearing sa buhay ko.

"Una sa lahat, ang election dapat, you stick to the issues.”

“HINDI AKO KABIT.”

Labis daw na nasaktan si Aiko sa taguri sa kanyang “kabit.”

Aniya, “Yung sa personal isyu na pinu-point out mo, tinatawag mo akong kabit. Hindi po ako kabit.

“Una sa lahat, pumasok po ako sa buhay ni Jay, wala na po sila nung ex-wife niya.

“In fact, gusto niyo po i-check niyo po sa Olongapo, naka-file na po yung annulment nila.

“Hindi ko po kasalanan kung ang judicial system natin sa Pilipinas ay mabagal.

“That’s why I am for divorce.

“So how dare you call me kabit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit ka natatakot na pangalanan ako by the nickname na 'Jade,' di ba?

“Sa ex-wife? Ako ang dahilan ng paghihiwalay?

“Ang kabit itinatago, so naintindihan niyo po kung ano ang diperensiya ng dalawang bagay?

“Pati anak ko dinamay niyo po.

“Kung ikaw po ang ganyanin ko, matutuwa ka po?

“Pinagbibigyan na nga kita nung sinabi mong may sakit ako sa balat kahit may endorsement ako na beauty products, pinagbigyan na po kita, hindi kita pinatulan.”

"YOUR WORST NIGHTMARE"

Sa huling bahagi ng 21 minutong IG at FB Live ni Aiko, nag-iwan siya ng payo sa taong hindi pa rin niya pinangalanan.

Aniya, “Advice: if you have nothing good to say about other people, keep quiet. That’s what you call decency.

“Sometimes you really can’t buy class.

“I hope and pray that you can just buy it in a sari-sari store but you cannot.

“Sadly, sad to say, your kind of politics is so dirty. Napakadumi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m not gonna mention your name because your name doesn’t fit your name.

“Ito sasabihin ko, Madam Vice Governor, you are elected by the people. Act like one.

“If you want to be elected again by the people, then be decent.

“Have a decent mouth. Have some manners.

"If you can’t buy manners, at least read a book about manners.”

Makahulugang mensahe pa ni Aiko: “I am going to be your worst nightmare.”

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Zambales Vice Governor Angel Magsaysay-Cheng sa Facebook upang kunin ang kanyang panig tungkol dito. 

Ngunit at press time ay hindi pa ito tumutugon sa aming mensahe. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN