John Lloyd Cruz surprises 90-year-old fan in Cebu

IMAGE Courtesy of Shing Araneta Pacaña via Rachelle Siazon for PEP.ph

John Lloyd Cruz gives Lola Vicenta Araneta a sweet surprise when he unexpectedly turned up at her 90th birthday celebration at Cebu Grand Convention Center last April 5.


Sorpresang dumalo si John Lloyd Cruz sa 90th birthday celebration ng kanyang longtime fan na kinilalang si Vicenta Araneta. 

Base sa isang Facebook video, makikitang sinalubong ni John Lloyd ng yakap at halik sa pisngi si Lola Vicente sa mismong birthday party nito. 

Hindi maitago ni Lola Vicenta ang kanyang kilig, lalo na nang humawak siya sa braso ni John Lloyd habang magkatabi sila sa upuan ng birthday celebrator. 

Ayon sa apo ni Lola Vicenta na si Shing Araneta Pacaña, "feeling 18" ang kanyang Lola Vicenta sa sobrang tuwa na makita ang matagal na nitong iniidolo. 

Sa isang hiwalay na video, makikitang magiliw na hinagkan ni John Lloyd ang kamay ni Lola Vicenta bago nagpaalam ang aktor. 

SWEET GESTURE FROM JOHN LLOYD

Ngayong Miyerkules, April 10, eksklusibong nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang apo ni Lola Vicenta na si Shing. 

Ginanap daw ang birthday ni Lola Vicenta sa Grand Convention Center of Cebu noong gabi ng April 5. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Shing, "video greeting" lang sana ang hiniling nilang ibigay ni John Lloyd para kay Lola Vicenta. 

Pero nagulat daw sila nang sorpresang dumating si John Lloyd sa mismong okasyon. 

"We just requested for a video greeting from John Lloyd.

"Then minutes after my grandma's thank you message to her guests, John Lloyd surprised her.

"He arrived and went straight and sat down with our lola."

Sobrang saya raw ng kanyang lola dahil avid follower ito ng lahat ng pelikula ng former Kapamilya star na si John Lloyd. 

Dagdag pa ni Shing: "Sobra! As in kilig na kilig talaga. And sobrang happy niya.

"She was the happiest that night. She is a big fan of John Lloyd ever since.

"Completo DVDs nya sa lahat ng movies ni JL. Haha." 

Si Shing ay nagpakilalang pinsan ni Kim Araneta-Adarna, sister-in-law ni Ellen Adarna. 

Ang pamilya ni Ellen, girlfriend ni John Lloyd, ay nakabase sa Cebu. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So yung brother ni Ellen ang nagpapunta kay JL sa party," dagdag ni Shing. 

JOHN LLOYD STILL ON LEAVE

Si John Lloyd ay kilala sa mga pelikula nila ni Bea Alonzo na One More Chance, Miss You Like Crazy, The Mistress, at A Second Chance

Sikat din ang tambalang John Lloyd at Sarah Geronimo, partikular na sa three-part film nilang A Very Special Love, You Changed My Life, at It Takes A Man And A Woman

Itinuturing din si John Lloyd na prime star ng ABS-CBN, at kabilang siya sa homegrown talents ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya Network. 

Pero mula noong October 2017 hanggang sa kasalukuyan ay naka-indefinite leave mula sa showbiz ang aktor. 

Noong nakaraang linggo, napabalita ang "pagbabalik" ni John Lloyd sa bago nitong endorsement.

Pero wala pang indikasyon kung magbabalik na rin ang aktor sa larangan ng showbiz. 


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna, John Lloyd Cruz spotted with their son Elias Modesto at Cebu cemetery
Ellen Adarna, John Lloyd Cruz spotted with their son Elias Modesto at Cebu cemetery
Bea Alonzo reacts to John Lloyd Cruz comeback
Bea Alonzo reacts to John Lloyd Cruz comeback
John Lloyd Cruz confirms his pagbabalik
John Lloyd Cruz confirms his pagbabalik
Jayann Bautista on her
Jayann Bautista on her "Pinoy Idol" runner-up finish: "It was so close, yet so far."


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN