Former Mayor Recom Echiverri spotted at birthday party of Marjorie Barretto's daughter

IMAGE Courtesy: PEP.ph Source

Former Mayor Recom Echiverri poses with Marjorie Barretto and her children at the birthday party of Marjorie's youngest daughter.


Kahapon, April 10, lumabas sa Instagram ang blurred na larawan ni Marjorie Barretto kasama ang rumored longtime partner nitong si dating Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri.

Kuha ang nasabing larawan sa 7th birthday party ng bunsong anak ni Marjorie na si Erich.

Pero ilang oras pagkatapos mailathala ang larawan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binura ito ng digital photo-video coverage company sa Instagram sa di malamang dahilan.

Kinagabihan, isang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) source ang nagpadala sa amin ng ilan pang larawan na kuha sa nasabing pagtitipon.

Kabilang na rito ang isang mas malinaw na larawan nina Marjorie at Recom.

Magkatabi ang dalawa sa tila "family picture," kung saan kasama nila ang mga anak ni Marjorie na sina Dani, Julia, Claudia, Leon, at Erich; pati na ang fiancè ni Dani na si Xavi Panlilio.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Dani ay anak ni Marjore sa dating boyfriend na si Kier Legaspi.

Sina Julia, Claudia, at Leon ay mga anak naman ng aktres sa dating asawang si Dennis Padilla.

Noong February 2018, ipinakilala ni Marjorie sa publiko ang anak na si Erich sa pamamagitan ng Instagram. Ngunit hindi niya binanggit kung sino ang ama nito.

Taong 2008, mariing pinabulaanan ni Marjorie na may relasyon sila ng alkalde noon ng Caloocan na si Recom Echiverri. Noong panahong iyon ay naglilingkod naman ang aktres bilang konsehal.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi nawawala ang usap-usapang mayroon silang relasyon.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN