JM de Guzman speaks up about Barbie Imperial, Ria Atayde

IMAGE Noel Orsal / Instagram (Ria Atayde)

JM de Guzman (center) speaks up about past relationship with Barbie Imperial (left) and his rumored romance with Ria Atayde (right).


Nagsalita si JM de Guzman, 30, tungkol sa naging nakaraan nila ni Barbie Imperial, 20, at sa nali-link sa kanya ngayong si Ria Atayde, 27.

Nang magtambal sina JM at Barbie sa ABS-CBN afternoon teleseryeng Araw Gabi, hindi maiwasang maugnay ang dalawa.

Nakita ng netizens ang sweetness nila via social media—mapa-status man, videos, o photos.

Pero naudlot kung anumang namamagitan sa kanila, at hindi ito nagustuhan ng fans.

May mga umakusa kay JM na pinaasa niya si Barbie.

Sinagot ni JM ang akusasyong ito sa interview niya sa Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules, April 10.

“Hindi naman po ako ganun. Tsaka hindi rin naman siya kaganun-ganun,” depensa ng Kapamilya actor.

Tahasang tanong ni Boy Abunda: Naging sila ba ni Barbie?

Sagot ni JM, “Hindi po. Pero I tried… I tried to pursue her after nung show.

“I told her na, ‘Baka puwede nating i-try, pero maging magkaibigan muna, 'tapos tingnan natin kung puwede bang may mangyari o something.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit inuna raw nilang dalawa ang kanilang career kaya naudlot ang kanilang pagkakamabutihan.

“Pero medyo yung pressure ng trabaho sa kanya and sa ‘kin, yung career…

"Siya, kaka-launch lang. Ako, kakabalik ko lang.

“So, in short, hindi nag-work.”


Stories We Are Tracking

Barbie Imperial:
Barbie Imperial: "Uy, hindi pa po kami ni JM ah!"
Barbie posts photo with JM after social media controversy
Barbie posts photo with JM after social media controversy
Barbie Imperial defends JM de Guzman from bashers
Barbie Imperial defends JM de Guzman from bashers
Barbie tells fans to relax amid rumored rift with JM
Barbie tells fans to relax amid rumored rift with JM

REAL SCORE WITH RIA ATAYDE

Nauugnay naman ngayon si JM kay Ria Atayde.

Pero paglilinaw ng aktor, magkaibigan lang sila ng anak ng veteran actress na si Sylvia Sanchez.

“Yung meron po kami ngayon, parang sobrang okay na friendship, as in…” sabi ni JM.

“Yung parang alam mong puwede. Posibleng…

"Ewan ko, parang nali-lift niya ako, nali-lift ko rin siya sa positibo.

“Andami kong natututunan sa kanya. She’s very sweet na kaibigan.”

Willing ba siyang maging higit pa sa kaibigan si Ria?

Sagot ni JM, “Pag umabot na ako dun, magpapaalam muna ko kay Tita Sylvia at Tito Art [Atayde], kung sakali man po.” 

NO RELATIONSHIP IN THE MEANTIME

Isiniwalat din ni JM kung bakit hindi siya nagmamadaling pumasok sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi pa po siguro.

“Marami pa po kasing factors—sa counselors ko, sa mga psychiatrist ko, na sa na-experience ko... alam niyo naman ang nangyari sa akin.”

Tatlong taong nagpa-rehab si JM dahil sa pagkalulong niya sa droga. Noong 2018 lamang siya nakalabas.

Sabi pa ng aktor, “Hindi nila ina-advise, lalo na ngayon na nag-i-start ako sa career…”

Mungkahi raw sa kanya ay magpalipas muna ng dalawa o tatlong taon bago pumasok sa relasyon.

“Advice nila, ‘Relax ka muna. Huwag muna isugod ang puso mo kasi baka sumubsob ka na naman.’”

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN