Jericho Rosales reacts to John Lloyd Cruz comeback

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Jericho Rosales (left) is elated by the news that fellow actor John Lloyd Cruz is making a showbiz comeback very soon.


Alam daw ni Jericho Rosales, 39, na hindi tuluyang iiwanan ni John lloyd Cruz, 35, ang mundo ng showbiz.

“That’s great! That’s great!” sabi ni Jericho nang hingan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) hinggil sa napipintong pagbabalik ni John Lloyd sa showbiz matapos ang mahigit isang taong pamamahinga.

Dagdag niya, “Alam ko naman yun, e.

"Hindi naman puwedeng masayang yung talent na yun, e, di ba?

“So, babalik yun.” 

Nakausap ng entertainment press si Jericho sa finale presscon ng ABS-CBN primetime series na Halik nitong Huwebes, April 11.

“Si Diet nga babalik, e,” pagbubunyag pa ni Jericho, na ang tinutukoy ay si Diether Ocampo, 45.  

“So, baka it’s the year of comeback. We’ll see…”

Inanunsiyo ni John Lloyd ang kanyang indefinite leave noong October 2017.

Nag-focus si John Lloyd sa kanyang pribadong buhay, kasama ang girlfriend na si Ellen Adarna at ang kanilang anak.

Pinakahuling proyekto naman ni Diether ang 2018 teleseryeng Bagani, kung saan nagkaroon siya ng special participation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Usisa naman kay Jericho, balak din ba niyang magkaroon ng mahabang pahinga sa showbiz?

Sagot niya, “One year. I did it before, 2006 [or] 2007.

“And from there, I learned my lesson.”

Iyon ang panahong tinalikuran ni Jericho ang kanyang acting career upang mag-focus sa music.

Naging eye-opener daw ang panahong iyon kay Jericho at napagtanto kung gaano kahalaga ang kanyang showbiz career.

“Siyempre, you just can’t… I’m not saying hindi mo puwedeng gawin yun sometimes.

“You have to turn your back on something to realize na ito rin yung mahal mo,” saad niya.  

GOODBYE TO DRAMA GENRE

Samantala, inanunsiyo rin ni Jericho sa presscon ng Halik na magpapaalam na siya sa paggawa ng mga drama series.

“This time, it’s my responsibility to repackage, to do something new again.

“Ang tagal ko nang sinasabi ‘to, e.

“Nagkaroon ng [The] Legal Wife, nagkaroon ng Magpahanggang Wakas, nagkaroon ng Halik.

“So, yung sa ganun… kung naiintindihan ako ng lahat, yun ang gusto kong sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s not because ayoko na, pagod na pagod na ako sa industriya na ‘to, bwisit na bwisit na ako.

“Actually, no. I’m actualy inspired to work harder. Excited to do something new.”

Balak ni Jericho na magpahinga muna ng tatlong buwan bago bumalik sa showbiz.

Samantala, ang Halik na pinagbibidahan din nina Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion ay nasa huling dalawang linggo na.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN