Michelle Dee quashes lesbian rumors, alleged relationship with Mikee Quintos

IMAGE Noel Orsal

Michelle Dee on lesbian rumors: "Alam mo, first time ko marinig 'yan in an interview question and I wasn’t aware about all of that."


Ikinagulat ni Michelle Dee ang isyung lesbian diumano siya at mayroon daw namamagitan sa kanila ng kapwa Kapuso artist na si Mikee Quintos.

Si Michelle ay anak ng actress-beauty queen na si Melanie Marquez sa dating asawa nitong si Derek Dee.

Matagal nang usap-usapan at laman ng blind items ang diumano'y relasyon nina Michelle, 23, at Mikee, 21, ngunit walang makapagkumpirma nito.

Hanggang sa eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michelle sa presscon ng Love You Two, ang bagong primetime series ng GMA-7, nitong Huwebes ng gabi, April 11.

Dito ay diretsahan naming kinuha ang reaksiyon niya sa pagkuwestiyon sa kanyang sexual preference.

Ayon kay Michelle, “Alam mo, first time ko marinig 'yan in an interview question and I wasn’t aware about all of that.”

Pero aminado ang dalaga na boyish siya noon dahil sa rancho siya lumaki.

Dahil dito, nakahiligan niya ang pangangabayo sa halip na pumorma.

Ngayon lang daw na pinasok niya ang modelling at pag-aartista nag-iba ang kanyang porma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinusuportahan daw ni Michelle ang advocacies ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community. 

REAL SCORE WITH MIKEE

Nilinaw rin ni Michelle ang ugnayan nila ni Mikee.

“Yes, we’re very good friends since high school.” 

Bakit ang lumalabas ay may romantic relationship sila?

“Ay, no... no po,” pagtanggi ni Michelle.

“We’re very close since high school kasi our barkadas are very tightly-knit.

“So we basically grew up... since first year, second year high school, we’ve known each other.”

Sa tingin ba niya, nabibigyan ng malisya ang closeness nila?

“Yes, sadly,” pagsang-ayon ng newcomer.

Ano ang mensahe niya sa mga nagkakalat ng balita tungkol sa kanila ni Mikee.

Ayon kay Michelle, “Sana po yung mga tao, hindi na lang ipagkalat yung mga something na hindi naman totoo.

"Kasi mahirap naman po, knowing the industry, ang bilis kumalat yung mga ganung issues."

Dagdag niya, “Uhm... I’ve never been in a relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi ko alam kung bakit na-misinterpret ng mga tao yung closeness namin ni Mikee.”

LOVE YOU TWO

Samantala, masaya si Michelle na nabigyan siya ng Kapuso network ng kanyang kauna-unahang regular na teleserye—ang Love You Two.

Gagampanan niya ang role ni Mochi, ang malapit na kaibigan ni Sam na gagampanan naman ni Shaira Diaz.

Kuwento ni Michelle tungkol sa kanyang role, “Yung character ko, it's very different po sa totoo kong character in real life.

“Very hyper, very out there, extrovert.

“Ako kasi, I consider myself very chill.”

Tuluy-tuloy na ba ang kanyang pag-aartista?

“Yes po,” nakangiting sagot ng model-actress.

Ang Love You Two ay pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Kasama rin nila sa show sina Solenn Heussaff, Shaira Diaz, Jerald Napoles, Clint Bondad, Nar Cabico, Yasser Marta, at Kiray Celis.

Ipalalabas ito sa GMA Telebabad simula sa April 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN