Ai-Ai delas Alas admits active sex life with husband Gerald Sibayan

IMAGE Noel Orsal / Nice Print Photo via @gerald_sibayan Instagram

Ai-Ai delas Alas still in awe of husband Gerald Sibayan's love for her: "Dun ko talaga nakita sa kilos niya, sa mata niya, sa saya niya. Parang, 'Ganda ko!' Ganun ang dating."


Natatawang sinabi ni Ai-Ai delas Alas, 54, na handa na siya sa romansahan nila ng asawang si Gerald Sibayan, 25, para sa ika-limang anibersaryo mula nang sila ay maging magkasintahan. 

April 12, 2014 noong sila ay naging magkarelasyon. 

Ikinasal sila sa Christ The King Parish sa Greenmeadows, Quezon City, noong December 12, 2017. 

Bungad ni Ai-Ai, "Magsi-sex kami!" 

Sabay hirit niya ulit, "Niloloko lang kita! Ano ba 'yan! Ang laswa, e!"

Aminado si Ai-Ai na "active" ang sex life nila ni Gerald. 

Pero liban dito ay nagtungo ang mag-asawa sa Subic, Zambales ngayong araw. 

"Magpi-pictorial kami. Gagayahin namin si J.Lo tsaka si Kambal," pagtukoy ni Ai-Ai sa idol niyang si Jennifer Lopez at kaibigang si Marian Rivera na kung tawagin niya ay Kambal.  

Kamakailan lang ay nagpa-pictorial si Marian kasama ang asawa nitong si Dingdong Dantes—na balak daw gayahin ng Kapuso comedienne.

Dugtong pa ni Ai-Ai tungkol sa activities nila ni Gerald, "Kakain kami. 'Tapos wala, sweet-sweetan lang." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam si Ai-Ai ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press pagkatapos ng presscon ng S.O.N.S. of Nanay Sabel

Ginanap ito sa Playhub Events Place sa Quezon City, Huwebes ng gabi, April 11. 

HAPPY MARRIAGE

Sobrang saya raw ni Ai-Ai dahil sa tagal nilang magkarelasyon ni Gerald ay mas lalo niyang nararamdaman ang pagmamahal nito. 

Lalo na nang mapanood ni Ai-Ai ang wedding video nila ni Gerald. 

"Dun ko nakita na, 'Ay, mahal pala talaga ako ni Darl. Kasi maka-capture mo yun, e." 

Nagduda ba siya noon sa sinseridad nito? 

"Hindi naman ako sa nagdududa. Pero dun ko talaga nakita sa kilos niya, sa mata niya, sa saya niya.

"Parang, 'Ganda ko!' Ganun ang dating."   

Kaugnay ito ng wedding video nila ni Gerald na ipinost ni Ai-Ai sa Instagram kagabi. 

Makikita rito ang masuyong paghagkan sa kanya ni Gerald para sa kanilang first kiss bilang husband and wife. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip nito ang caption kung saan inalala ni Ai-Ai kung paano sila unang nagkakilala ni Gerald. 

INSTANT ATTRACTION? 

Noong panahong iyon ay 20 years old lang si Gerald at isang badminton player sa De La Salle University. 

Napamura pa raw si Ai-Ai noong una niyang malaman ang edad ni Gerald mula sa kaibigan nitong nagreto sa kanila. 

Kuwento ni Ai-Ai sa kanyang Instagram post (published as is): "2014 after ng nakakaloka kong pinag daanan sa pag ibig--ng una tayong nagkakilala ..

"sabi ng friend mo na si paulo (salamat pao ????) ms ai papakilala ko sayo tong friend ko na to ..

"hindi ka papaiyakin nito kaibigan ko pag pinaiyak ka nito wag mo nakong kausapin habang buhay ..

"sa isip ko lang wehhhh etsosera lang .. tinanong ko sige ano ba yan at sino" 

Hindi raw masyadong sineseryoso ni Ai-Ai, pero pumayag daw siyang makipaglaro ng badminton sa kanilang common friends noon ding gabing iyon.

Patuloy ni Ai-Ai: "Nandun nga yung gerald (chinito cute maitim) sabi ko sa sarili ko nyelk hindi ko to type maitim wala Akong naging bofriend na maitim ...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"after ng game kuhanan ng number kasi para pwede ko silang kalaruin kasi mga national team malalakas mag laro ..

"ng uwian na nauna sila umuwi kasi may curfew ang mga national team (gerald lasalle player at the same time national team din)" 

Ganoon na lang daw ang pagkagulat ni Ai-Ai na kinabukasan din ay nakatanggap siya ng text message mula kay Gerald. 

Text daw ni Gerald sa kanya, "GOOD MORNING MS GANDA." 

Natatawa raw si Ai-Ai sa sweet words ni Gerald at kung paanong "nauwi sa kasalan" ang kanilang love story. 

Anuman daw ang sabihin ng iba, ang dagdag na lang na hashtags ni Ai-Ai ay "#lovewins" at "#agedoesntmatter." 

GROWING OLD WITH EACH OTHER

Sa hiwalay na Instagram post ni Gerald, ipinakita naman niya ang litrato nila ni Ai-Ai na kuha sa tuwing sila ay magdiriwang ng anniversary ng kanilang relasyon mula 2015 hanggang 2018. 

Sabi sa caption ni Gerald, "Happy 5th Anniversary my ex girlfriend and now my wife @msaiaidelasalas :)" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip nito ang isang sweet quote na nagsasabing, "If you live to be a hundred, i want to live to be a hundred minus one day so i never have to live without you." 


Stories We Are Tracking

Ai-Ai delas Alas shrugs off bashers of her J.Lo challenge
Ai-Ai delas Alas shrugs off bashers of her J.Lo challenge
Ai-Ai tells bashers to stop mistaking Gerald for her son
Ai-Ai tells bashers to stop mistaking Gerald for her son
Judy Ann Santos and Claudine Barretto insist there is no issue between them
Judy Ann Santos and Claudine Barretto insist there is no issue between them
Ai-Ai delas Alas posts another bikini photo imitating J.Lo
Ai-Ai delas Alas posts another bikini photo imitating J.Lo


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN