Ex Battalion member Skusta Clee says all is well now between them and manager Ai-Ai delas Alas

IMAGE Noel B. Orsal

Ex Battalion member Skusta Clee says they asked for their "Nanay" Ai-Ai delas Alas's forgiveness.


Aminado ang isa sa miyembro ng sikat na grupong Ex Battalion na si Skusta Clee na kinabahan sila noong malaman nila na gustong mag-resign ni Ai-Ai delas Alas bilang manager nila.

May balita ngang lumabas at inamin naman ito ng Comedy Concert Queen, pero dahil sa ginawang hakbang ng Ex Battalion members ay hindi natuloy ang plano ng comedy actress noon.

Pahayag ni Skusta, “Kasi naman kasi, alam naman namin na yung ganun.

“Alam naman namin si Nanay, tampo lang naman yun."

"Nanay" ang term of endearment ng Ex Battalion sa kanilang manager na si Ai-Ai.

“Hindi naman masyadong seryoso yun. Alam namin na kaya naming maresolba," patuloy ni Skusta.

“So yun. Nag-sorry kami sa kanya, though may ginawa kaming mali.

“Nung unang sinabi niya, kinabahan kami, pero gumawa kami ng paraan para maayos. Para hindi matapos yung...

“Kaya, hayun, inayos namin, kaya tuluy-tuloy,” kuwento pa ni Skusta at paninigurong nasa management pa rin sila ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ekskusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Skusta sa grand mediacon ng pelikulang Sons of Nanay Sabel na ginanap sa Playhub Events Place, noong April 11.

Ang pelikulang ito ay ang kauna-unahang pelikula ng kanilang grupo, kung saan kasama nila si Ai-Ai. Sa direksyon ito ni Dado Lumibao para sa Viva Films.

ADJUSTING TO MAKING MOVIES

Samantala, aminado silang lahat sa grupo na nanibago sila sa sistema ng paggawa ng pelikula dahil ibang-iba ito sa mundong ginagalawan nila bilang isang rap group.

Paano sila nag-adust dito?

Sagot ng rapper-songwriter, “Sa schedule, hindi naman ganun na parang nahirapan.

“Nanibago...parang nanibago kasi iba yung nakasanayan,

“Parang...ang ginawa ko, kada may shooting, maaga na akong natutulog.

“Kasi, alternate days naman yun. Pero, yung dun sa nahirapan, hindi naman po. Wala namang...”

Isa nga raw ito sa mga oportunidad na nagbukas sa kanila, mula nang sumikat ang kanilang grupo.

Malaki na rin ba ang nabago sa kanila mula nang maging Youtube sensation sila hanggang pumutok sa airwaves ang kanta nilang "Hayaan Mo Sila"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Continuous pa rin sa kung ano ang ginagawa namin. Making music and stuff.

“Hayun, kung ano ang ginagawa namin before bago mangyari sa amin lahat nang ito, yun pa rin ang ginagawa namin.

“Kung wala kami sa work, nasa bahay lang kami.

“Wala din kaming ginagawa kundi ang mag-isip ng music. Ganun lang.”

Sa paggawa nila ng pelikula, handa pa rin daw siyang gumawa ulit, basta ang makakasama niya pa rin ay ang kanyang mga ‘kuya’ sa Ex Battalion at si Ai-Ai.

Pero kailanman ay hindi niya raw ipagpapalit ang musika over movies.


Stories We Are Tracking

Ai-Ai delas Alas, ilang beses muntik bitawan ang Ex Battalion
Ai-Ai delas Alas, ilang beses muntik bitawan ang Ex Battalion
Ex Battalion, handa nang mag-shoot para sa debut movie
Ex Battalion, handa nang mag-shoot para sa debut movie
Ex Battalion, tinuligsa dahil ginawa raw gold digger ang mga kababaihan sa kantang Hayaan Mo Sila
Ex Battalion, tinuligsa dahil ginawa raw gold digger ang mga kababaihan sa kantang Hayaan Mo Sila
Pelikula ni Ai-Ai delas Alas at ng Ex Battalion, sisimulan na sa July
Pelikula ni Ai-Ai delas Alas at ng Ex Battalion, sisimulan na sa July


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN