PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz joins cast of ABS-CBN soap "Ysabella"

The young actress will be reunited with her Esperanza co-star, Judy Ann Santos.
by Julie E. Bonifacio
Published Aug 2, 2007
Young actress Angelika dela Cruz is excited about working with Judy Ann Santos again. Angelika will join the cast of Ysabella and will start taping next week.


Malaki ang ipinayat ng katawan ng young actress na si Angelika dela Cruz nang makita siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa lobby ng old ABS-CBN building kahapon, August 1. Katatapos lang mag-guest ni Angelika sa morning show nina Boy Abunda and Kris Aquino sa ABS-CBN, Boy & Kris.



"Nagta-Thai boxing ako," paliwanag ni Angelika nang pansinin namin ang kanyang katawan.



Sa pagsalita ni Angelika ay napansin din agad namin ang brace na nakapasok sa loob ng bibig niya. Tinanong namin kung para saan ‘yon.



"Nagpa-TMJ [temporomandibular joints] brace ako. May TMJ disorder kasi ako. Super dami na ang ganyang case," sabi ni Angelika.

Ayon sa Medline Plus, ang TMJ ay ang joints na nagkokonekta sa lower jaw natin sa ating skull.



Hindi kaya dahil sa kanyang brace, pumapayat siya?



"Hindi naman," sagot niya. "Although kailangan mo pa siyang alisin para makakain ka talaga nang husto. Kaya most of the time, konti na lang din ang kinakain ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



May isang buwan na raw niyang suot-suot ang TMJ brace niya. Pero sana raw bago siya magsimula ng bago niyang show sa ABS-CBN ay matanggal na ito.



"Pero kahit naman nagte-taping ako, puwede ko naman siyang tanggalin," dagdag niya.



Masayang ibinalita ni Angelika sa PEP na papasok siya sa soap opera ng ABS-CBN na Ysabella.



"Ipapasok ‘yung charcter ko sa show. Ang role ko rito ‘yung parang tulad sa ginawa ko doon sa soap nina Echo [Jericho Rosales] at Tintin [Kristine Hermosa], ‘yung Sana'y Wala Nang Wakas, na masayahin, kikay. Parang ganun.



"Baka next week na ako mag-start ng taping. Excited na nga po ako to start and work again with Ate Juday [Judy Ann Santos]. Huli kasi kaming nagkasama nung Esperanza pa," masayang pahayag ni Angelika.



Bukod sa Ysabella, may Sine Serye rin na nakatakdang umpisahan ni Angelika, pero nakiusap siya na huwag munang isulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Angelika dela Cruz, Ysabella
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Angelika dela Cruz is excited about working with Judy Ann Santos again. Angelika will join the cast of Ysabella and will start taping next week.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results