Sophie Albert recalls walking in on boyfriend Vin Abrenica's kissing scene with Ellen Adarna

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actress Sophie Albert


Mag-aanim na taon na ang relasyon nina Sophie Albert (na isang Kapuso) at Vin Abrenica (na isang Kapamilya).

Hindi ba mahirap na GMA contract artist si Sophie at si Vin naman ay nasa ABS-CBN?

“Ako naman I like it now!

“Kasi nasanay kami na kami magkasama sa TV5, di ba?

“Pero nung nagkahiwalay, parang mas nagustuhan ko rin na I’m independent here.

“I make my own friends, I meet new people.

“Siya din ganun, parang walang pakialamanan, kung nasaan tayo.

“And at the same time may napagkukuwentuhan kami.

“Naku-compare namin na, ‘Uy, diyan, ganito. Dito, ganyan.’”

NO JEALOUSY ISSUES

Kahit sa mga daring scenes ni Sophie sa Bihag with Jason Abalos ay hindi nakikialam o nagagalit si Vin.

“Hindi, wala kaming ganun. Wala.

“Hindi lang namin talaga pinapanood yung mga... kunyari, may bed scene, ganyan.

“Ina-avoid naming panoorin kasi it’s awkward, and it would still hurt,” at tumawa si Sophie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AVOIDING AWKWARD SITUATIONS

Nasasaktan o nagseselos ba siya sa ganoon?

Pag-amin niya, “Pag napapanood ko.

“Like there was one time na ginawa namin yung Moonlight Over Baler.

“'Tapos, nagkataon lang na pag-walk in ko, nagki-kissing scene si Vin tsaka si Ellen ng very intense laplapan!

“Eksena nila yung kinukunan 'tapos pumasok ako sa set, ‘Ay, sh_t!’

“So parang, hindi naman hurt, parang awkward, na parang, ‘Shucks, boyfriend mo nakikita mong…”

“Di ba?”

Ang Moonlight Over Baler ay pelikula noong 2017 na pinagsamahan nina Sophie, Vin, Ellen Adarna at Elizabeth Oropesa.

Maraming babae at gays ang nagpapantasya kay Vin.

“Hindi ko naiisip.

“Kasi si Vin kilala ko siya as Vin na pag kami lang, parang hindi siya, hindi ko naiisip na pinagpapantasyahan siya, hindi ko alam,” at tumawa muli si Sophie.

NO WEDDING PLANS YET

Wedding bells?

Mabilis niyang tanggi, “Ay, naku! Wala, wala!”

Napag-uusapan naman raw nila ang tungkol sa kasal.

Dagdag niya, “But timeline-wise, parang wala pa kami dun sa nagse-set ng timeline.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In one year?

“Definitely not in one year,” paniniguro niya.

Trabaho daw muna ang focus nila ni Vin.

“Milk muna what we can milk sa showbiz, di ba?

“So while I’m given work, ito talaga yung focus,” diin niya.

HAPPY KAPUSO

Two years nang Kapuso si Sophie mula ng lumipat ito sa GMA mula sa TV5.

Pagpapasalamat niya, “I’m very happy here.

“I feel like I found my place here.

“Kasi I was always... ever since I was starting, mahiyain talaga ako, e.

“So parang alangan ako na feeling ko siguro dahil mahiyain ako, this [showbiz] is not for me. Yung ganun.

“But here parang they made me feel naman na, ‘Hey, it’s okay. We have to give you this role.’”

Sa Bihag, ginagampanan ni Sophie ang papel bilang si Reign na isang kabit.

“And parang because of that, yung parang I’m able to find myself or find my footing as an actor also.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And I’m happy kasi lagi akong nabibigyan ng opportunity na magtrabaho.

“So iyon talaga yung number one na ano and very supportive and encouraging like Artist Center and Tito Manny,” pahabol niya.

Co-managed ng GMA Artist Center at ng talent manager na si Manny Valera ang career ni Sophie.




COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN