Kakai Bautista, Bianca Gonzalez call out discriminatory ad of whitening brand

IMAGE @ilovekaye / @iamsuperbianca Instagram

Kakai Bautista did not mince words about discriminatory ad of a whitening brand: "Kayumanggi ang Pinoy. At MAGANDA ang KAYUMANGGI." Bianca Gonzale, a proud morena, remarked, "Hindi po kami kawawa, maganda ang kulay namin."


Inalmahan nina Kakai Bautista, Bianca Gonzalez, at ilan pang artista ang discriminatory ad ng isang whitening brand na tila ang ipinaparating na mensahe ay nakakahiya ang kutis morena ng mga Pinay.

Kinondena ni Kakai ang pagpapakalat ng ganoong pag-iisip, base sa sunud-sunod niyang Instagram Story noong Sabado ng gabi, April 13. 

May screenshot si Kakai ng Facebook ad ng GlutaMax whitening brand. 

Dito ay makikita ang larawan kunsaan pinagtapat ang dalawang female models na kutis morena at mestiza.

Ang sabi sa copy ng ad, "Maputi lang, pinaupo na sa bus? Unfair 'di ba?" 

May nakasaad din ditong statistical data na "3 in 5 Filipinos believe that people with fairer skin receive better treatment from others*" 

Base raw ito sa isang "poll by Opeepl."

May caption din itong ang nasabing brand ang ang sagot upang magkaroon ng "fair advantage" ang mga morena ang balat. 

Mariin itong kinontra ni Kakai. 

Sabi ni Kakai, na gumamit ng malalaking titik upang bigyang-diin ang kanyang pahayag:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"NO hindi lang maputi ang napapansin, Ang LAGING MAGANDA! 

"Ang nadidiscriminate. 

"Wag tayo ganun GluthaMax. Kayumanggi ang Pinoy. At MAGANDA ang KAYUMANGGI!

"ANG MORENA! ESPESYAL DIN." 

Inihayag din ni Kakai na kahit sino ay posibleng maging biktima ng diskriminasyon. 

"Lahat ng kababaihan, kasarian, PWEDENG MADISCRIMINATE. Pwede maapi. Pwedeng masaktan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"KAHIT MAPUTI. AT GUMAGAMIT NG PAMPAPUTI." 

Umapela si Kakai na sana ay maging sensitibo ang pamunuan ng whitening brand pagdating sa ipinapakalat nitong mensahe sa consumers. 

"At BAWAT babae ay may natatanging GANDA!!!! 

"Magcommute man o HINDI. Kahit MORENA, Kayang bumili ng sarilinG BUS!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT A BATTLE BETWEEN MAPUTI VS. MORENA

Hindi man tahasang pinangalanan ni Bianca Gonzalez ang Glutamax, halatang ito rin ang whitening brand na pinatatamaan ng Kapamilya TV host sa kanyang tweets noong April 13. 

Hindi raw tama na ipakalat ng isang whitening brand na kaawa-awa ang mga Pinay na morena o kayumanggi ang kutis. 

"Just a note from a Filipina with brown skin since birth: There is no problem AT ALL sa mga gustong magpaputi.

"The problem is when whitening brands make us look 'kaawa awa' dahil lang maitim kami.

"Kasi, hindi po kami kawawa, maganda ang kulay namin."

Binanggit din ni Bianca ng mga iniidolo niya sa showbiz na may kutis-kayumanggi. 

"I grew up loving my brown skin because of beautiful women like Angel Aquino and Tweetie de Leon who proudly flaunted their brown skin.

"I looked up to them. I did not need to compare myself to fair skinned girls.

"It need not be a 'battle' of maitim versus maputi." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa sa host, ang dalawa niyang anak na babae ay parehong kutis-kayumanggi at palalakihin daw niya ang mga ito na proud sa kanilang balat. 

"I now have two daughters, and both of them are morena.

"When they grow up, choice nila kung magpapa-tan or magpapaputi sila.

"But what I will teach them is that being brown is not something 'shameful', and being brown is not something that makes them less beautiful than others."

MALE CELEBS: NO SHAME IN BEING MORENA

Pati ang mga aktor na sina Ping Medina at Will Devaughn ay hindi nagustuhan ang discriminatory ad ng nasabing whitening brand. 

Inalmahan din nila ang billboard na pinagtatapat ang babaeng morena sa isa pang babae na maputi ang balat. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos pareho ito ng sentimiyento ng mga direktor na sina Joey Reyes at Mark Meily. 

Kinuwestiyon din nila kung paano nakalusot sa Ad Standards Council ang billboard ads ng Glutamax. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DELETED STATEMENT OF GLUTAMAX?

Samantala, naglabas ang pamunuan ng Glutamax ng official statement upang sagutin ang matinding pambabatikos sa bago nilang ad campaign para sa iba't iba nilang whitening products. 

At press time, ang Facebook post na iyon ay hindi na makikita sa official Facebook page ng Glutamax, pero ilang netizens ang nakakuha ng screenshot nito. 

Sa halip daw na humingi ng dispensa ang Glutamax, tila nanindigan pa ito sa pinagbasehan ng kanilang ad. 

Narito ang kopya ng kanilang official statement:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng nabanggit na whitening brand sa artikulong ito. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN