"Ouija" sequel now in planning stage


Ouija cast: (From left) Iza Calzado, Jolina Magdangal, Judy Ann Santos, and Rhian Ramos. The horror film will have a sequel that will also star Judy Ann and Jolina.



Ayon sa GMA Films at Viva Films ay umabot na sa mahigit P50 million ang kinita ng horror film na Ouija sa unang linggo ng pagpapalabas nito. Ito ay lampas pa sa inaasahan nilang magiging kita ng naturang pelikula sa opening week nito.

Dahil sa malaking tagumpay na ito ng Ouija, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng GMA Films at Viva Films ang sequel nito.

Sina Judy Ann Santos at Jolina Magdangal pa rin ang magbibida sa sequel ng Ouija. Magkakaroon naman daw ng cameo roles ang mga kasama nila sa pelikula na sina Iza Calzado at Rhian Ramos.

Sa mga nakapanood na ng Ouija, alam nila kung bakit sina Judy Ann at Jolina na lang ang maiiwan sa sequel.

Siyempre pa, si Topel Lee pa rin ang magdidirek ng sequel ng Ouija. Maraming bumilib sa husay ni Direk Topel bilang direktor.

Kung masusunod ang plano ay sa abroad kukunan ang kabuuan ng sequel ng first horror film ng GMA Films at nina Juday at Jolens.

Ang Ouija rin ang first full-length film ng young director na si Topel. Ang unang feature film niya ay ang "Yaya" episode ng Shake, Rattle & Roll 8.

Samantala, nakatakda namang magkaroon ng world premiere ang Ouija. Magsisimula ang world premiere ng pelikula sa Seattle, September 29; San Diego, September 30; at sa Orlando, October 7.

Nakakuha ng grade na "A" ang Ouija mula sa Cinema Evaluation Board. Ibig sabihin ay makakakuha ng 100-percent tax rebate ang GMA Films at Viva Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN