Maine Mendoza camp denies lowering talent fee to get more endorsements

IMAGE Mark Nicdao

Maine Mendoza's talent manager Rams David on bashers: "I think, she’s brave naman sa mga ganyan. Kasi, ang dami na niyang pinagdaanan. Pero siyempre, tao lang si Maine at babae ‘yan. Maawa naman kayo sa babae, alam niyo yun? Parang respeto naman."


Mariing pinabulaanan ng talent manager at president ng Triple A Management ang kumakalat na balitang kaya raw marami pa ring endorsements si Maine ay dahil nagbaba o nagbagsak-presyo diumano sila ng talent fee.

“Ang galunggong nga tumataas, bakit ako magbababa ng presyo?” mabilis na reaksiyon ni Rams.

“Ang dami nilang hanash o kung anu-anong kuwento.

“E, di tumawag sila sa BIR [Bureau of Internal Revenue] at tanungin nila kung ano ang stand ng bata.

“Kasi she’s a good taxpayer, open book naman lahat ng aming hinahawakang accounts at alam ‘yan ng BIR.

"Siyempre, hindi ko naman puwedeng sabihin kung magkano ang binabayaran niya taun-taon but, definitely, she’s one of the highest taxpayers."

Patuloy ng manager ni Maine, “And it’s not true. Ako, magbababa ng presyo? Bakit?

“Hindi ba puwedeng maraming endorsements kasi marami ang nagtitiwala?

“Marami ang nagtitiwala kay Maine and believes that Maine is a good endorser of their product.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fairness, she uses all the products na ini-endorse niya.

“And that’s one genuine thing and, like Marian [Rivera], she doesn’t indulge herself sa product na hindi niya pinaniniwalaan.

“So, ganun din si Maine.

“And I believe, yung dami ng produktong hinahawakan niya ngayon is because she is a good endorser or influencer of such products.”

Wala raw katotohanan ang balita o impormasyong yun na galing sa bashers/haters ni Maine.

“It’s not true, fake news,” pagdidiin pa ni Rams.

“Tumataas ang presyo, ang kuryente, e, di sumabay ka rin.

"Pero siyempre, meron tayong mga produkto na, siyempre, partners na natin at hindi tayo iniiwanan, love natin ang mga ‘yan.

“At para maganda ang relationship natin, of course, we also give consideration.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rams sa Highgrounds, Tomas Morato, Quezon City, nito Martes, April 30.

FAKE NEWS

Isa si Maine sa madalas puntiryahin ng bashers na nagpapakalat ng fake news sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nila hina-handle ang mga ganitong fake news, partikular na yung below-the-belt na atake?

“Oo nga, e,” pakli ni Rams. “Yung fake news, akala natin sa pulitika lang.

“Kawawa rin ang mga artista. Not just Maine, pero napakarami ring artista.

“And since naitanong mo si Maine, yes, she’s always a victim of fake news.

“‘Tapos, fake news na nga, fake accounts pa, wala kang makitang mukha kung sino ang nagsusulat o nagsasabi, so bakit mo paniniwalaan?

“Ang daming karumal-dumal na istoryang imbento. Istorya na hindi totoo.

“Istorya na napakasasama na paano nila naiisip? And they have time to think about it.”

May legal na hakbang ba silang gagawin upang matigil na ang mga paninirang ito kay Maine, na ang ilan ay talagang malisyoso na?

Pahayag ni Rams, “Paano mo idedemanda ang walang pangalan, walang mukha?

“Pero sa mga nagpi-fake news na ‘yan, kung gusto niyong magkalat, harap-harapan.

“Puntahan niyo kami sa Triple A, puntahan niyo ako, magharap tayo kung anuman ang mga fake news niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magdemandahan tayo. Ipakita niyo ang ebidensiya ng fake news niyo.

“Kasi, wala naman akong ginagawa sa inyo.

“Hindi ko ma-imagine kung bakit may mga taong kayang sikmurain yung mga ganung klase ng istorya na hindi naman totoo, pero kayang ilabas sa social media.

“Kaya sometimes, in social media, sometimes it’s more on bad effect than good effect, e.

“Di ba, dapat mas maganda ang balita kesa negative ang ilabas natin?”

REACTION TO BASHERS

Ano ang reaksiyon ni Maine at ng pamilya nito sa mga pangba-bash sa Kapuso star?

Ayon kay Rams, “Well, I think, she’s brave naman sa mga ganyan. Kasi, ang dami na niyang pinagdaanan.

“Pero siyempre, tao lang si Maine at babae ‘yan.

“Maawa naman kayo sa babae, alam niyo yun? Parang respeto naman.

“Lalo pa at babae siya to talk about things na hindi tama.”

Kumusta ang pamilya ni Maine?

“Well, hindi sila showbiz, e,” sambit ni Rams.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siguro, kahit showbiz ka na, ‘tapos ganun ang mga sasabihin tungkol sa ‘yo, hindi ka naman santo rin para hindi mag-react.”

Sa huli, nagbigay ng babala si Rams sa mga nagpapakalat ng peke at malisyosong balita tungkol kay Maine.

Aniya, “Kapag nalaman natin ‘yan, e, siyempre idedemanda natin ‘yan.

“Kung malaman natin kung sino, magtago ka na kung sino ‘yang mga bashers na ‘yan.

“Siguraduhin lang nila na meron silang pruweba.

“Aba, e, kung wala kang pruweba, sa kulungan ang bagsak mo.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN