Isko Moreno: Manila "lost control" under the last term of Mayor Joseph Estrada

IMAGE @isko_moreno on Instagram

Mayoral candidate Isko Moreno compares himself and two contenders for the mayoral race to David and Goliath in the Bible. He says he is David while his two fellow contenders, Former President Joseph Estrada and former Manila Mayor Alfredo Lim, are Goliaths in the 2019 mid-term elections. Moreno, Estrada, and Lim are running for mayor of Manila.


Sa palagay ba ni Isko Moreno ay “long overdue” na ang pagtakbo niya sa pagka-mayor ng Maynila?

Ito ang isa sa mga tanong na ibinato ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mayoral candidate sa upcoming 2019 mid-term elections, sa ginanap na pocket presscon niya sa Casa Roces, Manila, noong April 24.

Dalawang termino na ang lumipas na plano na sana niyang tumakbong mayor, mula sa pagiging vice mayor ng siyudad, pero parehong naantala.

Naging vice mayor ng Maynila si Isko noong 2007-2013 at 2013-2016.

“Actually, wala naman requirement sa batas whether 20 years ka sa public service or not, as long as right age, right geography,” simula ng actor-turned-politician.

“But, modesty aside, I have waited patiently, took it seriously to gain experience.

“Then, when I entered public service, I lack academically, which pinunan ko rin through former Vice Mayor Danny Lacuna. Siya ang nag-encourage sa akin na mag-aral muli.

“I would safely say na puwede na, kasi kung experience rin lang, meron ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron silang karanasan sa akademiya, ako, meron din.

“Actually, I went overboard more than what is required.”

Mula sa pagiging isang aktor, naging three-term councilor siya bago naging vice mayor ng lungsod ng Maynila.

Nang maupo si President Rodrigo Duterte ay in-appoint siya bilang Chairman ng North Luzon Railways Corporation noong 2017, at bilang Undersecretary for Luzon Affairs sa Department of Social Welfare and Development noong 2018.

MANILA LOST CONTROL, SAYS ISKO

Noong unang termino na tumakbo si dating Pangulong Joseph Estrada sa pagka-mayor ng Manila, si Isko na sana ang tatakbo noon sa parehong posisyon, pero nakiusap ito sa kanyang magbigay-daan.

Sa ikalawang termino (2016-2019), pinagbigyan niya pa rin?

“E, he said, he still wanted to serve pa raw, marami pa raw siyang gagawin,” sabi ni Isko.

Ano ang naramdaman niya noon?

“Well, of course, una, malulungkot ka. Initially, medyo may kurot yun.

“So, sige, okay, marami pa naman akong birthday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, eto, every day’s a blessing na lang.

“So, for purposes of trying to appease myself, hayaan mo na nga lang.

“Kaya lang, lalong sumama yung last three years.

“Yung legacy ng first three years, nandodoon ako, tame. Yung mga enterprising individuals.”

Ano ang ibig niyang sabihin na “sumama” ang lagay ng Maynila sa pinakahuling tatlong termino ni Erap.

“The control,” paglilinaw ni Isko.

“You know, when you’re local chief executive, you must be in control of what’s happening.

“In Divisoria, have you been to Divisoria? Recto? May nadadaanan ka pa ba?”

Dagdag niya, “With these things existing for 365 days a year, there’s problem.

"And two problems—matapang lang ang mga walang disiplina or wala talagang gobyerno?

“So you choose between the two.”

UNPLEASANT EXPERIENCE WITH ERAP

Ngayong 2019 mid-term elections, itinuloy na ni Isko ang pagtakbo bilang mayor ng Manila.

Hindi na ba siya pinakiusapang muli ni Mayor Erap na pagbigyan itong muli ng isa pang termino tulad dati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “O, sige, I’ll answer this na, what will you do kung kaibigan mo, kasamahan mo, natalo, ikaw, nanalo? Ano ang gagawin mo?

"Yung normal lang, ha... huwag na yung pribilehiyo o trabaho, what will you do?"

Kakausapin?

“Yes, or the very least, console. As a person, huwag na yung ano... kasi nga sabi ko, kaibigan mo, as a person.

“So, eto na, naupo na siya, ni ha ni ho.

"So, ‘yan ang sagot ko sa tanong mo.

"And as we speak today [wala pa rin]."

Ang tinutukoy rito ni Isko ay ang pagtakbo niya bilang senador noong 2016 elections, kung saan natalo siya.

Inihalintulad pa ni Isko ang sarili sa isang damit.

Aniya, “Ako ay isang damit na pagkatapos magamit, itinapon na sa labahan.”

May tampo o galit ba siya sa kasalukuyang mayor ng Manila na si Erap?

Tugon ni Isko, “Ah, no, lumipas na yun, you have to move on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya naman ako, I know how to make myself happy. Depende sa mindset.

“Talaga lang na hindi sumasaya ang tao kapag wala siyang kabusugan.”

Kung sakaling siya ang mahalal bilang alkalde ng Manila, anong klaseng leader kaya siya?

“Okay, I am no Superman,” pakli ni Isko.

“I don’t have all the answers to this world’s problem. So I cannot give that kind of guarantee, to be honest with you.

“But one thing that I can guarantee, it would be different.” 

DAVID VERSUS TWO GOLIATHS

Sa hanay ng mga tumatakbo sa pagka-mayor ng Manila ngayong 2019 elections—si Isko, si Erap, at si ating Manila Mayor at former Senator Alfredo Lim—si Isko raw ang David sa mga Goliath.

Ayon kay Isko, “I am David and they’re Goliaths. These are Goliaths of politics.

“Remember, I’m fighting and challenging, one, former presidential candidate, number two, former president,” pagtukoy kina Lim at Erap, respectively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"These are the bigwigs of politics. So, sa akin naman, I have nothing to lose.

“I came from nothing.

“So the best I can offer to you, come with me, let’s drink together, let’s do something about the existing challenges.

"Instead of hihilata na lang tayo, okay na ‘yan, tapos na ‘yan, patapusin na lang natin...

“These are the types of attitudes that destroy the mindset and eagerness of others and to continue to believe in government.

“Why? Kasi, alam mo naman na hindi nagiging mabuti. 'Kawawa naman, patapusin na natin.' Doon tayo nadidisgrasya.

“Kaya we really have to be fair to others.”

Marami sa mga botante ang nadadala na sa pagboto, dahil karamihan sa mga pulitiko ay magagaling lang sa salita at puro pangako lang habang nangangampanya.

Paano niya masasabing iba siya sa mga ganitong klase ng pulitiko?

Matalinhagang sagot ni Isko: “Ang laway ko, nasasanla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit? Inutusan din naman ako ng nanay ko na kumuha ng isang kilong bigas kay Aling Nene at sabihin mo, 'Sa Sabado na.'

“O, e, bakit ako pinautang ni Aling Nene? Kasi, ang pobre, laway pa lang, napapautang na.

"Ang mayaman, hindi makakautang, kailangan pa ng collateral.

"Ang pobre, importante sa kanya ang word of honor."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN