Dani Barretto slams netizens saying she's "pregnant, ipokrita, sinungaling"

IMAGE @danibarretto Instagram

Dani Barretto to netizens accusing her of being a hypocrite because of her still-unconfirmed pregnancy and her vlog about traveling for the first time with her husband Xavi Panlilio: "In short, pregnant or not pregnant, its not your story/news to tell."


Hindi pinalampas ng vlogger na si Dani Barretto ang akusasyon ng netizens na siya ay "sinungaling at ipokrita" dahil diumano sa lihim niyang siya ay buntis. 

Nag-ugat ito sa YouTube vlog ni Dani at ng asawa niyang si Xavi Panlilio noong April 29, kunsaan nabanggit nilang first time nilang magta-travel nang sila lang sa kanilang nalalapit na honeymoon sa Osaka, Japan. 

Sina Dani at Xavi ay kakakasal lang sa Santuario de San Antonio Parish, sa Makati City, noong April 23. 

Pahayag ni Dani sa kanyang vlog: "My mom has a rule that we can’t travel with partners unless we’re married.

"Pasaway lang talaga ako, e.

"But I think it's a good practice for people our age.

"It makes you look forward to marriage more. It makes you look forward to traveling with your partner more." 

Nakuwento pa ni Dani na madalas siyang mainis sa inang si Marjorie Barretto sa tuwing hindi siya nito pinapayagang mag-travel kasama ang isang karelasyon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lalo pa't siya raw ay nasa "legal age" na, may sariling trabaho, at mag-isang naninirahan sa tinutuluyan niya noon. 

"Pero I just realized tama naman siya," dagdag ni Dani. 

Sa Facebook page ng digital lifestyle site na Female Network, makikita ang ulat ng Cosmo.ph tungkol sa dahilan kung bakit first time nina Dani at Xavi na mag-travel nang solo sa kanilang honeymoon. 

Ang titulo ng artikulo ay "Dani Barretto And Xavi Panlilio's Honeymoon Will Be Their First Time To Travel Together On Their Own Because Of Mom Marjorie's Rule." 

May ilang netizens sa comments section ang umalma na "sinungaling" at "ipokrita" raw si Dani dahil hindi nga raw nag-solo travel ang couple, pero si Dani raw ay "buntis ka na nga di pa kasal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DANI'S EXPLANATION

Diretsahang sinagot ni Dani ang netizens na kumakastigo sa kanya. 

Karapatan daw niya kung hindi man sabihin kung totoo o hindi ang isyung siya ay nagdadalantao. 

"I never denied or confirmed anything about this pregnancy issue, ever. I never even spoke about it," giit ni Dani.

"In short, pregnant or not pregnant, its not your story/news to tell.

"Its mine and my Husband’s."

Hindi raw siya magpapadala sa anumang opinyon ng netizens laban sa kanya.

"I think you people are forgetting what respect means given that you’re all so opinionated and so involved about this pregnancy issue.

"This is none of your business. I will share whatever I want to share online.

"If I choose to keep things private, THAT IS STILL MY CHOICE." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON MOM'S NO-TRAVELING-WITH-BOYFRIEND-RULE

May ilan pang netizens ang nagsasabing "ipokrita" at "sinungaling" si Dani sa kuwento nito tungkol sa no-traveling-alone-with-your-boyfriend rule ng ina niyang si Marjorie.

Ito ay dahil sa nakikita raw ang vlogger na nagbabakasyon kasama ng ex-boyfriends nito noon.

Sagot ni Dani, "Obviously hindi mo mo pinanuod yung video HAHAHAHA sabi ko sa video, PASAWAY LANG TALAGA AKO.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Cause may times na hindi ako sumunod and na realize ko tama naman nanay ko. [smiley]

"MANUOD KA MUNA BAGO KA MAG COMMENT."


Stories We Are Tracking

Dani Barretto is now married to Xavi Panlilio
Dani Barretto is now married to Xavi Panlilio
Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi
Dani Barretto not on good terms with dad Kier Legaspi
Kier Legaspi thanks Gretchen Barretto for defending him in issue with Dani
Kier Legaspi thanks Gretchen Barretto for defending him in issue with Dani
Kier Legaspi reaches out to estranged daughter Dani Barretto
Kier Legaspi reaches out to estranged daughter Dani Barretto

 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN