Vico Sotto on Pasig mayoral bid: "Kailangan manindigan tayo."

Vico Sotto (center, with parents Vic Sotto and Coney Reyes) on Pasig City mayoral bid: “Kailangan manindigan tayo. Hindi puwedeng magpatakot tayo, hindi puwedeng magpadaan tayo sa intimidasyon."


Matangkad, guwapo at anak ng parehong kilala at mahusay na artista si Vico Sotto, ang isa sa konsehal ng Pasig City at ngayon ay tumatakbo sa pagka-mayor ng naturang lungsod.

Kaya ang tanong sa kanya, bakit mas gusto niya ang mundo ng pulitika kesa sa mundo ng showbiz?

Paglinaw niya, “Alam niyo, never akong naging interesado sa showbiz.

“Sa katunayan, naaalala ko pa noong bata ako, talagang lagi nila akong gine-guest.

“Kahit birthday lang, mag-appear lang ako sa Eat Bulaga.

“Pero kayo po ang nagku-cover. Alam niyo po, never niyo 'kong nakita, lumalabas lang ako kapag talagang pinilit lang.

“Matanda na ko noong lumabas ako.

“Pero noong bata ako, ayaw na ayaw ko, umiiyak pa 'ko.

“Naghahabulan pa kami ni Mama noon para sa birthday greeting kay Papa sa Eat Bulaga.”

Mahiyain daw siya talaga noong bata. Hindi rin daw siya kumportable na sikat ang mga magulang niya. 

Ang pagnanais ng malaking pagbabago ang isa sa dahilan kung bakit nagdesisyon si Vico na tumakbo bilang alkalde ng Pasig City ngayong eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, kung walang ibang tatakbo, kasi nakita ko po ang kultura ng pananakot at pang-aabuso ng kapangyarihan.

“Sabi ko, bago mag-deadline ng filing para sa kandidatura, sabi ko, hindi ako papayag na walang lalaban,” saad ni Vico nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa naging pocket presscon niya sa Correon Gate, Metrowalk noong May 3.

ON THE CAMPAIGN TRAIL

Kinumusta namin ang mga nararanasan niya ngayon sa pangangampanya.

Lahad niya, “So far, the campaign is doing very well.

“I’m very overwhelmed with the response of Pasigueños.

“Mukhang handa na ang Pasigueño tungkol sa pagbabago.”

May mga insidente nga ba na sa ilang campaign sortie niya ay pinapatayan daw sila ng kuryente?

Pag-amin niya, “Hindi ko naman po alam kung sino ang nagpapatay ng ilaw.

“Hindi ko alam kung kalaban ko ba talaga o baka naman nagkataon lang na tatlong magkakasunod, namamatay ang ilaw.

“Ayoko naman pong mag-akusa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FULL SUPPORT OF PARENTS

Suportado naman daw si Vico ng mga magulang niyang sina Coney Reyes at Vic Sotto.

Ayon dito, “Nag-usap naman po kami.

“Hindi lang ng tatay ko, pati ng nanay ko. Buong pamilya—immediate family.

“Pati mga kaibigan ko, mga mentors ko pagdating sa paggu-gobyerno.

“Pero ako naman, malaki ang pasasalamat ko sa mga magulang ko dahil hindi sila nakikialam sa akin pagdating sa trabaho.

“They give advice, they give encouragement, pero hindi po sila nakikialam.

“They let me make my own decision.”

Aminado naman si Vico na ang Papa niya, kahit paano ay nakaka-suporta rin sa kanya sa pinansiyal.

Sumasama rin daw ang mga magulang niya minsan sa pangangampanya.

“Especially si Papa, I think, medyo excited din siya,” nakangiting sabi niya.

“Aaminin ko sa inyo, noong una, medyo kinakabahan din siya.

“Siguro medyo normal naman sa mga magulang yun, di ba?

“Pero noong in-explain ko sa kanila kung bakit...

“Hindi naman ito para sa isang posisyon kung hindi para sa tunay na pagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In-explain ko sa kanila, pinakita ko pa sa kanila.

“Nagbago ang isip nila at naging buo ang isip nila.”

MAKING A STAND

Early '90s pa lang, nakaupo na sa Pasig ang mga Eusebio.

Hindi ba siya natatakot sa binabangga niya ngayon?

“Well, para sa akin, maigsi lang ang buhay.

“Kailangan manindigan tayo.

“Hindi puwedeng magpatakot tayo, hindi puwedeng magpadaan tayo sa intimidasyon.

“Kung sa tingin natin, tama ang ginagawa natin, kailangan ay tumindig din tayo,” diin niya.

KEEN INTEREST IN GOVERNMENT

Itinama ni Vico nang sabihin namin na sa pagkakatanda namin sa kanya, bata pa lang siya, mahilig na siyang talaga sa pulitika.

Aniya, “Actually, hindi po.

“Hindi po ako mahilig sa pulitika.

“Gobyerno po talaga.

“Ever since I was ten years old or maybe even younger, I’ve always wanted to work with government.

“Whether appointed, elected, career officer, basta ang puso ko, gusto kong magtrabaho sa gobyerno.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

POLITICAL MENTOR

Sabi nga namin sa kanya, marami na sa mga Pinoy ang tila nadi-disillusion sa gobyerno.

Pero siya, hindi nawawala ang passion niya.

Saan nanggagaling yun?

Kuwento niya, “Mula noong pagkabata, talagang gobyerno.

“And one of my biggest influences is Kuya L.A. [Mumar].

“Yung iba sa inyo, baka kilala si Kuya L.A.—anak ni Mama kay Larry Mumar, the basketball player.

“Naging malaking influence siya sa akin na maging interesado sa government.

“Eleven years ang tanda niya sa akin, so kapag galing po siya ng college, ako, grade school.

“Minsan sa bahay, pag-uwi niya, kung ano ang natutunan nila sa klase—Developmental Major po siya—tinuturo niya po sa akin.

“Pagkatapos, kinu-quiz pa niya ako kinabukasan kung binasa ko talaga yung mga pinapabasa niya.

“From a very young age, I was exposed to government-related subjects and noong panahon na yun, hindi ko naman masyadong naiintindihan, pero yung interest, never nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And eventually, yung interest na yun, nag-develop po siya sa isang passion para sa mabuting paggu-gobyerno.”

CONDEMNING ABUSE OF POWER

Twenty-nine years old pa lang si Vico na tumatakbo bilang mayor ng Pasig City.

Pero marami na siyang nakikitang puwedeng maging pagbabago sa Pasig kung sakali at siya ang mananalo sa eleksiyon laban sa matagal nang nanunungkulan sa lungsod mula sa pamilya Eusebio.

Ang kasalukuyang mayor ng Pasig ay si Robert Eusebio.

Pahayag niya, “Unang-una, ititigil natin ang pang-aabuso ng kapangyarihan.

“Yung kapag makita lang na kinamayan yung kalaban e, tatanggalin na sa trabaho.

“Tinulungan nga lang kaming mag-ayos ng sound system, tinanggal na bilang street sweeper.

“Well, hindi naman po siguro sikreto ang korupsyon ng gobyerno natin.

“Again, I’m not accusing anyone.

“Pero sa isang banda, alam naman natin na totoo yan.

“Kaya kailangan po natin ng bago, fresh, hindi pa disillusioned sa pulitika.

“Kailangan, yan po ang tumindig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan, yan po ang manindigan sa paggo-gobyerno, alam naman natin ang tama.”

SOLE PROMISE

Ano ang kaibahan niya sa mga pulitikong napakaraming pangako kapag nangangampanya.

Pero kapag nanalo na, halos lahat ng pangako ay napapako?

“Ako po, I make it a point not to make many promises.

“Basta, ang numero unong pangako ko sa taong bayan, kung bigyan nila ako ng pagkakataon, wala pong mapupunta sa bulsa ko kung hindi ang suweldo ko.

“Yan lang ang number one na pangako ko.

“At kung ganyan ang gagawin, naniniwala ako na sa 10.7 billion pesos ng Pasig kada-taon, napakarami pang puwedeng gawin.”

Dugtong pa niya, “Pero ako po, hindi po ako nangangako dahil yung iba, di ba, sasabihin, 'Bibigyan ko kayo ng ganito, gagawan ko kayo ng ganitong programa.'

“Lahat po yan nasa plano.

“Pero alam naman natin na sa paggu-gobyerno, minsan yung mga pulitiko, mangangako pero hindi matutupad.

“Ako, umiiwas ako na mangako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta yun po ang number one kong pangako: walang mapupunta sa bulsa ko kung hindi ang suweldo ko,” diin niya.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN