Ian and Matet de Leon want Nora Aunor and Lotlot to reconcile


Ian de Leon clarifies that he has no ill feelings against Norie Sayo, who was rumored to have married Ian's mother, Nora Aunor.


Umaasa ang magkapatid na sina Ian at Matet de Leon na matapos na ang umano'y di pagkakaunawaan sa pagitan ng kanilang ina, si Nora Aunor, at Ate nilang si Lotlot de Leon.

Nagsimula ang diumano'y tampuhang ito nang lumabas ang isyu ng pagpapakasal daw ni Nora sa babaeng manager niya na si Norie Sayo noong Mayo

Sa interview ng The Buzz noong June 10, hindi naitago ni Lotlot ang nararamdaman niya sa kanyang ina ng marinig ang mga bali-balita. Aniya, "Nagulantang ang mundo ko. Nasaktan ako. I wish na nandito siya. Kahit na si Norie Sayo na lang ang hanapin ninyo. Siya na lang ang hagilapin ninyo, tutal siya naman ang sikat ngayon, di ba?"

Nasabi rin ng panganay ni Nora na, "As the one always faces the camera, they owe that to me kasi ako iyong napapaligiran ninyo ngayon, e. Si Mommy ang gusto kong makausap. Nasasaktan ako. Alam naman ni Mommy na mahal ko siya, hindi naman magbabago iyon."

Bahagyang napatunayan din ang tampuhang ito sa exclusive interview ng Nagmamahal, Kapamilya kay Nora, na kasalukuyang naninirahan ngayon sa Fairfield San Francisco. Nang tanungin siya kung nagkakausap sila ni Lotlot, ang sagot ng Superstar ay, "Sa ngayon, hindi ko siya nakakausap kasi tuwing tatawagan ko siya hindi siya sumasagot."

Bagama't hindi nila alam ang tunay na dahilan, parehong naniniwala ang magkapatid na Ian at Matet na unti-unti ring maayos ang tampuhang ito.

Sa live interview ng The Buzz kahapon, August 5, sinabi ni Matet, "Sana po mapag-usapan po nila kung anuman... Kasi hindi ko pa nakakausap din si Ate [Lotlot] so hindi ko po alam kung ano ang pakiramdam niya sa lahat talaga ng nangyayari. Sana po mapag-usapan po nila."

Gayundin, nilinaw din ng dalawa na walang silang galit o anuman sa napapabalitang karelasyon daw ng kanilang ina na si Norie. Para kay Ian, "Iyong tampo-tampo isyu na 'yan, sa totoo lang, Kuya Boy, sawa na kami diyan, e. Kung ano meron sa loob namin na hindi magandang pakiramdam or pagda-doubt sa isang tao, why don't we just bury that, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huwag na nating patulan iyang tampo na iyan or kung anuman iyong nakikita nating hindi tama, pag-pray na lang natin. Kasi wala, e, sayang ang ang energy natin kung papatulan natin."

Sa ngayon, todo suporta ang ibinibigay ng magkapatid sa kanilang ina at nais ng magkapatid na sana ay maging mabuti lagi ang kalagayan niya .

At para naman sa kanilang Ate, ang mensahe ni Ian ay, "Alam kong hindi pa time ngayon para maayos ang lahat pero don't worry maso-solve din ang lahat ng problems natin. And gusto ko lang ipaalam sa 'yo, na sa mga problema, hindi natin kailangan magkawalaan, magtampo-tampo. Basta ayusin natin iyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN