Hindi umubra kay Heart Evangelista ang kung anu-anong pamimintas ng ilang netizens sa mga ipinu-post niyang litrato sa Instagram.
Lunes ng hapon, May 7, may nakapuna na halatang hindi raw pantay ang skintone ni Heart sa kanyang mukha at katawan.

"D po pantay skin nyo. Just saying," sabi ng isang Instagram user.
Tila na-trigger si Heart na agad sumagot sa komentong iyon ng netizen.
Buwelta ni Heart, "dear, Kalma it's the light ...
"but if it makes you feel amazing then ... mukha PO akong IPIS at ikaw ang fly paper! Pak"

LOOKS "MUCH OLDER"?
Bago ito ay may sinagot din si Heart na netizens na pumuna sa umano'y white hair ng Kapuso actress sa isa pang litrato na ibinahagi niya sa Instagram noong Linggo, May 5.

Komento ng netizen, "Ubanin ka na Miss Heart. Angyaman mo naman.
"Why don't you do something about it?
"You look much older than your actual age. #justsaying"
Hindi nagpatinag si Heart.
Sabi ng 34-year-old actress, "hahah you can try to make me feel bad but it's just not gonna happen dear :) I have self worth dear :)"

Maya-maya pa ay sinabi ni Heart na hindi niya alam ang salitang "ubanin."

NO WHITE HAIR
Nang may nagpaliwanag sa kanya kung ano ang ibig sabihin nito, sagot ulit ni Heart, "ahh ok so that's what it means :) thank you God though I have no white hair :)"

Wala raw sa lahi ng maternal family ni Heart ang nagkakauban agad.
Dagdag niya, "just the pic I believe :) my mom doesn't even have white hair till this day so hopefully I won't too"

Ipinagtanggol din si Heart ng kanyang hair stylist na si Jeck Aguilar, na nagpatunay na walang white hair si Heart.
Depensa ni Jeck: "FYI !!! Kahit isang puting buhok wala si heart, that's why she doesn't know what upod means.
"Wala sa vocabulary niya yon.
"Great answer my dear @iamhearte by the way."
Sinabi naman ni Heart na alam niya na ngayon ang ibig sabihin ng uban.
"dear she said uban or unan keme! Kung Ano man yun [smile with eyes closed emoji] thank you miss u Na eto pero lahat naka upo dapat!"

