Sandara Park still mad at ex-boyfriend Joseph Bitangcol


Joseph Bitangcol declares he still loves ex-girlfriend Sandara Park, who he knows harbored ill feelings towards him when she returned to Korea.



Nang umalis si Sandara Park a few days ago para bumalik na ng Korea at iwanan ang showbiz, alam ng lahat kung ano ang nagtulak sa kanya upang gawin ito: Ang kawalan ng direksiyon ng kanyang showbiz career, ang kasong kinahaharap ng ama, at ang kinauwian ng mahigit dalawang taong relasyon nila ni Joseph Bitangcol.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Joseph noong Linggo, August 5, sa ASAP '07 ay hindi itinago ng batang aktor ang lungkot at panghihinayang sa naging desisyon ng ex-girlfriend.



"Nanghinayang kasi ako sa kinauwian ng relasyon namin. Ang tagal din namin, tapos nauwi din sa breakup. Nalungkot ako kasi hindi ko ine-expect na paplanuhin niya palang umalis at for good pa," sabi ni Joseph.

Kung nagpaalam at nakipagkita si Sandara sa lahat ng mga tao na naging parte ng buhay niya sa showbiz bago siya umalis, ayon kay Joseph ay nakarating lang sa kanya ang balitang aalis na si Sandara isang araw bago ang paglipad nito sa Korea. Hindi rin alam ng binata kung may balak magpaalam sa kanya si Sandara kung hindi pa siya ang nag-text sa dalaga.



"Ang naiisip ko lang, magpapaalam ba siya kundi ako ang nag-text? Kasi ako ‘yung nauna, ako ‘yung nag-text. Pero naisip ko baka nga hindi siguro kasi may galit pa siya sa akin. The day before siya umalis, dun ko lang nalaman na aalis siya.

"Nag-text ako sa kanya, sabi ko, ‘Aalis ka na raw bukas? Ano ang gagawin mo dun? Magbabakasyon ka ba? Bakit ka aalis? Sino ang kasama mo?' Sumagot naman siya sa akin, ‘Oo, aalis na ako bukas and it's for good.'

"Tinanong ko siya kung anong for good? Text back niya, wala naman daw siyang babalikan dito. Ganun ang mga linya niya. I also asked her kung nagpaalam ba siya sa mga bossing [ng ABS-CBN], kung hindi ba siya pinigilan? Sabi niya, hindi naman daw. Sabi ko, ingat na lang. E-mail, e-mail na lang kami," lahad ni Joseph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Aware daw si Joseph na masama ang loob o may galit pa rin sa kanya si Sandara dahil sa kinauwian ng kanilang relasyon. Ang mga text messages na puno ng panunumbat at reklamo ang isa sa malalim na pinagbasehan ng young actor.



"Pag nagte-text siya before, tungkol pa rin sa breakup namin, ‘yung sama ng loob at reklamo niya. Kung anuman ang nangyari sa amin, hindi ko sinadya ‘yon. Pareho naming dapat harapin ‘yon, pareho kaming nasaktan, pareho kaming nasugatan. Kung sa mahal, mahal ko pa si Sandara. Hindi naman nawawala ‘yon."

Nang tanungin namin kung mayroon ba siyang mensahe para kay Sandara, ito ang binitawang pahayag ni Joseph: "Sana ‘yung mga desisyon na gagawin niya, sana naiplano nila nang maayos ng family niya, sana safe sila dun. Nandito pa rin naman ako, ‘yung family ko para sa kanya. If ever na magkaproblema, if ever may maitutulong kami kahit nandun siya, nandito pa rin kami para sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN