JV Ejercito on Estrada-Ejercito losing in 2019 elections: "It's a sad day for the family."

IMAGE Noel Orsal / Facebook

Half-brothers Jinggoy Estrada (left) and JV Ejercito (right) are in danger of losing their senatorial bid, while their father Manila Mayor Joseph Estrada (center) lost his re-election bid.


"It’s a sad day for the family."

Ito ang reaksiyon ni Senator JV Ejercito sa panayam ng GMA News tungkol sa pagkatalo ng karamihan sa mga miyembro ng Estrada-Ejercito family na tumakbo ngayong #Eleksyon2019.

Si JV at ang kanyang half-brother na si Jinggoy Estrada ay parehong laglag sa Top 12 ng senatorial race, base sa latest partial and unofficial results.

Si JV ay nasa ika-13 puwesto habang si Jinggoy ay nasa ika-15.

Ang ama nilang si Joseph Estrada ay tinalo ni Isko Moreno bilang mayor ng lungsod ng Manila.

Ang anak ni Jinggoy na si Janella Estrada ay natalo ni Francis Zamora sa mayoral race sa San Juan City.

"From a dynasty to another dynasty" ang reaksiyon ni Winnie Monsod sa panalo ni Zamora bilang bagong halal na alkalde ng San Juan.

Ang half-sister nina JV at Jinggoy na si Jerika Ejercito, anak ni Erap kay Laarni Enriquez, ay natalo rin bilang konsehal sa Fourth District ng Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga pinsan naman nina JV at Jinggoy na sina ER Ejercito at Gary Estrada ay natalo rin sa kani-kanilang election bid.

Si ER ay natalong gobernador ng Laguna, habang si Gary ay natalong vice mayor ng Cainta, Rizal.

Sina ER at Gary ay mga anak ng yumaong aktor na si George Estregan, kapatid ni Erap Estrada.

WINNERS AND LOSERS

Muli namang nahalal na mayor ng Ormoc City ang aktor na si Richard Gomez.

Nanalo ring house representative ng Fourth District ng Leyte ang kanyang misis na si Lucy Torres-Gomez.

Tagumpay rin ang pagbabalik ni Angelica Jones sa mundo ng pulitika.

Nanalo siyang board member ng third provincial district ng lalawigan ng Laguna sa mid-term polls na naganap kahapon, May 13, 2019.

Nagpahinga si Angelica sa pulitika nang matalo siya sa vice-gubernatorial race sa Laguna noong May 2016.

Nahalal namang mayor ng Pola, Oriental Mindoro ang former actress na si Ina Alegre aka Jennifer Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ina ang incumbent vice mayor ng Pola bago siya nagwagi kahapon bilang alkalde ng kanilang bayan.

Number one elected councilor si Charee Pineda sa second district ng Valenzuela City.

Panalo ring mga konsehal sina Vandolph Quizon at Jomari Yllana sa 1st District, at si Ryan Yllana sa second district ng Paranaque City.

Nabigo naman si Dominic Ochoa na mahalal na konsehal sa ikalawang distrito ng Parañaque City, si Rochelle Barrameda na kumandidato na konsehal sa 1st District, at si Jeremy Marquez na natalo sa kanyang vice mayoral bid.

Hindi rin nagtagumpay si Andrea del Rosario na masungkit ang ikalawang termino bilang vice mayor ng Calatagan, Batangas.

Pero nagwaging konsehal ng lone district ng Angeles City ang kasamahan ni Andrea sa Viva Hot Babes na si JC Parker.

Iprinoklama ng Comelec ngayong umaga, May 14, sina Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte at Councilor Gian Sotto bilang bagong alkalde at bise alkalde, respectively.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pinalad si Polly Yllana na magwagi na konsehal ng 5th district ng Quezon City. Hindi kumandidato na konsehal si Anjo Yllana bilang pagbibigay-daan sa kanyang kapatid.

Natalo rin ang dating AngTV star na si Jan Marini bilang konsehal sa fourth district ng Quezon City.

Hindi na tumakbo na mayor ng Tacloban City ang former sexy actress na si Cristina Gonzalez dahil sa pagkandidato ng kanyang estranged husband na si Alfred Romualdez, na unopposed kaya panalo na bago pa idinaos kahapon ang eleksyon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN