Vico Sotto triumphs despite threats, hassles during 2019 elections

IMAGE @vicosotto Twitter

Vico Sotto on beating incumbent Mayor Bobby Eusebio in the 2019 elections: "I am blessed to be the face of this fight, but this goes beyond any of us."


Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay naantala ang pagdeklara kay Vico Sotto bilang mayor-elect ng Pasig City. 

Bandang pasado alas-tres ng hapon ngayong Martes, May 14, sa wakas ay iprinoklama siya ng Commission on Elections (COMELEC) bilang nanalong alkalde ng Pasig Cty nitong katatapos na Philippine elections 2019. 

Ito ay sa kabila ng kalahating araw na ang lumipas mula nang matantiya sa partial and unofficial results na malaki ang lamang niya sa kalabang reelectionist na si Bobby Eusebio. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Vico sa kanyang latest tweet: 

"After over 12 hours of waiting at City Hall, Roman & i have been proclaimed congressman & mayor elect.

"'6 mos mula nung nag-file ka,' a man approached me, 'pero para sa'min 12 years in the making 'to.'

"I am blessed to be the face of this fight, but this goes beyond any of us."

Si Roman Romulo ang nanalong kongresista sa lone district ng Pasig.

Makailang-beses ding dumanas ng iba't ibang hassle sa kampanya si Vico nitong nagdaang eleksyon. 

Pero tahasan itong inilantad ni Vico sa pamamagitan ng kanyang matapang na tweets. 

1. NO VENUE FOR CAMPAIGN RALLY

Noong May 10, o tatlong araw bago ang eleksiyon, inireklamo ni Vico ang umano'y kahina-hinalang mga rason kung bakit hindi sila pinayagang magsagawa ng "grand caucus" sa Plaza Rizal, Barangay San Jose, Pasig City, noong May 9.  

Ipinakita ni Vico ang kopya ng sulat mula sa Traffic Engineering Division ng Office of the Mayor ng Pasig, kung saan ang incumbent mayor ay si Bobby Eusebio. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinaing ni Vico: 

"una, bawal daw sa venue (pero sa Comelec rules pwede)

"inulit namin ang request, at ito naman ang sabi:

"di daw puwede kasi pa-traffic daw yun"

Giit pa ni Vico, hindi "kalsada" kundi sa "plaza" ang hinihingi niyang venue para sa campaign rally ng kanyang mga kaalyado. 

Gayong si Mayor Eusebio raw ay nakapagsagawa ng motorcade sa mismong main street ng Pasig City, noong May 9, base sa larawang kalakip ng tweet ni Vico. 

Tweet pa ni Vico: "Ang lantarang pang-aabuso ng kapangyarihan sa ngayon ay isa sa mga dahilan kung bakit ako lumaban para mayor.

"It's likely that those in power now think their actions are acceptable.

"Nakasanayan na nila ang ganitong sistema; makalumang politika. Panahon na para sa makabago."

2. SUDDEN POWER OUTAGE

Naranasan din ni Vico ang hindi inaasahang power outtage sa kanyang campaign rally sa isang "bakanteng lote" sa Pasig City. 

Sa pagkakaalam daw ni Vico ay nalinisan ang lugar ilang oras bago sila magtungo roon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nang sila ay mag-programa roon ay nawalan ng kuryente at natambakan ng basura ang paligid. 

Tweet ni Vico noong April 28: "Pero ok lang. Puwede nilang patayin ang ilaw, pero hindi nila kayang patayin ang sigaw ng Pasigueño para sa pagbabago." 

Kuwento pa ng binata, ikinatuwa niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao sa lugar. 

"Nung unang pumunta ako rito, ayaw ng iba na lumapit sa kin.

"May bumubulong pa, 'Pasensya na, di ka namin makamayan baka ma-picturean tayo.'

"Ngayon, sila pa ang nagsasabi na ituloy ang caucus. Wala daw problema kung madilim o may aberya.

"Sigaw ng marami, 'HINDI NA KAMI TAKOT.'

3. "KICKBACKS" AND "CONDITIONAL" PUBLIC SERVICE? 

Noong April 5, inilantad ni Vico ang concern ng ibang mamamayan ng Pasig na may nagsasabing kapag siya ang ibinoto bilang mayor ay matitigil na ang mga programang nakatutulong sa senior citizens. 

Sabi naman ni Vico: "Pag kinakalat ng iba ang fake news na mawawala ang benepisyo (katulad ng 3k ng seniors pag December, natatawa na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Una, pondo ito ng publiko; hindi galing sa bulsa ng politiko;

"Pangalawa, may mga batas tayo para rito;

"Pangatlo, kung ako ang mayor hindi ako tatanggap ng kickback.

"Walang 'tongpats'. Ibig sabihin, ang mababawasan ay yung presyo ng mga bibilhin; at madadagdagan ang mga benepisyo!!!"

4. CONSTANT "THREAT OF DEMOLITION"? 

Personal din daw na binisita ni Vico ang Westbank, Floodway sa Pasig kung saan napag-alaman niyang ang mga residente ay takot sa umano'y nakaambang posibleng demolisyon ng kanilang mga tirahan. 

Ani Vico:  along Westbank, Floodway in .

"People here are constantly manipulated & threatened w demolition.

"Many are scared because they know the current city admin's track record w relocation. many were thrown into far-flung areas with no jobs and poor basic services." 

Ipinakita rin ni Vico ang litrato ng isang relocation area sa Pasig na animo'y "ghost town" dahil napabayaan lang daw. 

Ito raw ang "#resibo" ng kawalan ng sapat na serbisyong totoo sa Pasigueños. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako mismo ang kumuha ng litrato na to. Walang kabuhayan.

"Nung pinalipat sila rito, wala pang kuryente.

"Result: much of the site now looks like a ghost town."

5. MORE"THREATS" AGAINST VICO'S SUPPORTERS? 

Umpisa pa lang ng kampanya ni Vico, napag-alaman din niyang marami sa mga taga-Pasig ang takot na siya ang iboto dahil sa posibleng epekto raw ng hindi nila pagsuporta kay Mayor Eusebio.  

Sumbong daw ng ibang silent supporters ni Vico, tinatakot umano sila na kesyo tataasan ang binabayaran nilang amilyar, hindi bibigyan ng business permit, o ipapa-trace silang mga hindi susuporta sa incumbent mayor. 

Personal daw na natanggap ni Vico ang mga reklamong ito sa mga hindi niya pinangalanang supporters. 

Pero paniniguro ng binata sa mga Pasigueño: "HINDI TAYO MAGPAPATAKOT. TULOY ANG LABAN." 

Mariin namang pinabulaanan ng kampo ni Mayor Bobby Eusebio ang mga akusasyon ni Vico.

Sa kabila nang lahat ng ito, tagumpay si Vico na wakasan ang 27 taong panunungkulan sa Pasig ng pamilya Eusebio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Vico ay unang nahalal bilang konsehal ng District 1 ng Pasig City noong 2016 elections. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN