Jinggoy Estrada concedes defeat in senatorial race

IMAGE Sen. Jinggoy Estrada Facebook


Kahit hindi pinalad manalo, ipinarating ni former Senator Jinggoy Estrada ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang senatorial candidacy sa midterm polls noong May 13, 2019.

Ang Facebook post ni Jinggoy ang unang pagkakataong naglabas siya ng saloobin matapos hindi palaring magwagi ang mga kandidatura nila ng kanyang anak na si Janella, na tumakbo bilang alkalde ng San Juan City, at ng tatay niyang si Joseph Estrada, na re-electionist bilang mayor ng Maynila.

Base sa partial and unofficial results, nasa ika-15 puwesto si Jinggoy sa senatorial race.

Ito ang buong mensahe ni Jinggoy para sa lahat:

"Sa aking mga minamahal na kababayan,

"Sa lahat po ng mga bumoto, nagdasal at sumuporta po sa akin, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat.

"Bagamat hindi po tayo pinalad na makapasok sa magic 12, ayon sa unofficial count ng Comelec at mga VCM’s, tatanawin ko pa rin ng malaking utang na loob sa inyo ang inyong ipinakitang suporta sa akin lalong lalo na ang masang Pilipino na kahit kailan hindi po ako iniwanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa lahat ng mga pinalad na maging bahagi ng senado, ang aking taos pusong pagbati sa inyong lahat.

"Sa lahat ng neophyte senators na nagwagi, Sens. Bong Go, Bato dela Rosa, Francis Tolentino at Imee Marcos, nawa’y tuparin ninyo ang inyong mga binitiwang pangako nu'ng panahon ng kampanya at malaki ang aking paniniwala na magiging maayos at productive ang senado dahil subok na ang inyong kasipagan at determinasyon na manilbihan sa taong bayan.

"Sa aking mga dating kasamahan sa Senado na nanalo, Sens. Sonny Angara, Koko Pimentel, Grace Poe, Cynthia Villar, Pia Cayetano, Lito Lapid at Nancy Binay, ang aking pagbati.

"I truly hope that all of you maintain the independence of the Senate, an institution where our people look up to.

"Kay Sen. Nancy, alam ko marami ka pang magagawa sa Senado na makakatulong sa ating mga kababayang mahihirap.

"Keep it up! You deserve to keep the 12th spot because you have a very big heart for the poor and you are the BETTER person among others. Congratulations my friend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa aking BFF at kakosa na si Sen. Bong Revilla, bagamat matagal tayong nagkasama at ngayon lang tayo maghihiwalay, ipagdadasal ko ang iyong tagumpay sa Senado at ipagpatuloy mo ang laban para sa katotohanan. I love you my friend!

"Sa kapatiran ng Iglesia ni Cristo at kay Ka Eduardo Manalo, maraming salamat sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin na mapabilang sa mga sinuportahan ninyo. Ito’y tatanawin ko na malaking utang na loob sa inyo habangbuhay.

"Kay Mayor Inday Sara at sa buong staff ng HNP, maraming salamat sa inyo. Hindi ko makakalimutan ang ating mga tawanan at mga kulitan. I will treasure all those memories.

"At panghuli, sa lahat ng aking mga campaign staff na naghirap nu'ng nakaraang kampanya, ang aking pasasalamat sa inyo.

"Wag na kayong malungkot, tanggapin na natin ang pasya ng taong bayan.

"Till we meet again! SALAMAT SALAMAT SALAMAT!!!"


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN