Did Ex Battalion just give thanks after Ai-Ai delas Alas quit being their manager?

IMAGE Noel Orsal

Ex Battalion's talent manager Ai-Ai delas Alas succeeds in hiding her disappointment towards her wards during the premiere night of their movie Sons of Nanay Sabel on April 29. The following Ex B members (L-R) are: James Brando, Rhenn Mangabang, Mark Maglasang, Daryl Borja Ruiz, Archie and Jon Gutierrez.


Kapansin-pansin ang halos sabay-sabay na pag-post ng cryptic message ng karamihan sa Ex Battalion members ilang oras matapos ianunsiyo ni Ai-Ai delas na nag-quit na siya bilang manager ng sikat na hip-hop group. 

Base ito sa Facebook posts ng Ex Battalion members na sina Mark "Bosx1ne" Maglasang, Rhenn "Hak Man Do" Mangabang, Daryl "Skusta Clee" Borja Ruiz, James Brando, at Archie "Flow G" Dela Cruz bandang pasado alas-otso ng gabi ng Miyerkules, May 15. 

Hindi malinaw kung ano ang nag-udyok sa kanila na mag-post ng pasasalamat.

"Salamat po ama," ang sabi ni Mark.

"Feeling blessed" si Rhenn.

Hirit ni Daryl, "Thanks bro!"

Sabi rin ni James, "Thanks po!"

At post naman ni Archie, "THANKYOU PAPA G." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban dito ay walang detalye kung ano ang ipinagpapasalamat ng Ex Battalion. 

Tanging si Jon Gutierrez, aka King Badger, ang hindi nakisali sa kung anumang pinasasalamatan ng grupo. 

Base sa comments ng netizens, hindi maiwasang mabigyang-kulay ang kani-kanilang Facebook posts at maugnay ito sa talent manager ng grupo na si Ai-Ai. 

Hindi lingid sa kaalaman ng netizens na noon ding Miyerkules ng hapon ay humarap sa entertainment press si Ai-Ai upang maglabas ng hinaing laban sa ilang miyembro ng Ex Battalion. 

May comments pa ang netizens tungkol sa pagbitiw ni Ai-Ai sa Ex Battalion. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AI-AI DELAS ALAS QUITS AS EX BATALLION'S MANAGER

Si Ai-Ai ay naging manager ng Ex Battalion sa loob ng isang taon at dalawang buwan. 

"Traumatized" daw si Ai-Ai dahil sa inabot na katakut-takot na "stress" na ibinigay sa kanya ng grupo dahil sa pagiging unprofessional ng mga ito. 

Apat na buwan pa lang daw mula nang siya ay maging manager ng mga ito ay nasaksihan niya ang pagiging "pasaway" ng Ex Battalion. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Partikular na raw sa mga miyembrong bigla na lang hindi sumisipot sa gigs na naoohan na ni Ai-Ai. 

Hindi na rin daw kinaya ni Ai-Ai ang kawalang respeto ng ilan sa Ex Battalion members at hindi pagsunod ng mga ito sa kanyang guidance. 

Napaiyak pa ang comedienne nang ikuwento ang hirap na dinanas bilang manager ng grupo. 

Isa raw sa mga huling alitan nila ng Ex Batallion na "nagdilim ang paningin" ni Ai-Ai ay nang biglang hindi sumipot si Mark sa show ng grupo sa Cotabato, gayong ito raw mismo ang kausap ng producer ng show na iyon. 

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang daw nagsabi si Mark na titiwalag na siya sa Ex Battalion. 

"Mama, alis na ako," ang sabi lang daw ni Mark kay Ai-Ai na "Mama" kung tawagin ng Ex Battalion members. 

Nabanggit din ni Ai-Ai na dapat ay guest si Daryl sa concert ni Billy Crawford, pero hindi rin daw ito sumipot doon. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw natuloy ang guest appearance sana ng Ex Battalion sa campaign rally ni senatorial candidate Bong Go bago ang May 13 elections, dahil hindi makumple-kumpleto ang grupo. 

Ang sabi pa ni Ai-Ai, hindi naman siya ang tipo ng manager na nakikialam sa personal na buhay ng kanyang mga alaga. 

Basta ang gusto niya ay maging "professional" ang mga ito sa trabaho. 

Sabi pa ni Ai-Ai, "OK" si James, "OK paminsan" si Rhenn, at "professional" si Jon pagdating sa trabaho. 

Pero dahil sa hindi mabilang na insidenteng binigyan siya ng sakit sa ulo ng Ex Battalion ay hindi na raw talaga gusto ni Ai-Ai na maging manager ng mga ito, kahit humingi pa raw ang mga ito ng isa pang pagkakataon. 

AI-AI'S LAST PRESSCON WITH EX BATTALION

Noong April 11 ay masaya pang humarap si Ai-Ai kasama ang buong Ex Battalion sa presscon ng pelikula nilang Sons of Nanay Sabel (S.O.N.S.). 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasabi pa noon ni Ai-Ai na ilang beses na niyang muntik sukuan ang Ex Battalion dahil sa hindi nila pagkakaunawaan, na ayaw nang idetalye pa ng comedienne. 

Pero nanaig daw ang pagiging "Mama Ai" niya sa mga ito at naayos ang anumang gusot na iyon. 

May 8 ipinalabas sa mga sinehan ang S.O.N.S. 

Ang totoo, ayon sa latest presscon ni Ai-Ai, nagtimpi lang daw siya noon dahil na rin sa mayroon silang pelikula.

Nahiya raw siya sa Viva Entertainment Inc. na itiyempo pa niya sa promo ng kanilang pelikula ang paglalantad ng sigalot nila ng Ex Battalion. 


Stories We Are Tracking

Ai-Ai delas Alas, umiyak dahil sa sama ng loob sa Ex Battalion
Ai-Ai delas Alas, umiyak dahil sa sama ng loob sa Ex Battalion
Ai-Ai delas Alas, tuluyan nang binitawan ang Ex Battalion
Ai-Ai delas Alas, tuluyan nang binitawan ang Ex Battalion
Mark Maglasang, aka Bosx1ne, kumalas na sa Ex Battalion
Mark Maglasang, aka Bosx1ne, kumalas na sa Ex Battalion
Ex Battalion Jon Gutierrez owns up to mistakes in marital problems with Jelai Andres
Ex Battalion Jon Gutierrez owns up to mistakes in marital problems with Jelai Andres


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN