Katrina Halili airs her grievances against 6Cyclemind band


Katrina Halili, Tanduay endorser and Marimar cast member, says it all started when a 6Cyclemind member blatantly asked her if they could do a one-night with him. There were other instances of ridicule by the band afterwards.



Kilalang iyakin si Katrina Halili tuwing may issue sa kanya. Sa presscon ng Marimar, kung saan siya ang gaganap na Angelika, muling umiyak si Katrina dahil sa dalawang issues sa kanya—ang isa ay tungkol sa namagitan sa kanila ng bandang 6Cyclemind.

Nagkasama si Katrina at ang 6Cyclemind sa commercial ng Tanduay. Si Katrina ang pinakabagong Tanduay girl at ang 6Cyclemind naman ang kumanta ng theme song.

Late last year, nagkaroon ng issue sa dalawang kampo nang mapabalitang isa raw sa member ng banda ang diretsong hiningi ang number ni Katrina at nagtanong kung puwede silang mag-overnight. Nabastos si Katrina sa ginawa ng member.

Sa SOP Music Awards last year, nang manalo ang 6Cyclemind sa isa sa mga awards, sila ang hinintay ng mga manunulat para sagutin ang issue. Una, ayaw sumagot ng kahit na sino sa kanila at ayaw man lang sabihin kung sino sa kanila ang diumano'y tumawag kay Katrina. Later on, ang manager nila ang sumagot sa tanong: "No comment."

Hindi naman ito pinalampas noon ni Katrina at nagsumbong siya sa management ng Tanduay. Ang payo sa kanya, tumahimik na lang daw at aayusin nila ang situation. Pinag-apologize din ang 6Cyclemind sa kanya. So, ang akala ni Katrina, ayos na ang lahat.

Sa shoot ng second commercial nila, nagulat na lang si Katrina na supposedly sa eksenang mag-iinuman sila ng banda, tumanggi ang 6Cyclemind na makasama ang sexy young actress. Kaya sa commercial, mga talents ang kunwaring kainuman ni Katrina.

"Tapos kapag dumadaan ako sa kanila noon, kunwari mga nakayuko sila na ayaw akong tingnan, pero nagtatawanan sila," dagdag na kuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ni Katrina na nangingilid ang luha.

"Tumahimik ulit ako kasi sabi ng Tanduay, huwag na raw palakihin ang issue. E, wala na ako ngayon sa Tanduay, ganoon pa rin ang ginagawa nila sa akin, like sa SOP noon na kapag dumadaan ako, nagtatawanan. So, sorry na lang, ikinukuwento ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tumahimik ako dito sa issue kahit ako ang nabastos. Ewan ko sa kanila kung ano ba ang galit nila sa akin," may luha na sa galit na sabi ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN