Lea Salonga clarifies she is not an advocate of abortion

IMAGE Arniel Serato

Lea Salonga clarifies she is not an advocate of abortion: "However, I’d like to think that I have the autonomy to decide what I can do for myself and my health care."


Nagpaliwanag si Lea Salonga hinggil sa stand niya tungkol sa abortion.

Nagsimula ang isyu tungkol dito nang mag-post si Lea sa Instagram ng quote na ito: “Against abortion? Have a vasectomy.”

Caption ng 48-year-old international singer-actress: “There. Problem solved.”

Ang vasectomy ay isang birth control surgical procedure para sa mga lalaki.

Ang Instagram post ng Broadway singer ay may kinalaman sa kasalukuyang isyu sa Alabama, U.S.A., kung saan maraming kababaihan ang ipinuprotesta ang pag-apruba sa anti-abortion law sa U.S. state noong May 14.

Dahil sa batas, itinuturing na krimen ang abortion, maliban na lamang kung ito ay kinakailangan para sa kapakanan ng kalusugan ng babae.

Nag-react ang isang netizen sa post ni Lea.

Base sa komento ng netizen, inisip niyang pabor si Lea sa abortion.

Bahagi ng komento ng netizen: “I disagree with you on this one, Lea.

"Everytime a woman chooses abortion, a life, not hers is ended.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We may disagree on when life begins. But that ‘clump of cells’ is a human being in the making."

Sinagot ito ni Lea.

Nilinaw niyang hindi siya advocate o tagapagtaguyod ng abortion, pero may karapatan siyang magdesisyon para sa sarili at sa kanyang kalusugan.

“For the record, I’m not an advocate of abortion.

"However, I’d like to think that I have the autonomy to decide what I can do for myself and my health care.

“It’s not up to me to decide what is right for another woman.

“Sure I have a uterus, but it’s not up to me to make difficult choices for other women whose lives will differ from mine.

“That is all."

Patama pa niya, “As for this post, it’s snarky.

"White men have chosen to co troll women’s bodies, hence they’ve opened the door for women to control theirs. Quid pro quo. That is all.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Majority kasi ng mga lumagda sa batas sa Alabama ay male legislators.

LEA SALONGA DEFENDS WOMEN

Samantala, may sinagot ding male netizen si Lea tungkol isyu.

Himutok ng male netizen, apektado siya dahil bina-bash ang mga kalalakihan kaugnay ng isyu.

Aniya, ang isa pang option ay ang pagpapatali ng babae o ligation, ang birth control surgery procedure para sa mga babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento ng netizen, “Or the woman could get her tubes tied…sick of this man bashing stuff.”

Sagot ni Lea, bilang pagtatanggol sa mga kababaihan: “Vasectomies are reversible. And last I checked, only men can get women pregnant.”


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN