Mariel Padilla speaks up about photo of Robin Padilla with female fan sitting on his lap

by Rachelle Siazon
May 21, 2019
Mariel Padilla says photo of husband Robin Padilla with female fan sitting on his lap is a non-issue: "Ang babaw nun."
PHOTO/S: @marieltpadilla Instagram / CTTO

Nagsalita na si Mariel Padilla tungkol sa kumalat na mga litrato ng asawang si Robin Padilla kasama ng dalawang hindi kilalang babae na todo-makadikit sa aktor.

Sa isang litrato, makikitang nakaupo sa sofa si Robin habang ang isang babae ay tila nakakandong at nakahilig sa mga bisig ng aktor para sa isang fan photo-op.

Sa gawing kanan ni Robin ay may isa ring babaeng nakaangkla sa braso ng aktor at naka-peace sign habang lahat sila ay nakatingin sa camera.

Ang babaeng nakakandong kay Robin ay may dalawa pang hiwalay na "selfie" sa hinahangaang aktor, na tinawag pa niyang "love" at "bebe love."

Hindi malinaw kung saan kuha ang photos, pero kumalat ito sa social media ilang araw bago ang May 13, 2019 midterm elections.

Noong mga araw na iyon ay kasagsagan ng paglilibot ni Robin sa iba't ibang lugar sa bansa kaugnay ng kanyang pagsuporta sa kampanya ng ilang kaalyado ni President Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓

NETIZEN TELLS MARIEL ABOUT FEMALE FANS' PHOTO-OP WITH ROBIN

May 10 nang i-repost ng isang netizen sa Facebook ang mga larawan ni Robin kasama ang dalawang female fans.

Sinabi rin ng netizen na ipinadala niya sa asawa ni Robin na si Mariel, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, ang kopya ng mga litrato ng dalawang babaeng fans na todo raw makadikit sa aktor.

Narito ang screenshot ng mensahe ng netizen kay Mariel:

Continue reading below ↓

Makalipas ang sampung araw, nitong Lunes ng gabi, May 20, nag-post si Mariel sa kanyang Instagram ng super sweet na mensahe tungkol sa pagmamahal niya kay Robin.

Dito na diretsahang nag-comment ang isa pang netizen tungkol sa usap-usapang nakunan si Robin ng litrato na may kandong raw na female fan.

"What happened to the photos with the girls on his lap? Okey lang sa iyo?" tanong ng netizen kay Mariel.

Wala pang isang minuto ay sumagot na si Mariel upang tuldukan ang isyu.

Giit ni Mariel: "@star01100110 ang babaw nun. Our marriage is so much stronger than that."

Continue reading below ↓

At press time, hindi na viewable ang naturang photos sa Facebook account ng natukoy na fan.

Pero makikita pa rin ito sa Facebook feed ng netizen na nag-repost ng photos ni Robin, na unang nailathala sa ilang blog sites.

MARIEL DESCRIBES ROBIN AS A CARING HUSBAND

Sa kabilang banda, ipinagmalaki ni Mariel sa nauna niyang Instagram post kung gaano kaalaga si Robin sa kanya mula raw sa paggising hanggang sa pagtulog ng It's Showtime TV host.

Kalakip nito ang litrato ng mag-asawa na kuha raw matapos nilang daluhan ang private dinner kasama si President Rodrigo Duterte sa Malacañang Palace noong May 7.
Katatapos lang maligo ni Mariel, at si Robin daw ang kusang nag-blowdry ng kanyang buhok.

Kuwento ni Mariel tungkol sa pag-aaruga sa kanya ng asawa:

"i never sleep with products on my hair... so i showered and was about to sleep. He doesn’t like that... me sleeping with wet hair so he dried it for me. He is sweet like that.

Continue reading below ↓

"Even when i go to work he asks me if i have a towel on my back (everyday yun ah) so my shirt doesn’t get wet and I don’t get sick. He is caring like that.

"On random days he sends me food while i am at work. He is thoughtful like that."

Ayon kay Mariel, wala siyang masasabi sa pagiging mabuting asawa at ama ni Robin.

"When he saw that i would bring the whole barangay when Isabella and i would travel he bought her a new van. He is generous like that.

"If I don’t say it enough... i want to say it out here how much we appreciate you and all that you do for us."

MARIEL ON ROBIN SUPPORTING HER HOSTING CAREER

Suportado rin daw ni Robin ang pagtatrabaho ni Mariel bilang host sa daily ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Mariel, "The truth is i am blessed because i know you will support us but you allow me to work because you know it’s part of me being me so you allow me to be me.

"Most of the time i am so busy with Isabella that i barely have any time for us. I miss us too.

"I want to congratulate you for the hard work you did during the last few months and you did it honorably.

"We are so proud of that... we are so proud of you! To my King [crown emoji] i love you @robinhoodpadilla [kiss emoji]"

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Padilla says photo of husband Robin Padilla with female fan sitting on his lap is a non-issue: "Ang babaw nun."
PHOTO/S: @marieltpadilla Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results