Matteo Guidicelli to undergo army ranger training

IMAGE Courtesy: Matteo Guidicelli on Facebook

Philippine Army confers 2nd Lieutenant rank to actor and reservist Matteo Guidicelli.


Isang buwang sasailalim si Matteo Guidicelli sa ranger training sa Philippine Army camp.

Sa panayam sa kanya ng Headline Pilipinas ng DZMM ngayong araw, May 21, sinabi ng Kapamilya singer-actor na isang buwan siyang magti-training bilang army reservist.

Pagbabahagi pa ng 21-year-old boyfriend ni Sarah Geronimo, “I’m going inside a… training this coming May 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ll be there for one month, inside the ranger camp.”

Kahapon, May 20, sa ginanap na Philippine Army Field Demonstration sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City, ginawaran si Matteo ng military rank na second lietunant.

Ang pagsali raw ni Matteo sa Philippine Army ang paraan upang pagsilbihan niya ang ating bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya sa panayam, “Because, I’m a Filipino and I love my country.

“And I think this is another avenue na, kumbaga, i-share ko yung sarili ko sa bansa ko.

“Kumbaga, makatulong ako sa bansa ko.”

Noong April 15, pinapurihan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas si Matteo at mga kaibigan nitong sina Ivan Carapiet at Luis Ruiz sa kanilang layuning makapagsilbi sa bayan bilang army reservists.

Noong Marso naman, sumali rin si Matteo siya sa Philippine Coast Guard Auxiliary kasama sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico. 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN