Solenn Heussaff 'totally forgot' third wedding anniversary with Nico Bolzico

IMAGE Rose Garcia / Instagram

Solenn Heussaff says she was even surprised by greetings from netizens and friends after posting a throwback photo with Nico Bolzico.


Noong May 21 ang third wedding anniversary ng isa sa sinasabing coolest couple sa social media—sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Noong araw na yun ay nag-post si Solenn ng throwback photo nila ni Nico, pero hindi raw niya naisip na wedding anniversary pala nila.

Natatawang kuwento ng Kapuso actress, “Nag-post ako ng picture with Nico noong umaga for the sake of…

“Kasi, nakita ko, ‘Ay, four days ago ang last post ko sa Instagram. Okay, kailangan kong mag-post.’

“So, nag-post lang ako ng lumang picture.

“Maraming naglagay ng ‘Happy anniv, happy anniv.’

“‘Ha? Anong sinasabi ng mga tao? Picture lang ng couple, happy anniv na agad?’”

Yun pala, nakalimutan talaga ni Solenn na yun ang araw na ikinasal sila ni Nico sa France, three years ago.

Patuloy niyang kuwento, “Hindi pa ako nag-react.

“‘Tapos, noong gabi, nag-text ang friend ko na nag-attend sa wedding ko sa France.

“Sabi niya, ‘Sos, happy anniv, three years na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Oh my gosh, May 21!’ Day of my wedding pala yun!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa taping ng GMA-7 primetime series na Love You Two sa Tivoli Royale, Quezon City, noong May 22.

SOLENN HEUSSAFF IS NOT A SENTIMENTAL PERSON

Ayon kay Solenn, hindi talaga siya sentimental na tao, na kailangang mag-celebrate ng mga special occasion.

“Hindi ako ganun na tao, hindi ako nagse-celebrate,” sambit niya.

“Pati birthday, hindi ako nagse-celebrate.

“Noong sinabi ko kay Nico, ‘Huy!’ Sabi niya, ‘What?’

“Sabi ko, ‘Are you busy? Happy anniv!’

“Sabi niya, ‘Oh, babes...’”

Nakalimutan rin daw ni Nico na wedding anniversary nila nung araw na yun.

“Mabait siya, joker siya, pero hindi siya yung super romantic na tao,” sabi ni Solenn.

Okay lang sa kanya na hindi rin naalala ni Nico ang espesyal na araw nilang yun?

“Yeah, kasi wala akong paki din!” natawang sabi ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “Sabi ng mom ko, ‘Hay, naku, three years pa lang kayo nakalimutan mo na. Kami ng tatay mo, 42 years na, we keep reminding each other.’

“Sabi ko, ‘Oh, my gosh, kung aabot ako diyan, may monumento na ako sa tabi ni Rizal!’”

Kung sakaling naalala nina Solenn at Nico ang kanilang wedding anniversary, hindi rin daw sila ang tipo na lalabas at magdi-date.

“Nag-movie lang kami sa bahay kasi may flight siya ng 5 A.M. papuntang Davao,” sabi ni Solenn.

Ganun din ba sila nung boyfriend-girlfriend pa lang sila?

Ayon kay Solenn, “Yung dyowa siyempre, yung first four months, monthsary-monthsary pa.

“After one year or after three years siguro, we stopped na.

“We’ve been together for nine years—three years married and six years live-in.”

ARE SOLENN AND NICO BOLZICO READY TO HAVE A BABY?

Sa tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, wala naman daw nabago sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Same thing, wala rin namang naiba,” pakli ni Solenn.

“We’ve both been busy and we don’t have a kid. Feeling ko, mag-iiba kapag may anak.

“Ngayon, feeling ko, mag-dyowa lang kaming dalawa.”

Nakalipat na raw sila sa kanilang sariling bahay at hindi na sila condo-living.

Preparasyon na rin kung magkakaroon na sila ng anak.

“May aso at pusa na rin ako!” natawang sabi ni Solenn.

Plano na nilang magkaroon ng anak?

“Yeah, if it happens, it happens,” sambit niya.

“Ngayon, mas okay na.

“Kasi yung last three [years], parang ayoko.

“Parang still new yung wedding. Parang gusto kong mag-enjoy.

“Ngayon naman, magti-thirty-four na ako.”

Si Nico, gusto na ring magkaroong ng anak?

“Si Nico, gusto niya noong kasal pa. But it’s my body, so yun!” natawang sabi ni Solenn.

Prayoridad niya ngayon ang magka-baby?

“Wala naman akong priority.

“For me, it’s just to live day by day. To enjoy and to work.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang reaksiyon niya na maraming netizens ang natutuwa sa kanilang pagiging “cool couple”?

Sabi ni Solenn, “Parang friends kasi kami, yun lang.

“Parang nagiging friends yung partner mo for life.”

SOLENN HEUSSAFF ENJOYS DOING ROM-COM SERIES

Ang huling teleseryeng ginawa ni Solenn sa Kapuso network ay ang Cain at Abel, kaya ibang-iba raw ngayon ang gagawin niya sa rom-com series na Love You Two.

Dati pa, sinasabi ni Solenn na enjoy siya sa comedy.

“Gusto ko ang comedy kaya nag-iba rin ang ang feel ko. Gusto ko yung look ko rito.

“Kasi sa Cain at Abel, ex din ako ni Dong [Dingdong Dantes].

“At least, maiba talaga ang look, ang feel, ganun.”

May pagka-bohemian daw ang look niya ngayon sa Love You Two, kung saan gumaganap siya bilang ex-girlfriend ni Gabby Concepcion.

Masaya rin si Solenn na mataas ang ratings na nakukuha ng Love You Two, kahit hindi pa siya napapanood dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang dagdag niya, “Yung pressure, baka bumaba kapag lumabas na ako, baka sabihin dahil sa akin!

“Pero no, I mean, maganda talaga ang script.

“Magaling si Direk [Irene Villamor]. Iba talaga.

'“Tapos yung script… kasi hindi ako yung tipo ng taong natatawa sa script. Natatawa lang ako kapag kita na sa TV.

“Pero ito, kapag nababasa ko ang script, natatawa talaga ako. ‘Gagawin ko ba talaga ‘to? Papayag ba ang GMA?’”

Ano yung gagawin niya?

“Secret! Hindi pa nagsu-shoot so tingnan natin kung papayag sila sa scene,” pa-suspense pa niyang pahayag.

THE WEDDING IN FRANCE

Ikinasal ang Filipino-French actress na si Solenn Heussaff sa Argentinian businessman na si Nico Bolzico noong May 21, 2016 sa Eglise Notre Dame de Combourg sa France.

Ang wedding reception naman nila ay ginanap sa scenic na Chateau du Grand Val.

Binansagan ang kanilang pag-iisang dibdib bilang #SosBolz wedding.

Kabilang sa mga celebrity na dumalo sa kanilang kasal ay ang mga kaibigan ni Solenn na sina Anne Curtis (kasama ang boyfriend pa lang noong si Erwan Heussaff, kapatid ni Solenn), Lovi Poe (kasama ang Sana Dati leading man na si Paulo Avelino), Isabelle Daza (kasama ang fiancé pa lang niya noong si Adrien Semblat), Georgina Wilson (kasama ang asawa niyang si Arthur Burnand), Tim Yap, Liz Uy, Carla Humphries, at Jasmine Curtis-Smith (with non-showbiz boyfriend Jeff Ortega).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN