Aiko Melendez speaks up about rumored breakup with Jay Khonghun

IMAGE PEP File

Aiko Melendez on relationship problems with boyfriend and newly-elected Zambales Vice Governor Jay Khonghun: "So ung mga bitteret dyan at nagsasaya na hiwalay na kami. Eh ipostpone nyo muna. Hawakan ng mahigpit ang panga bago magsaya kasi di naten alam baka maayos naman. Dito magkakasubukan ng haka haka nyo. Ok so for now kapit lang."


Nagsalita na si Aiko Melendez kaugnay ng kumalat na balitang tinuldukan na diumano nila ni Jay Khonghun ang kanilang relasyon pagkatapos ng eleksyon.

Ayon pa sa balita, ipinadala raw ni Jay ang mga gamit ni Aiko sa Zambales papunta sa bahay ng aktres sa Quezon City.

Nanalong bise gobernador ng Zambales si Jay, na personal na ipinangampanya ni Aiko nitong nakaraang eleksyon.

Sa isang mahabang Facebook post ngayong Biyernes, May 24, naghayag ng kanyang saloobin si Aiko kaugnay ng balitang pinalayas siya ni Jay at hiwalay na sila.

Aniya, "No truth to the rumors, that Jay Khonghun Sent my things over and pinalayas po ako?

"Nakakatawa ung pinalayas ???? 

"Una, our usapan was 45 days lang dba.

"Di naman kami live in po, Tumulong ako sa kampanya pero uuwi din ako sa bahay ko after kasi kasama ko mga anak ko dun.

"I just want to make it clear po na pinakuha ko po mga gamit ko coz most of the clothes, that i left in their subic home, were the ones na kasya sa akin actually narealized ko maluwag na dn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Being the prudent Iam, ayaw ko bumili bago, kasi nga ung weight loss ko every week nagbabago.

"pinakiusapan ko sya baka pwede padala nya mga gamit ko and he did through his staff."

AIKO MELENDEZ TRAVELS ALONE TO THE U.S.

Ipinost ni Aiko ang mensahe niya sa Facebook pagkalapag ng eroplanong sinasakyan niya sa Amerika, kung saan solo siyang bumiyahe upang sundan ang dalawang anak na sina Andre Yllana at Marthena Jickain na nagbabakasyon doon.

Ayon sa aktres, katulad ng ibang normal na relasyon, nagkakaroon din sila ni Jay ng misunderstanding at selosan paminsan-minsan.

Saad ni Aiko, "You guys might be wondering why am i travelling alone, and speculations have been going around na wala na po kami.

"Aamin ko po ako Jay and I are just like ordinary couples who goes thru arguments and little fights.

"Mostly we fight about him being careless and insensitive with my emotions, Probably because he is busy and now ako naman ang magiging busy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We fight about Jealousy well mostly sa part nya po ahhaha.

"But minsan I get jealous lalo na pag me suspicious text from a girl that he would always honestly tell me.

"Our golden rule was never to make pakialam each other’s phone, Kumbaga privacy namen un kaya pansin nyo phone ni VG me takip"

Patuloy niya, "i never actually questioned him amd doubted him kasi lagi asa isip ko di naman nya magagawa yan, pagkatapos ng lahat lahat ng sakripisyo ko, about sino katext or kausap nya.

"Mainly because iam very secured of where i stand, and also sa pagkakaalam ko dn wala naman daw ako dapat ikaselos, Ewan ko nalang after this post kng meron ba dapat hahahaha!

"And iam also secured that Jay sees me on a different level now, coz kahit nga kayo nagulat sa ginawa ko during elections.

"And di mapapantayan ang bonding moments namen Ni Jay during elections, Sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ng isang bakla ko na friend, 'Madam daig mo ang pa isang tunay na bakla kng magmahal!!!'

"Ganun ako sa lahat, when i love, i give my all.

"Mahal ko Zambales kasi napalapit kayo sa puso ko.

"Dahil na dn cguro sa maiksing panahon nakita ko gaano dn nila ako kamahal."

GOING THROUGH A PHASE

Kasunod nito, inamin ni Aiko na may pinagdaanan ang relasyon nila ni Jay ngayon.

Pahayag niya, "Ewan ko dn kng sakali man di kami magkatuluyan ni Jay hindi ko dn alam kng mamahalin nyo kng sino ang susunod na ipapalit nya sa akin, kagaya ng pagmamahal na binibigay nyo sa akin.

"Ang dasal ko lang is whoever, she maybe i Hope and Pray that she sees Zambales the way that i do.

"Hoping the sincerity, care and compassion that i gave Zambales kng hindi mahigitan mapantayan man lang.

"Ako im being Honest Jay and I are going through a phase now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Because iam a celebrity and politician me tsismis at tsismis tlga.

"So gusto ko sa akin galing para di kulang, di sobra but i do hope also for now i won’t get into details.

"And sana since nagshare naman ako kht paano ibalato nyo sa akin na wag na idetalye."

Ayon pa kay Aiko, "My trip now is to follow my kids who im missing so much, nababaliw na ako mabuti pinayagan ako ng GMA na antayin ang pagbabalik ko salamat po.

"Ngayon sa mga nagtatanong kng susunod si Jay para maka bonding ang mga anak ko dhl un ang naipangako nya, ayaw ko ipilit hayaan naten na si VICE GOV magdecide dun.

"Kapag nakita naten sya sumunod eh di ibig sabihin gusto nya patunayan his worth.

"Pagod na din ako sa kakabash ng mga wala magawa na papalit palit ng relasyon when infact ang nagiging kasalanan ko sa ano mang bagay pag tumaya ako sana tumaya din sa akin ng mas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi un ang prayer ko na mahalin ako ng sa mas mahal ko. Dati ganun naman si Jay infairness to him

"Lately, sabaw lang at 24 hrs daw tulog hahahahah! Anyways!

"There you go no judgements pls. Sabi ko nga its just a phase.

"So ung mga bitteret dyan at nagsasaya na hiwalay na kami.

"Eh ipostpone nyo muna. Hawakan ng mahigpit ang panga bago magsaya kasi di naten alam baka maayos naman.

"Dito magkakasubukan ng haka haka nyo. Ok so for now kapit lang. ?? Aiko Melendez from far away Land Jay Khonghun."

Maraming pinagdaanan ang relasyong Aiko at Jay. 

Nitong nakaraang kampanya, nadamay pa si Aiko sa black propaganda na diumano'y sangkot siya sa illegal drugs.

Kaugnay ito ng pagkasama ni Jay sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 

Dahil dito, sinampahan ni Aiko ng reklamong libel ang incumbent vice governor ng Zambales na si Angelica "Angel" Magsaysay-Cheng.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN