Derek Ramsay hits back at basher of his appreciation post for ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal


Bumuwelta ng sagot si Derek Ramsay sa isang basher na pumuna sa kanyang pagbibigay-pugay sa ABS-CBN.

Ngayong Biyernes, May 24, nag-post si Derek sa Instagram ng logo ng 65th anniversary ng dating home network.

Caption dito ng Kapuso actor: "Complete respect to everyone at the kapamilya network.

"Thank you for many years of service to all filipinos and to the 6 great years i spent with you."

Maraming netizens ang pumuri kay Derek dahil sa pagkilala nito sa nagawa ng Kapamilya network sa kanyang karera.

Pero kapansin-pansin ang komento ng isang netizen na may handle name na @jhearnhel.

Sabi nito: “Alam mo Derek, kung di ka pa loyal sa GMA ngayon, bumalik ka na sa dos, kase di namin katanggap tanggap ang mga plastik na artista tulad ni Regine.”

Ang tinutukoy ng basher na "Regine" ay ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez, na lumipat sa Kapamilya network noong 2018, matapos ang maraming taon nitong pananatili bilang Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pinalampas ni Derek ang komentong ito ng basher.

Buwelta ng aktor: “@jhearnhel wag kang bastos.

"I’m happy and loyal to GMA. They are great people.

"May respeto lang ako sa abs dahil nagtrabaho din ako dun."

Ngayong 2019 ay lumipat si Derek sa bakuran ng GMA-7.

Humirit ng komento ang basher at ipinagdiinan nitong sa TV5 dapat magbigay ng kanyang respeto ang hunk aktor.

Pagkatapos lisanin ni Derek ang ABS-CBN noong 2012 ay lumipat siya sa TV5.

Nang mag-expire ang kontrata niya sa TV noong 2018, lumipat si Derek sa GMA-7 nitong April 2019.

Sabi ni @jhearnhel: “No wonder wala kang respect sa TV5, dapat dyan ka rumespeto dahil dyan ka last ng work..nagpapansin k aba?”

Sinagot ito ni Derek.

Pahayag ng aktor: “@jhearnhel ikaw yata bro nagpapansin.

"I’ve always spoken highly of TV5. I had some of my best years there. 

"I respect your loyalty to abs but there is no need to be rude to prove it. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Think about your actions buddy and more important think before you speak."

Hindi pa rin tinantanan ng basher si Derek.

Pasaring nito sa aktor: “@ramsayderek07 Sa bagay nakinabang ka nga pala sa maduming kalakaran ng DATI mong network, kaya full support ka. Diba kuya Jimmy Bondoc.”

Mahinahon naman itong sinagot ni Derek.

Aniya, “@jhearnhel, look man I have no idea what you are talking about but I hope all of this has brought you happiness in your life. 

"You seem to have lots of anger bro and if I have helped you in anyway to let you vent out thn that’s a positive. Peace bro."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN