Manager downplays rumors of Maine Mendoza PHP1B gross earnings

IMAGE Mark Nicdao

Triple A Management head Rams David on rumors of Maine Mendoza's PHP1B gross earnings: “Wala namang makakapaglabas ng figures. Nobody can come up with the figures. Not even BIR ang mag-aano. Ang ginagawa ng BIR, nagra-rank sila."


Natawa si Rams David nang nakarating sa kanya ang kumakalat na balitang mahigit isang bilyong piso na (PHP 1.2B) ang kabuuang kinita ni Maine Mendoza sa showbiz.

Una ay ayaw mag-react ng manager ni Maine pero sa kapipilit namin ay nagsalita rin ito.

“Wala namang makakapaglabas ng figures.

“Nobody can come up with the figures.

“Not even BIR ang mag-aano.

“Ang ginagawa ng BIR, nagra-rank sila.

“Ang alam ko, nagra-rank ang BIR, pero they will not release figures.”

Tila ang pinalalabas kasi ng nagpapakalat ng fake news na ito ay may nakuha silang listahan sa BIR (through research) kung saan number one si Maine sa listahan ng mga highest earners (number 2 si Daniel Padilla) at kasama sa listahan ang eksaktong kinita ng bawat celebrity sa kani-kanilang endorsements.

Maaaring number one sa list si Maine pero walang eksaktong figures, dahil wala ngang maaaring maglabas nito sa publiko.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Rams kahapon, May 24, sa Limbaga 77 restaurant sa birthday treat niya sa writer ng artikulong ito at kay Lolit Solis na parehong Mayo ang buwan ng kapanangakan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat ba si Rams sa tsikang ito?

“Hindi, hindi naman ako nagugulat na may kinikita siya, pero yung fake figures, it’s not true.

“Walang ganun. Saan galing ang accountant nila?” at tumawa si Rams.

Dagdag niya, “Well, it’s nice na malaki ang kinikita niya from when she started na hanggang ngayon, maganda yung number of commercials niya.”

CLEARING UP ENDORSEMENT ISSUES

Tinanong naman namin si Rams kung bakit nawala sa commercial ng Magnolia Ice Cream si Maine.

Sa halip ay si Kathryn Bernardo na ang kasama ni Alden Richards sa naturang ice cream commercial.

“Ayokong mag-comment.

“I think si Magnolia naman, karapatan naman ng any product kung sino ang gusto nilang maging endorser, so…”

May koneksyon ba ito sa upcoming movie nina Kathryn at Alden na Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema?

Pag-amin niya, “I don’t know, I cannot answer for Magnolia.”

May balita naman na hindi naman tinanggal si Maine sa naturang endorsement, pero inilagay si Katrhryn sa ice cream commercial dahil nga may movie sila ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May existing pa bang kontrata si Maine sa Magnolia?

“Wala, we’re done with Magnolia,” pagklaro niya.

Pagpapatuloy pa ni Rams, “Wala kaming bad blood with Magnolia, San Miguel for that matter.

“Maayos naman nilang sinabi sa amin, okay naman.”

MARIAN SHOWBIZ COMEBACK

Kumusta si Marian Rivera na isa rin sa mga artists ni Rams (ng All Access to Artists o AAA Management)?

Lahad niya, “Okay naman siya, masaya!

“Busy siya sa halaman. Nakita mo, puro plants yung Instagram niya, iyon ang hobby niya ngayon.”

Kumusta ang bagong “apo” ni Rams na si Jose Sixto Dantes IV na ipinanganak nitong April 16?

Aniya, “Ang cute-cute ng bata!”

Kailan babalik sa trabaho si Marian?

“May mga shoot na.

“This June, may mga activities na siya.

“Endorsements, mga contract signing, shoot [for commercials] – iyon pa lang ang puwede niyang gawin.”

Babalik na sa Sunday PinaSaya ngayong July ang Primetime Queen.

Dasal niya, “Hopefully, hopefully. Kung okay na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE PROJECTS

May balitang may gagawing pelikula sina Marian at Dingdong.

Pag-amin ni Rams, “Wala akong naririnig, Sana! Maganda yun, ha?”

Si Maine naman ay naka-schedule na gumawa ng dalawang pelikula this year.

Pagkumpirma niya, “Iyon ang nasa plano namin.

“So malamang yan, a festival and a movie before the festival.”

May chance bang magsama sa isang pelikula or TV show sina Maine at Marian?

“Well, hindi naman imposible, pero wala pa sa ngayon.

“Pareho naman sila ng bakuran, ng company.

“They’re both in GMA, both in Triple A.”

Ang All Access to Artists/AAA Management) ang nagpapatakbo ng showbiz careers nina Marian, Maine, Jerald Napoles, Kim Last, Kenneth Medrano, Jon Timmons, Miggy Tolentino, Baste at Taki Saito.

TRUSTING MAINE'S DECISIONS

Tinanong namin si Rams, halimbawang magpaalam sa Maine sa kanya at sabihing mag-aasawa na ito?

Pahayag niya, “Karapatan ng bawat babae ang ikasal, lumigaya at magkapamilya.

“Sana mag-enjoy muna siya sa career niya. Pero kung saan masaya ang tao…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Usap-usapan ngayon ang balitang magkarelasyon sina Maine at Arjo Atayde.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN